Chapter 1: I met him

60 5 1
                                    

Chapter 1

Nakaupo ako sa isang sulok malapit sa may basurahan. Umiiyak.

"Dapat lang yan sa basura na tulad mo! kasama ang kapwa basura!"sigaw ng isa sa classmates ko.

"Hahahahha BASURA!"sigaw ng mga kaklase ko. Tumayo na ako pero tinulak ako ng classmate ko.

"Ano ba?!"sabi ko. 

"Diyan ka lang basura. Hintayin mong itapon ka ni manong janitor!" sabi ng classmate ko. Umalis sila sa classroom at iniwan ako. Tumayo ako pumunta sa may pinto pilit kong binubuksan ang pinto pero...

"Ni-lock nila ako!"sabi ko at umiyak.

Ako si Yvonne Emily Mae Andres, 16 years old, grade 10, lagi akong nila-lock ng mga classmates ko katabi ang basurahan. Anak kasi ako ng isang basurero na kriminal na tatay ko at isang walang kwentang ina na nang lalake at iniwan ako. Paano ako nabubuhay? Nasa alaga ako ng tita Maureen ko na pabigat lang ang turing sa kin. 

"Tulungan niyo ako!"paulit ulit na sigaw ko. Bumukas ang pinto. Answered prayer.

"Thank you!"biglang yakap ko sa lalaki na nagbukas ng pinto.

"Bitiwan mo ko basura! Baka maging mabaho ako!"sabi ng lalaki. Tinignan ko kung sino at binitiwan siya.

"Sorry."sabi ko.

"Ni-lock ka nanaman."sabi niya. Tumango lang ako. Ang lalaki nga pala na kausap ko ay classmate ko na lagi akong tinutulungan pag ini-lockan ako ng pinto. Siya si Ian Keir Raymundo.

"Salamat. Keir."sabi ko at tumakbo na pauwi dahil pagsisilbihan ko pa ang pamilya ni tita Maureen.

***

"Bakit ang tagal mo umuwi kang bata ka?!"sigaw ni tita Maureen.

"Ni-lock po ako ng mga kaklase ko sa classroom."sabi ko.

"Ayan na naman yang walang kwentang dahilan mo. May anti-bullying na kaya impossible na yang dahilan mo. Sabihin mo na kasi na ayaw mo sa gawaing bahay."sabi ni tita Maureen. Binigay niya sa kin ang isang sobre.

"Binigay yan ng nanay mo."sabi  ni tita Maureen. Binuksan ko.

"Wala nman pong laman."sabi ko.

"Kinuha ko yung laman niyan bayad mo sa pag- aalaga ko sayong bata ka."sabi ni tita."Mag-bihis ka na nga at magluto ng hapunan."

Agad ay nagtungo ako sa kusina. Unang beses na nagpadala ng sobre sakin ng nanay ko tapos kukunin pa ni tita yung pera na laman nun. Kailangan ko yung pera na yun dahil may project kami. May tumulo na luha sa mata ko. 

"Magta-trabaho na naman ako mamaya."paanas na sabi ko sa sarili ko. 

***

Nandito ako sa isang restaurant dito ako nagta-trabaho para sa expenses ko sa school dahil hindi naman ako binibigyan ng pera ni tita para sa projects etc. ko. 

"Yvonne, sa table no.3 ibigay mo 'tong order."sabi ni Janette, ka-trabaho ko dito sa restaurant. Pumunta na ako sa table no.3 nakita ko ang lalaki na may kausap sa cellphone.

"Hindi ka na pupunta.....O sige.....Bye...."sabi ng lalaki.

"Umm... excuse me po. May I get your order?"sabi ko.

"Pagmamahal yun ang order ko."sabi ng lalaki at tumayo na. "Sana sa balang araw mai-serve  yung inorder ko."

Lumakad na paalis. Bumalik ako sa may kitchen. 

"Di naman umorder yung lalaki."sabi ko.

"Ano yung sinabi nung lalaki."tanong ni Janette.

"Pagmamahal yun ang order ko. Sana balang araw mai-serve yung inorder ko."

"Baka broken hearted yung lalaki."sabi ni Janette. 

"Baka nga... Sa tingin ko matagal pa bago ma-serve ang pagmamahal na order niya."sabi ko.Tumango lang si Janette.

Pagmamahal... kung na ise-serve lang yan tiyak madami na ang umorder. Baka nga laging out of stock dahil madami ang may hangad niyan pagmamahal.

Gabi na nag-lilinis na kami ng restaurant. Nililinis ko ang table no.3 nang may nakita ako na papel. Binasa ko ang nakasulat.

Mandy,

I love you with all my heart. I hope that you appreciate this letter. Torpe ako hindi ko masabi ng harapan ang nadarama ko para sayo. Alam ko kaibigan lang ang turing mo sakin dahil kamakailan lang tayo nagkakilala pero mahal na kita. 

Dale <3 Mandy

Itinago ko ang papel sa bulsa ko. Umuwi na ako pagkatapos maglinis sa restaurant. Pagkadating sa bahay pumunta ako sa kwarto ko at binasa muli ang papel. Kinikilig ako sa nagsulat nito na sa tingin ko ay si Dale. Ang sweet niya dahil nag-effort siyang magsulat para sa guto niyang babae na si Mandy. 

"Sana balang araw may mag serve sakin ng pagmamahal."

Calling. Cannot be reach.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon