Chapter 4
Nakanuot ang noo ko dahil nandito si Sky na leader ng bully. Nakanuot lalo ang noo ko sa pagpunta sa may kusina ng restaurant dahil sa order ni Sky. Paano ba naman kasi ang order niya maibibigay? Ang order niya kasi ay ' pagkain na wala sa menu'.
"Chef, yung lalaki sa table no.3 yung order pagkain na wala sa menu."sabi ko sa chef ng restaurant.
"Huh? Paano iyon?"sabi ng chef.
"Ewan ko po kayo na po bahala."sabi ko.
"Yvonne, ikaw nalang magluto ng kahit ano basta wala sa menu."
"Huh? Bakit ako?"
"Maraming order eh."sabi ni chef. Sinunod ko naman ang utos ni chef at kumuha ako ng kaldero.
Anong putahe na alam ko ang wala sa menu? Eh parang lahat ng alam ko meron. Laing? Wala iyon sa menu pero baka hindi magustuhan ni Sky. Alam ko na! Niluto ko na ang naisip ko at inilagay sa tray ng natapos na. Lumabas na ako ng kusina at ini-serve na ang putahe.
"Tapsilog?"sabi ni Sky.
"Hindi ito tapsilog dahil walang sinigang. Ito ay Tapilog."sabi ko.
"Tapilog? Ano iyon?"
"Tapa,itlog at hotdog."sabi ko at tumawa.
"Magkano naman ito?"
"P99."
"Ang mahal naman samantalang mura lang ito sa kanto."
"Mahal yan kasi merong pagmamahal ko hahaha."sabi ko at tumawa. Ewan ko pero parang nanlaki ang mata sakin ni Sky at namula sa galit o inis ewan ang mukha niya.
"Joke lang."sabi ko at bumalik na sa may kusina. Lumapit sa kin si chef.
"Ano yung iniluto mo?"tanong niya.
"Tapa, itlog at hotdog in short Tapilog po. P99 ko po ibinenta."sabi ko.
"Ahh ok. Nagustuhan ba?"tanong ni chef.
"Siguro?"sabi ko. Pumunta na ako sa table no.6 para kumuha ng order. Nakatakip din ng menu ang mukha ng lalaki. Ibinaba niya ito nang makalapit ako. Si Keir!
"Gusto ko din yung inorder ni Sky!"sabi niya. Agad naman akong napatakbo sa kusina dahil sa boses niya na parang commander na dapat sundin.
"Anong order?"tanong ni chef.
"Tapilog po."sabi ko at nagluto na. Nang matapos ko na itong lutuin ay agad na inilagay ko sa tray at ini-serve na kay Keir.
"Eto na order mo."sabi ko at umalis na.
Nandito si Sky at Keir. Sino susunod si Dale? hahaha impossible.... pero kanina galit kaya si Sky sa sinabi ko na Mahal ang tapilog dahil may pagmamahal ko? Namula kasi mukha niya. Hay, ano kaya nagawa ko at galit siya.... Baka OA lang ako at hindi naman siya nagalit.
Binatukan ko ang sarili ko. Nagpunta na ako sa table ni Sky. Inilapag ko sa lamesa niya ang bill niya. Binigyan niya ako ng P100.
"Keep the change."sabi ni Sky at umalis na.
"Salamat sa piso."sabi ko bago siya tuluyan na makalabas. Bumalik na ako sa kusina.
"Ilagay na rin kaya natin ang Tapilog sa menu?"sabi ni chef.
"Kayo po bahala."sabi ko. Naghugas ako ng ilang mga plato. Nang natapos ako ay pinuntahan ko na ang table ni Keir at inilapag ang bill niya. Inabutan niya ako ng P200. Binigyan ko siya ng P100.
"Keep the piso?"sabi ko.
"Nek nek mo. Akin na piso ko."sabi ni Keir. Ibinigay ko sa kanya ang piso niya. Grabe! Piso na nga lang eh... buti pa si Sky binigay sa kin yung piso.
***
Naglalakad na ako pauwi nang may makita akong babae. Umiiyak siya at nakaupo sa isang sulok. Nilapitan ko ang babae.
"Anong problema miss?"tanong ko. Nilingon ako ng babae. Nginitian niya ako.
"Wala."sabi niya at tumayo. Nagulat ako dahil niyakap ako ng babae.
"Ako si Mandy, kailangan ko ng kaibigan. Pwede ka ba?"
BINABASA MO ANG
Calling. Cannot be reach.
Fiksi RemajaSince you came into my life. Everything has changed. You Made me feel new things. You made me feel LOVE. You are my first. You broke everything. "I tried to reach him. But I just cant. I'm Calling....But....Cannot be reach...."