The Auction

26.3K 557 16
                                    

Cover Photo by berrychaxchi

Thank you☻

CHAPTER 1

Sarah Collorado's POV

Kung alam niyo lang kung anong nararamdaman ko ngayon, nandito ako sa malaki at eleganteng kwarto kaharap ang sampung nag gwagwapohang mga lalaki na sa tingin ko nagmamay-ari ng mga kilalang negosyo dahil sa ayos nila, in their business suit, sana Masaya ako sa sitwasyon ko ngayon pero hindi, natatakot ako. Oo nga't nakasuot ako nang magandang damit.Red dress hanggang sa tuhod, round neck ang cut in sleeveless. The design emphasize my body figure and I'm wearing red shoes in high heels.Base sa reflection ko sa malaking salamin na nakalagay sa likod ng mga lalaking nakatingin sa amin. Limang babae sa stage and each of us ay may kanya-kanyang kulungan. We're all in dress in different designs and colors. Blue, yellow,white,black and me in red. Lahat kami ay nag-iiyakan, nagsisigaw na pakawalan . Hindi namin alam kung bakit nandito, nagising ako na nasa kulungan na.Ang huling naalala ko ay pauwi ako galling sa trabaho sa isang sikat at mamahaling coffee shop ng may biglang pangyayari na hindi ko napaghandaan.Isang kamay nakahawak sa leeg ko at ang isa pa ay nasa mukha ko na may hawak na tela na sa tingin ko may likidong pampatolog dahil maya-maya di ko man gusto ay pumipikit na ang mga mata ko.

" Shut Up"...tinig ng magandang babae at napakaputi nito sa itim na bistidang kurba sa balinkinitan nitong katawan.May mahabang buhok hanggang beywang. " Kung hindi kayo titigil sa pagsisigaw , pwede ko na kayong patayin ngayon mismo"..sabi pa nito.

At lahat kami ay tumahimik pero bumubuhos parin ang luha sa aming mga mata.

" Very good"..with a smile in her red lips sabay harap sa mga lalaking kanena pa nakaupo sa harap namin. " Thank you so much for coming gentlemen now let's start the bidding for your food".

Lahat kami na nakakulong ay namangha sa narinig. Kami ba ang tinutukoy niya?Food?Pagkain? Ano ba ang mga taong ito halimaw, mga Cannibal.

" Pakawalan niyo na po kami, parang awa niyo na "...kahit nalilito ako kailangan ko pa ring makawala....kami.

" Another words from you lady hindi ka aabot ng isang buwan pa.."..hindi man siya humarap sa akin ramdam ko ang pagkairita niya kaya tumahimik nalang ako, hindi ko na rin kayang umiyak. I'm so tired and feeling weak.Umupo ako sa sahig at yumuko gamit and dalawang tuhod para may paglagyan ako sa aking noo..!

" Sorry for that guys now let's start with this girl in blue dress.." ..pagsisimula ng babae.." The starting price of each girls are 50,000 pesos, still the same like what we're doing for so many years, you just need to raise your hand if you want to bid.

I don't want to look at them habang ginagawa and pag bi-bidding. Para kaming lumang gamit na kailangan mabenta sa pinakamataas na halaga. Naririnig ko ang mga babae na nagmamakaawa sa mahina na boses dahil sa takot. Yumuko nalang ako , gusto kung lumaban pero paano diko nga kayang makawala sa kulungan na ito.

" Sold for 120,000 pesos.."..narinig kung sumigaw ang babae na nagpapatakbo sa auction pero hindi parin ako tumingin sa kanila..."Have a good night Mr. Perez, congrats.."..paalam pa nag babae sa lalaking nakakuha ng produkto (ang babaeng naka asul na bistida ). Rinig ko parin ang iyak niya na walang magawa habang papalayo sa kinaroroonan naming.Sa tingin ko kinukuha na siya ng demonyo." That was a good start.."..sabi niya habang nakatingin sa akin ng itinaas ko ang aking ulo ng tumingin sa kanya.Diyos ko po tulungan niyo po ako. Pakiusap ko nalang sa Diyos dahil sa tingin ko ako na ang susunod at di ako nagkamali.

" Please focus on the red lady here, she will be the next.."..tinuro niya ako.."Stand up dear.."..na awtoridad niyang pagkasabi, ng hindi ko siya sinunod ,lumapit siay sa akin at inilabas ang isang patalim na sa tingin ko ginawa para lang sa kanya dahil sa maganda nitong desinyo.."Ayaw mong tumayo..?"..hindi iyon tanong isang banta sa pagkakaintindi ko , nanginginig man ay tumayo ako." Ang mahihinang tao ay dapat sumunod lang..."..halos pabulong niyang sabi.." Gentleman let me present to you Ms. Sarah Collorado.."..nagpalakpakan ang mga lalaki maliban sa dalawang magkatabi, isang moreno at ang isa ay mestizo pero hindi ko masyadong Makita ang mukha nila dahil sa ilaw na tumama sa kinaroroonan ko, masakit sa mata.

Your Blood is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon