Disappointed Killer

7.4K 237 5
                                    

                                                CHAPTER 10

Sarah Collorado’s POV

Pagkatapos ng isang buong araw na halos wala akong ginawa sa unang araw ng trabaho ko kundi ang naka buntot lang sa kanya ay heto na naman ako sa kwartong ito, naka lock na naman.

Kanena sa restaurant hindi ko alam kung anong iisipin ko sa kanya, masasabi ko bang nag fli-flirt siya o ganun lang talaga siya kung kumilos.

Minsan nakakalimutan kung delikado siyang tao dahil sa mga ginagawa nito sa akin. Saan kaya siya kumukuha ng dugo para sa pagkain niya, sana naman wala siyang pinapatay na tao kung hindi kasalanan ko kung may isang inosente siyang pinagpalit sa akin para ma satisfied ang sarili nito.

Ano na ba ang gagawin ko para makatakas dito, mahirap siyang takasan, hindi lang siya ang nakatutok sa akin kundi ang mga tauhan nito. Mahirap ding humiwalay sa kanya, sinisigurado nitong hindi ako lalayo sa kanya.

Ayaw ko munang alalahanin ang pagtakas ko, susundin ko lang siya at safe ako. Tadhana na ang magbibigay sa akin ng pagkakataon na makatakas sa kanya.

Isang linggo na ang dumaan simula ng mag trabaho ako sa kanya. Today is Friday at gaya ng mga nagdaang araw naka buntot lang ako sa kanya na parang aso.

“..Yeah sure, saang club?..”..may kausap ito sa cellphone nito…”..Ok see yah at may kasama ako..”..tumingin ito sa akin. Ano na naman kaya ang plano nito.

Pagkatapos nitong ilagay ang phone sa pants pocket nito, ay inayos na niya ang mga gamit sa working table nito, yan ang palagi nitong ginagawa pag tapos na siya sa mga dapat niyang trabahuin.

Tumayo na rin ako sa couch. Handa na para sumunod sa paglabas niya. Pero tiningnan na niya naman ako.

“..Bakit po Sir?..”…tanong ko, his facial expression saying na hindi siya approve kung anong nakikita niya sa akin.

“..You need to change..”…

“..Anong ibig mong sabihin..”..change, naguguluhan ako bakit magpapalit ako.

“..It’s Friday Sarah, my friends is waiting for us..”..

“..Saan po tayo pupunta?..”…

“..Basta and you promise hindi kana magco-complain, pero kailangan mong mag bihis, hindi bagay sa suot mo ang lugar na pupuntahan natin..”..kinaladkad na naman niya ako palabas ng opisina.Huminto kami sa harap ni Alexa.

“..Do you need anything Sir..?.”..tanong ni Alexa.

“..Yes, dress her up, it’s Friday..”..yun lang ang sinabi niya at ngumiti na ang babae sa akin..”..I’ll give you 20 minutes Alexa, make it fast, I’ll be waiting in my car..”..umalis na ito at bago paman siya tuluyang nakasakay sa elevator ay kinausap muna nito ang dalawang guard nito. Tumango lang ang dalawa.

“..Let’s go Sarah, ayaw niya nang naghihintay..’”..

“..Saan ba tayo pupunta?..”…she hold my forearm habang naglalakad kami papalapit sa isa pang pintuan same floor kung saan ang office ni Paolo.Nakabuntot sa amin ang dalawa nitong guard.

“..Kailangan kitang bihisan gaya ng utos ni Sir Paolo..”…

“..Saan ba kami pupunta,?..”…

“..Sa isang bar..”..

“..Anong gagawin namin dun, bakit niya ako isasama..”..

“..Syempre sasayaw, magpaparty, anong bang gagawin sa club at saka hindi ko rin alam ba’t ka niya isasama, ngayon ko lang siya nakitang magsasama ng empleyado..”…binuksan niya ang pintuan at nag lalaman ito ng ibat ibang klase ng damit at mga sapatos. Pumasok kami at salamat hindi na sumunod ang dalawang lalaki. Alexa close the door…”..We only have 20 minutes, we must be on time or less so please be cooperative..”.

Your Blood is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon