Chapter 2: Transfer Student

34 5 1
                                    

Chapter 2

"Gising na kang hinayupak na bata ka!"sigaw ni tita Maureen sakin sabay hampas ng unan.

"Tama na po!"sabi ko at bumangon.

"Magluto ka na at pumasok sa eskwela."sabi ni tita. Hinimas- himas ko ang braso ko na natamaan. Nag-ayos ako saglit ng buhok at pumunta na sa kusina para magluto. Nag-hain na ako pagkatapos magluto.

"Kain na po!"tawag ko sa kanila. Nauna akong kumain sa kanila dahil ayoko kasabay sila tita dahil sasabihan na naman ako ng 'Ang kalat mo kumain"'Ang dami ng kinuha mo bawasan mo yan'

Lahat ng ginagawa ko may puna si tita Maureen kaya nga kung maaari lumalayo ako sa kanya. Pagka-kain ko ay naligo na ako. Pagkaligo bihis ng uniform tapos pumunta na sa school.

"Give way guys! Baka mahawa kayo sa baho ni basura!"sigaw ng isang kaklase ko.

"Ano ba kayo? Hindi naman mabaho si Yvonne eh...."sabi ng isang kaklase ko. Mata-touch na sana ako kaso

"Mukhang basura nga lang siya."dagdag ng kaklase ko at nagtawanan sila. Tahimik na umupo ako sa silya ko. Sa inaasta nila mas basura pa sila.

"Guys, nabalitaan niyo na ba may bago raw tayong kaklase."sabi ng president namin na kakapasok lang. Chismosang President. 

"Sana lalaki at gwapo!"

"Sana Matalino!

"Sana Dream Boy!"

Sabi ng mga babae kong kaklase. Ako isa lang ang hiling ko.

"Sana mabait siya."bulong ko sa sarili ko. May lalaki na pumasok. Bagong mukha lang siya, siguro siya na yung transferee. Lumapit si miss President.

"Ano po kailangan?"tanong ni president. napakamot ng batok yung lalaki.

"Wala lang. Nagkamali lang ng classroom na napasukan."sabi ng lalaki at umalis na. Hindi siya ang transferee.

"Sayang! Gwapo pa naman!"sabi ni president. Paminsan minsan ang landi ng president. Lumabas ako ng classroom para mag-cr. Naglalakad ako nang may nakabangga sa akin.

"Sorry."sabay naming nasabi. Lumakad nalang ako agad papunta sa cr. Hindi ko nakita mukha ng nakabunggo ko pero sigurado ako lalaki iyon dahil sa boses. Pagkatapos mag-cr balik classroom ako. Nakita ko ang teacher ko may katabi na lalaki. Siya na siguro yung transferee.

"Ms. Andres, late ka. Bilisan mo umupo ka na."sabi ni maam. Umupo na ako sa silya ko. 

"Class, siya ang transfer student."sabi ni maam na ang tinutukoy ay ang katabi niyang lalaki.

"Ako si Ivan Dale Kano, nag-transfer ako ng school dahil gusto ko lang at ayoko na sa dati kong school dahil madami ang mga gangster."sabi ng lalaki. 

"Doon ka sa tabi ni Ms. Andres."sabi ni maam at tinuro ako. Naglakad siya papunta sa tabi ko. Madami ang nagbulong-bulongan.

"Gangster din kaya siya?"

"Hindi naman siguro kasi umalis nga siya sa old school niya."

"Ang gwapo niya."

Ilan sa mga narinig ko na bulong ng mga babae sa harapan ko. Nang nakaupo na siya ay magbiglang nagsalita. 

"Maam layo niyo siya sa basura baka mahawaan yung transferee."sabi ni Sky, ang classmate ko na isa sa mga nangunguna mantrip sa kin. Nanahimik lang ako pero nagulat ako sa nangyari dahil..

"Tumingin ka nga sa salamin. Ikaw kaya yung mukhang basura."sabi ni Dale. Napagulat si Sky dahil ito ang unang beses na may sumagot sa kanya. 

"Binabalaan lang naman kita pare para di ka maging mabaho."sabat ni Sky.

"Ikaw ang mabaho di mo ba naaamoy?"

"Gago ka ah!"sigaw ni Sky at tumayo.

"Tumigil na nga kayo!"sigaw ni maam. Umupo na si Sky. Nagsimula nang magturo si maam. Nginitian ko si Dale.

"Bakit?"sabi niya.

"Salamat."sabi ko. Tumingin na lang siya sa blackboard.

"Bakit basura pangalan mo?"tanong ni Dale.

"HUH?"

"Sabi ko bakit basura pangalan mo?"pag-uulit niya sa tanong niya. Napatawa ako sa sinabi niya.

"Hindi basura pangalan ko. Ako si Yvonne Emily Mae Andres."sabi ko at inilahad ang palad ko. Hindi siya nakipag-kamay kaya binaba ko na ang kamay ko.

"Bakit basura tinawag sayo nung lalaki?"tanong niya.

"Secret. Baka pag nalaman mo maging katulad ka nila na sasaktan din ako."

Calling. Cannot be reach.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon