“SORRY, Eve. Akala ko kasi okay lang sa’yo na makilala ni Evan ’yung Daddy niya. Hindi ko naman kasi alam na hindi pala kayo okay noon kasi nasa loob ka ng institution at ni isa ay wala kang nai-kwento sa akin tungkol sa tatay ni Evan. And since ayaw ko namang ipagdamot kay Evan ’yung totoo, hayun! Nagpakatanga ako. Ni hindi man lang kita kinonsulta noon. I’m sorry. Nakalimutan kong sabihin.”
“Okay lang, Pau. Naiintindihan ko. Kasalanan ko rin naman at hindi ko kinuwento si Hefner sa’yo.”
Pauline leaned forward. “Tell me more about him,” she said, giggling.
Eve rolled her eyes. “Tigilan mo ako, Elodie.”
Pauline pouted. “Parang nakikichismis lang eh.” Pau’s expression saddened.
Hindi natiis ni Eve ang kalungkutan ni Pau. “Okay. Sige! Sasabihin ko na! Konsensya ko pa kapag lumaking pangit ’yang pamangkin ko sa t’yan mo.” Eve heaved a sigh. “Adan Hefner Punzalan ang pangalan niya dati. Kaisa-isang anak ng bilyonaryong Waverly pero isa siyang bastardo. Anak lang kasi siya sa labas ng tatay niya.”
“Lumaki si Hef sa probinsya ng mga magulang natin sa Nueva Ecija. Isang sikat na escort ang nanay ni Hef ng mga mayayamang personalidad. Siguro ay nabuo si Hefner dahil sa trabahong iyon ng nanay niya. Pero kahit anak-mayaman si Hef ay wala siyang tinanggap na tulong sa tatay niya. Nakatapos siya ng pag-aaral sa sariling sikap. Gusto niyang may mapatunayan.” Eve remembered how Hefner would stay up late at night to study while cuddling her ’til she sleep on his lap. Bata pa siya noon at medyo clingy. She craved so much for love and attention na noong nakakita siya ng taong kayang magbigay sa kanya noon ay nagpaubaya siya. She was so desperate to be loved back then dahil buong buhay niya ay parang walang nagmamahal sa kanya.
“Si Hefner lang ’yung taong nagparamdam sa akin na karapat-dapat akong mahalin, Pau.” She smiled with pain in her eyes. “Pero bata pa ako noon. Tanga at walang muwang. Desperada sa atensyon.”
Pauline gave her a sympathetic look. “Alam mo namang mahal ka namin ng anak at ng mga pamangkin mo, hindi ba?”
She nodded. “Alam ko.”
Pauline smiled. “Okay. Ituloy mo na ang kwento tungkol kay Mr. Adan.” She squeeled like a teenage girl.
“Okay. Hefner became my firsts. First boyfriend, first uhm…” she paused. “…first uhm…”
“First sex?” Pauline giggled. “I knew it! Tell me more about him? Does he make you scream in bed?”
Bahagya siyang namula sa sinabi ni Pau. “Ang point ko rito, siya ’yung unang taong pinagkatiwalaan ko. He promised me home and I believed him. Noong mga panahong iyon, bulag ako sa pagmamahal ko sa kanya.” Eve tried her best to hold back her tears but failed. “Hindi siya bumalik.”
Pauline sobbed. Literal itong humikbi. " Ang sama niya!"
Eve groaned in disbelief. Moodswings. Normal iyon sa buntis.
“Pero wala na akong balak balikan pa ’yung nakaraan.” She smiled at Pauline. “Binigyan mo ako ng chance para magbago at talikuran iyon, Pau. Hindi ko sasayangin iyon.”
Sumeryoso ito habang sumisinghot-singhot. “Well, hindi naman natin kailangang kalimutan ang nakaraan. We learn from it. Our pasts helps us grow into what we are now. Basta ang mahalaga ay ang ngayon at bukas.”
She smiled. Pauline’s wisdom and wit never fails to amuse her. No wonder baliw na baliw si senator Grego sa ka-kambal.
“Basta ang mahalaga lang para sa akin ngayon ay si Evan. Kung gusto niyang maging parte ng buhay ng anak namin ay hindi ko na siya pipigilan. May karapatan siya. Basta ang akin lang ay magkasundo lang kami sa mga nakabubuti para kay Evan at walang magiging problema.”
“Nga pala?” Pauline tilted her head. “Kung matagal na kayong hindi nagkikita, paano niyo nabuo si Evan?”
She laughed. “Gusto mo talagang malaman?”
Pauline nodded gleefully. “Opo.”
She rolled her eyes. “Okay, Elodie. Dahil makulit ka, iku-kwento ko sa’yo ang lahat ng detalye.”
Maybe Pauline was right. Maybe her pasts wasn’t so bad after all. Maybe her pasts only prepared her for what’s about to come. For Evan. And maybe, just maybe, for someone better.
BINABASA MO ANG
Bared and Restrained (EROTIC ROMANCE)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE | R-18 SYNOPSIS "I'll make love to you until you let go of your fears. I will make love to you 'til you can't think of anything but me..." Evangeline have done so many unforgiveable sins. Pakiramdam ni...