Chapter 13

13.4K 360 13
                                    

“How are you, Hefner?” Hinagkan ng babae ang binata sa pisngi.

Pakiramdam ni Eve ay parang naninikip ang dibdib niya sa sobrang inis. Nag-iwas siya ng tingin at nagmamadaling pumunta sa nipa hut at padabog na nahiga sa isa sa mga foldable beds na naroon at ipinikit ang mga mata. Ayaw niyang makita ang paglalampungan ng magkasintahan.

“Mrs. Waverly? May kailangan pa ho ba kayo? Gusto niyo po ba ng maiinom?”

Nagmulat siya ng mata at bumungad sa kanya ang mukha ng assistant ni Hefner na si JM. She looked so young and brilliant dahil sa wide-framed eyeglasses nito at colored braces. Gayunpama’y alam niya na hindi bumawas iyon sa natural nitong ganda. Kahit kanina lang niya ito nakilala ay nararamdaman na niya kaagad na magkakasundo sila.

“Mrs. Waverly? Hindi ako ang asawa ng boss mo, JM.”

“Eh, sabi daw po ni bossing, ikaw po ang nanay ni Evan?”

“Ako nga.”

“Hindi pa po ba kayo kasal?”

“Hindi kami kasal at wala sa plano ko ang magpakasal, JM. Nandito ako dahil ayaw akong iwanan ng anak ko mag-isa sa bahay at hindi dahil may relasyon kami ni Hefner.”

“Sayang naman po, Ma’am. Mukha kasing trip kayo ni bossing. Lagi pong pasulyap-sulyap sa inyo eh.”

Her heart pounded. “T-talaga?” Hindi niya alam na sinusulyapan pala siya ni Hefner kung minsan.

“Oo, Ma’am. Alam niyo ho bang hindi ko pa po nakikitang tumingin si Sir Hefner sa babae ng ganun?”

It is true. Maging siya ay hindi rin nakitang tumingin si Hefner sa ibang babae na may nagnanasang tingin. Tanging sa kanya lang ito tumitingin ng gano’n.

Hefner had ghosts from his past, too. Kaya siguro pakiramdam nila ay komportable sila sa piling ng isa’t-isa. Both of them suffered from extreme physical abuse. Naiintindihan nila ang vulnerability ng isa’t-isa.

At ngayon, mukhang nakahanap na ito ng babaeng kaya itong intindihin pagdating sa pam-pisikal na pangangailangan nito kaya siguro ay tuluyan na siyang walang silbi para rito.

“Imposibleng may gusto sa akin ang boss mo, JM. Maniwala ka.” Ngumiti na lamang siya at pumikit muli para magpahinga.

“Mama! Mama!”

Isang tinig ang gumising sa kanya mula sa pagkakaidlip. It was Evan. Nakangiti ito at hinahalikan ang pisngi niya.

“Amoy dagat ka, anak.”

“Mama, babalik na po kami sa bahay para magbihis kasama si Tita Rica. Sasama ka po ba sa amin ni Daddy?”

Umiling siya at muling pumikit. “Sumama ka na sa Daddy mo, anak. Magpapahinga muna ako.” Ayaw niyang sumama. Tiyak na iinit na naman ang ulo niya kapag nakitang may kasamang babae si Hefner.

Iwinaksi niya ang lahat ng pangit na imhinasyon sa isip. Nai-imagine niya kasing masayang naglalampungan si Rica at Hefner sa bahay. Siguro nga ay baka magtalik pa ang dalawa pagkatapos magbanlaw ng katawan.

Marahas na bumangon si Eve mula sa pagkakahiga. She’s pissed.

“Pake ko ba kung magka-kantutan ang dalawang iyon?” Inis na tanong niya sa sarili.

She wanted distraction. Gusto niyang magpinta pero wala naman siyang dalang palette. Ni wala nga siyang dalang papel o di kaya’y krayola man lang.

She released an irritated sigh. Mabilis niyang hinubad ang manipis na shirt at shorts. Ang tanging saplot na lamang na natira sa katawan ay ang pulang bikini na ini-regalo pa sa kanya ni Pauline kasama ang ibang mga mamahaling damit. Hindi na siya nakabili ng matino-tinong swimwear dahil biglaan ang pagsama niya sa lakad ng mag-ama kaya no-choice siya. At isa pa, wala namang tao sa isla dahil pribado iyon. At ano namang pake niya kung maraming tao? She was used on stripping. She was a masked stripper before. Gamay na niya ang paglalantad ng katawan. And wearing a very flirty two-piece red bikini will do her no harm.

Bared and Restrained (EROTIC ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon