Chapter 3
Nagkaroon ako ng instant friend pero instant assignment naman sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Binigyan kami ni maam ng assignment tungkol sa sarili kung saan sasabihin mo sa classroom kung sino ka, ano pinagdadaanan mo, etc. pero by pair at ang katabi mo ang ka pair mo.
Uwian na.
"Gawin na natin yung assignmant bukas ng maaga."sabi ni Dale habang nag-aayos ng gamit.
"Sige."sabi ko at nagpunta na sa may likod ng classroom para kunin ang walis.
"Cleaner ka? Pero bakit wala kang kasama?"tanong ni Dale.
"Ako lang ang cleaner ng classroom dahil ako ang na-assign na buong school year na cleaner."sabi ko.
"Pero bakit?"
"Secret."
"Puro ka secret eh."
"Ikaw lang ang kaibigan ko kaya hindi ko sasabihin ang dahilan dahil..."
"Baka sasaktan din kita tulad nila."sabi ni Dale. Tumango lang ako.
"Di ako tulad ng 'nila' na tinutukoy mo. Sige, una na ako."sabi ni Dale at umalis na.
"Bye."sabi ko at naglinis na ng classroom. Pagkatapos mag linis lalabas na ako ng classroom nang muntik ko nang makalimutan bag ko. Pagkakuha sa bag ko ay binuksan ko ang pinto at lumabas ng classroom. Nakita ko si Keir nakatayo sa may pinto.
"Anong ginagawa mo?"tanong ko sa kanya.
"Iniisip ang sagot sa tanong na what am i?"sabi niya at naglakad na. Sumbay ako sa paglakad sa kanya.
"Ako si Ian Keir Raymundo, 16 years old. Pinanganak noong May 4.Anak nila Maria at Juan Raymundo. Panganay sa apat na magkakapatid. May matagal na akong gustong itanong gwapo ba ako? Bakit na-friendzoned lang ako? Gusto mo ba ako?"
"HUH?!"sabi ko at napatulala.
"Iyong mga sinabi ko iyon na yung sa assignment natin na WHAT AM I?"sabi niya.
"Ah okay... akala ko totoong tinatanong mo ako."
"May naisip ka na sa assignment?"
"Meron... Ako si Yvonne Emily Mae Andres, 16 years old. Dati pa malungkot na ang buhay ko dahil iniwan ako ng nanay ko at nung tatay ko basurero tapos nakulong pa siya dahil nagnakaw siya. Inaasar niyo ako na basura dahil nga sa tatay ko. Inaalagaan ako ng tita Maureen ko na inaalila naman ako. May part time job ako sa isang restaurant. Wala akong problema bukod sa anong mangyayari sa kin sa hinaharap?"
"Drama naman ng ire-report mo para sa assignment."
"Ganoon talaga eh."sabi ko. Tumigil ako sa paglalakad dahil nakita ko si Dale. Tinawag ko siya. Lumingon siya at nginitian ako. Lumapit naman ako sa kanya.
"Bakit nandito ka pa?"tanong ko.
"May hinintay lang ako."sabi ni Dale.
"Ah ok. Sige ah.Bye."sabi ko at naglakad na papunta sa gate. Hinawakan niya ang braso ko.
"Bakit?"tanong ko.
"Sabay tayo umuwi."
"Paano yung hinihintay mo?"
"Ikaw nga yung hinihintay ko."sabi niya at hinila ako palabas ng school. Nginitian ko siya.
"Narinig mo ba yung kanina?"sabi ko. Tumango siya.
"Hindi ko inaakala na. Mabigat pala ang pinagdadaanan mo...."
"Alam mo na ngayon."sabi ko at inunahan siya sa pag-alis sa school.
Nakauwi na ako sa bahay. Diretso bihis ako dahil baka ma-late ako sa part-time job ko. Wala nang kain kain at umalis na ako ng bahay. Pagkarating ko sa restaurant ay agad na sinabihan ako na kumuha ng order ng table no.3.
"Good Evening po Sir, What's your order?"sabi ko.
"Ngiti ka naman."sabi ng lalaki at ibinaba ang menu na nakatakip sa mukha niya. OMG!
"Sky?"sabi ko. Nanlaki ang mata ko dahil si Sky na laging nangunguna sa pang-aapi sa kin ay nandito sa harapan ko at nag-order ng ngiti ko!
BINABASA MO ANG
Calling. Cannot be reach.
Teen FictionSince you came into my life. Everything has changed. You Made me feel new things. You made me feel LOVE. You are my first. You broke everything. "I tried to reach him. But I just cant. I'm Calling....But....Cannot be reach...."