Chapter 15

14K 328 7
                                    

ILANG araw na ang lumipas at wala pa ring nagbabago sa pakikitungo niya kay Hefner. Nanatili pa ring iwas si Eve sa ama ng anak.

Habang nasa labas ang mag-ama at naglalaro ng volleyball sa beachfront ay naisipan ni Eve na maglibot sa buong kabahayan at tingnan ang mga guestrooms.

The house seemed so familiar. Na para bang napuntahan na niya iyon kahit alam niya sa sarili’ng iyon ang unang beses na nakita niya ang naturang bahay. Maybe from her dreams. Dahil ang bahay ni Hefner ay tila gawa lang ng imahinasyon. Too good to be true, ika nga.

Napadpad siya sa isang plain white room na may view ng beachfront dahil gawa sa clear fiberglass ang pader. She gasped. Minsan ay nangarap siya ng gano’ng art room para sa kanya.

Mas lalo pa siyang napa-nganga sa mga art materials na naroon. Lahat ng mga art materials ay may price tags pa at tila hindi nagamit. At muntik nang mapamura si Eve sa mga presyo ng bawat materyales. From brushes to canvas. Lahat ay halos nakakalula sa presyo. Pero ang nakapagtataka ay hindi naman mahilig mag-pinta si Hefner.

"Siguro ay binili niya ito para kay Evan…

She smiled at her thought. Natutuwa siya sa pagiging thoughtful ng binata sa pangangailangan ni Evan.

Gusto niya sanang subukan ang magpinta sa kwartong iyon. Kaso ay nakaka-konsensya dahil hindi pa nagamit ang mga materyales na naroon at baka sabihan pa siyang pakialamera. Kaya kahit excited siyang magpinta doon ay pinagmasdan na lamang niya ang buong kwarto.

Naramdaman niya ang mga pamilyar na hakbang ni Hefner na papasok sa naturang kwarto. She quivered. Papalapit ito sa gawi niya.

“Hinahanap kita sa buong bahay. Sabi na nga ba at nandito ka.”

She closed her eyes. Napakalamig sa pandinig ng boses nito. And then right there, her sweet, happy memories with him once again evaded her thoughts.

Nagmulat siya ng mata. He is now standing in front of her.

“Anong inisip mo?”

She shrugged. “Wala naman.”

“Kilala kita. May bigla kang naiisip kapag pinipikit mo ang mga mata mo.”

She stared at him. Hinayaan niyang ang kanyang puso ang magdikta. She finally let her guards down. She wanted to be exposed. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. And she’s feeling a little bit dizzy.

Hefner laughed. “Don’t tell me uminom ka ng red tea na tinimpla ko sa island counter?”

Her cheeks flushed. “P-Paano mo nalaman—”

“Your breath smells cranberry. May alcohol ang tinimpla kong cranberry tea kanina at mahina ang tolerance mo sa alcohol.”

So that explains why. Kaya pala feeling niya ay nahihilo siya at tila wala siya sa tamang pag-iisip. She’s tipsy.

“Sorry. Akala ko inumin lang iyon. Mukhang masarap eh. At… at nauuhaw ako kanina.”

“It’s okay,” he smiled. Inikot nito ang paningin sa kabuuan ng kwarto. “You cqn paint here. Kumpleto na rin dito ng mga materials na kakailanganin mo. If you need anything, just call JM. Nandoon lang siya sa sala o sa house office ko palagi.” Itinuro nito ang isang telepono sa gilid. “Intercom ’yan. I-press mo lang ang number 2 kung gusto mong tawagan si JM. Or if you wanted to call me, just press the number one button. Kung gusto mo namang tawagin ang gwardya sa beachfront, press the number 3.”

Tumango si Eve. “Salamat.” Her eyes searched around the place. “Nasaan si Evan?”

He chuckled. “Nasa play pen niya. He’s playing with JM. Ni ayaw niyang magpapigil.”

Bared and Restrained (EROTIC ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon