Chapter 5

15.8K 373 5
                                    

ISANG malakas na sampal ang iginawad ni Eve kay Hefner. Nakapaloob sa sampal na iyon ang galit at inis para sa binata.

“Really? Iyan ang welcome greeting mo sa kasintahan mo? So romantic.” He said with full of sarcasm.

Napakunot-noo siya. “Ano’ng kailangan mo?”

“Ang anak ko, Eva–”

“Huwag mo akong tawaging Eva.” She gritted her teeth. “At hindi kita nobyo.”

Kung nakakamatay lang ang mga tingin ay kanina pa siya namatay sa titig ni Hefner sa kanya. Humalukipkip si Eve at inis na nag-iwas ng tingin. Pero alam niya na nakita ni Hefner ang hinanakit sa mga mata niya.

“I’m sorry for making you believe that I could save you, Eve. Sorry. Nabigo kita. In the end, I only made everything worse.”

She tried all her might to hold back a tear. Nagtagumpay siya. She can’t afford to show how weak she is. Ayaw niyang abusuhin na naman ang kahinaan niya.

“Alam kong hindi ako ang sadya mo rito at hindi ko kailangan ang sorry mo.” She looked at him. “Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo. May gagawin pa ako sa coffee shop.”

His jaw clenched. “As I said, gusto kong makilala ako ng anak ko.”

She glared at him. “Bakit ko gagawin ’yon?”

He paused for a while, thinking about his argument. “Kundi ay kukunin ko ang custody niya mula sa’yo.”

She faked a laugh. Seryoso ka? Kukunin mo ang custody ni Evan mula kay senator Grego?" Napailing-iling siya. “Noong mga panahong iniwan mo ako, sila lang ang tumulong sa akin at nagpakita ng malasakit. Tinulungan nila akong bumangon. Pinalaki nila si Evan ng puno ng pagmamahal. Si Grego ang tinuring ni Evan na ama noong mga panahong wala ka.” Halos mangalay na ang panga ni Eve dahil sa pagpipigil ng mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata. “Kasi wala ka namang mapapala sa’kin, ’diba?”

His eyes showed sadness. “No—”

“Ayaw ko nang makarinig ng kasinungalingan mo, Hefner. Dahil sa pagkakaalala ko, noong naniwala ako sa’yo, nagkanda letse-letse ang buhay ko.”

“No, hindi iyon ang dahilan–”

“Bakit mo ako iniwan?” She sobbed. Hindi na niya napigilan ang mga luhang magbabadyang tumulo mula sa kanyang mata. “Umasa ako sa’yo, Hefner. Akala ko ililigtas mo ako. Paulit-ulit kong tinawag yung pangalan mo pero hindi ka dumating. Noong…” she choked back a sob. “…noong mga panahong tinatawag kita para hingian ng tulong. Hindi ka dumating.”

Natahimik si Hefner at nakinig sa mga sinasabi niya.

She continued her tirade. “Noong mga panahong nakita mo ako sa bar at sumasayaw, kaagad mo akong inakit na para bang wala lang ’yung ginawa mong pang-iiwan sa’kin noon.”

“I thought you were okay that time. H-Hindi ko alam na lasing ka no’n kung hindi pa kita nahalikan. I took advantage of you, yes. But you can’t blame me. I-I m-mis—”

Marahas niyang pinahid ang mga luha. “Pero hindi naman ito tungkol sa atin ngayon kaya wala nang rason para balikan pa ang mga iyon.” Nag-iwas ng tingin si Eve. “Please. Huwag mo nang kunin si Evan. Siya na lang ang meron ako. Si Evan na lang ang meron ako. Pakiusap.”

He looked back at her. “I just wanted to meet him. Gusto ko lang na makita siya linggo-linggo, Eve. Bakit mo ba ipinagkakait iyon—”

“Ayaw kong umasa ang anak ko na may aasahan siya sa’yo. Ayaw kong masaktan si Evan kagaya ng mga sakit na dinanas ko, Hefner. Ayaw ko lang na umasa siya sa’yo at sa huli ay mabibigo siya.”

“Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, Eva. M-May rason kung bakit hindi kita nabalikan kaagad–”

“Please. Huwag mo nang sabihin at ayaw kong malaman. Gusto ko lang sanang layuan mo kami ng anak mo. Pakiusap lang.” Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kasabay ng mga yabag na iyon ay ang alaala ng nakaraan na biglang bumuhos sa isipan niya.

“Hefner! Tulungan mo ako!”

“Hefner! Parang awa mo na!” Pilit siyang nagpumiglas habang hinuhubad ng kanyang tiyuhin ang suot na bestida.

Mga pamilyar na boses ng kinse-anyos na si Eve ang narinig niya mula sa isipan. She’s a fool. Umasa siyang maililigtas siya. She thought that Hefner would come and save the day just like in the movies but he didn’t. Not even close. Dahil hinayaan siya nito na masadlak sa madilim na mundo at hindi man lang binalikan.

Muli siyang hinablot ng pamilyar na kamay ni Hefner at pinihit paharap dito. “Ano ba talagang nangyari, Eva? Sabihin mo sa akin.”

She shrugged. “Para saan pa? Hindi mo na mababago iyon. Matagal nang tapos iyon.” She paused for a while. “Tingnan mo. Hindi ka naman magiging ganyan ka-successful kung pinili mo ako. Dapat nagpapasalamat ka na lang. Deserve mo naman ’yan.”

Nagpatuloy sa paglalakad si Eve. Kasabay ng mga luhang umagos sa mga mata ay ang mga alaalang gusto na sana niyang ibaon sa limot at hindi na muling hukayin pa kailanman.

 Kasabay ng mga luhang umagos sa mga mata ay ang mga alaalang gusto na sana niyang ibaon sa limot at hindi na muling hukayin pa kailanman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bared and Restrained (EROTIC ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon