Chapter 21
Sarah Collorado's POV
Nagising ako ng marinig ko ang ingay sa pag bukas ng pinto ng kwarto ko pero hindi ko pa rin inimulat ang mga mata ko. Inaantok pa ako, tinakpan ang buong katawan ng kumot ng may liwanag na tumama sa akin. Maya maya pa ay naramdaman ko na may umupo sa kama ko, ibinuka ko ang mga mata at unti-unting inalis ang kumot pababa mula sa mukha ko.
"..Good Morning beautiful.."..ang magandang ngiti ni Paolo ang una kung napansin.
"..Good Morning.."...amoy na amoy ko ang pabango nito, ang basa nitong buhok ang nag padagdag sa pag ka fresh looking nito. Umupo ako pero hindi pa rin inaalis ang kumot sa katawan ko hanggang leeg.
"..Take a bath and I need you to be in the kitchen after, you need to eat.."...
"..Ok gutom na rin ako.."..sabi ko, ramdam ko na ang pag rerebelde ng mga kaibigan ko sa loob ng tiyan ko.
"..Hindi imposible yan, almost eleven am na, ang sarap kasi ng tulog mo..."..
Ano ang tagal ko namang nagising, ang sarap kasi ng pakiramdam sa kamang ito, nag hanap ako ng orasan sa ding2x at nakita ko ito sa harap ng kama ko and confirmed, mag eeleven na nga.."..Sorry napasarap ang tolog.."..ngumiti lang si Paolo at tumayo na.
"..No worries sweetheart..."..pagkatapos ng salitang iyon ay lumabas na ito sa kwarto. Tinawag niya akong sweetheart.
Na inspired akong tumayo sa kama, inayos ito at nag simula ng maligo.
Pagkatapos mag bihis ay bumaba na ako at dumiritso sa kusina gaya ng sabi ni Paolo.
Nadatnan ko siyang nag aayos ng pagkain sa mesa at naka apron ito.
"..Ikaw ba ang nagluto?.."..tanong ko sa kanya.
"..Yes, bakit nag aalala ka bang baka lasunin kita?
Nginitian ko lang siya at umupo na.."..Bakit ikaw ang gumagawa niyan?.."..
"..Dahil gusto ko.."...
"..Ahh..well,,thanks.."..tinanggal na nito ang apron at umupo sa tapat ko.
Gaya ng nakasanayan ko,kumakain ako habang siya naman ay nakatingin lang.
.........................
"..Hey Sarah, nandiyan na ang boyfriend mo.."..si Judy palagi nalang niya akong binibiro na boyfriend ko si Paolo."..Hindi ko siya boyfriend.."..
"..Tama ka hindi mo siya boyfriend.."..
"..Ang gulo mo talagang kausap.."..kinuha ko ang bag at tumayo na.
"..Hindi boyfriend ang tawag sa lalaking sinusundo ka palagi at take note sa kanya ka nakatira, ang tawag diyan asawa na.."..biro na naman nito.
Hindi na ako nag kumento at nag goodbye nalang sa kanya. Palagi naman niya yung ginagawa, pero minsan iniisip ko wala akong salita to describe the situation we have. Palaging sweet si Paolo sa akin simula ng tumira ako sa kanya, dalawang linggo na rin at ni minsan hindi na siya nag ka interes sa dugo ko gaya ng pangako niya o di kaya ay pinipigilan lang nito ang sarili. The past few days ay hindi namin napag usapan ang sitwasyon namin, kung saan siya at ako komportable ay okay na kami.
"..Kumusta ang trabaho..?"..tanong ni Paolo ng makapasok na ako sa sasakyan niya.
"..Gaya ng dati, kailangan ngumiti kahit na iirita na.."..
Pinaandar na nito ang makina at nag simula ng mag maneho.."...Tumigil kana..."...sabi nito na hindi inaalis ang mga mata sa daan.
"...Tumigil saan?.."..ano ba ang ibig nitong sabihin sa salitang tigil. Baka naman gusto na niyang itigil namin kung ano kami ngayon, na realize ba nito na wala talaga itong nararamdaman para sa akin, parang gusto ko nang umiyak ngayon na mismo, nasasaktan ako at alam ko kung bakit, dahil gusto ko na siya, mahal ko siya at ayaw ko nang umalis sa poder niya.
BINABASA MO ANG
Your Blood is Mine
Vampiri"..Please maawa ka pakawalan mo ako.."..nagmamakaawa pa rin kahit na alam niyang wala na talaga itong pag -asa. "..Oh, please stop, ok..?This is just a business, we need human to live and be a good girl. I know you heard it clearly they are fighting...