Wrong Idea

5.8K 205 0
                                    

CHAPTER 20

Sarah Collorado's POV

Tiningnan ko ang mga damit,pero hindi ako nag ka interest na isukat alin man sa mga ito. Nang mawala na ang galit ko sa kanya ay lumabas na ako ng dressing room at napag desisyonang bumaba. Hinanap ko ang kusina at nakita ang katulong na abala sa pagluluto.

"..Maam Sarah pasensiya napo hindi pa ako tapos sa pagluto ng pagkain mo,gutom napo ba kayo..?..ang talas naman niya para mapansin ako kaagad,at na realize kong Bampira pala ang mga kasama ko sa bahay na ito.

"..Hindi pa ako gutom, pasensiya na at naabala kita..hmmm..si Paolo nasaan?.."..

"..Si Sir Paolo po, hindi ko po alam.."...

"..Ah okay,,sige iwan na muna kita.."..bilib ako sa sarili ko kung gaano ako ka komportable sa sitwasyon ko ngayon, natakot ako nung una pero ngayon hindi ko alam kung bakit may bumubuong pagtitiwala ako kay Paolo.

Nasaan kaya ang bampirang ito, wala akong planong hanapin siya lilitaw din ito, sa ngayon lilibutin ko muna ang mansyon niya.

Nagsimula na ako sa paglalakad at bawat may makita akong daanan ay sinusunod ko lang hanggang saan man ako dalhin nito, bawat pinto na makita ko ay binubuksan ko pero yong iba ay naka locked.

Patuloy ako sa pag lalakad,nasa ground floor lang ako pero masyadong marami na yata akong nakita sa bahay na ito. May pinto na naman akong nakita at gaya ng ibang pinto ay sinubukan kong buksan at maswerte akong bukas ito, nang sumilip ako ay napa ka dilim pero may naririnig akong ingay ng mga manok at siguradong marami sila. Hindi pa ako pumasok at hinanap ang switch ng ilaw,baka naman nasa my gilid ng pinto lang ito.

Kinapa ko at tama ako nandito ang switch. Ini on ko at may ilaw na, binuksan ko ng mas malaki ang pinto, pumasok at nagulat sa nakita. May mga kulungan sa malaking kwartong ito,puti ang pintura ng buong kwarto at may mga manok,marami, talagang marami sila, nasa mga 150 o higit pa. Bakit may mga manok dito,aanhin niya ang mga ito.

"..Sarah.."..napatalon ako sa boses mula sa likod ko..."..Bakit ka pumasok dito..?"..nilingon ko siya at bakit takot ito?

"..Hmm..hindi ko sinasadya,wala ka kaya naglilibot lang ako tapos napunta ako dito.."..pumasok ito ng tuluyan sa kwarto.

"..Lumabas na tayo.."..hindi niya ako hinawakan at nakatingin ito sa sahig. Anong nangyayari sa kanya.

"..Okay, pero ano ito?Bakit may ganito ka sa loob nang bahay mo..?."..nilapitan ko ang bawat kulungan,maingay ang mga manok pero mas interesado ako sa sagot niya.."..Para saan ang mga ito Paolo..?"..

Nang lumingon ako dahil hindi nito sinagot ang tanong ko ay nasa likod ko na pala ito, mga mapupulang mata na naman ang nakatitig sa akin.

"..Sayo ang ideyang ito Sarah.."...

"..Sa akin,paano naging akin ang ideya na maglagay kanang maraming manok sa bahay mo..?"..ngumiti ako, insultong ngiti, pero hindi nag iba ang expression ng mukha niya.

Bumuntong hininga ito.."..Sabi mo kaya kung mabuhay na walang pinapatay na tao, kaya nagkaroon ng ganito dito dahil sa sinabi mo.."..

Sinubukan ko pa rin siyang intindihin and that's it, tama I remember sinabi ko sa kanya yun, ibig sabihin pagkain niya ang mga manok na ito,.."..Ibig sabihin hindi kana pumapatay ng tao para sa pagkain mo at ang manok na ito ang substitution..?..

"..Tama ka.."..nakatitig parin ito sa akin at binigyan ko siya ng magandang ngiti, pero ang mukha niya ay parang naguguluhan sa inaasta ko.

"..Hindi kaba natatakot..?..

"..At bakit naman..?..

"..Dahil dito, alam kong sa isang tulad mo ay maaawa parin sa mga manok na ito kapag pinatay ko.."..

Your Blood is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon