To know Her

13.3K 407 3
                                    

Cover Photo by Yang_Navy

Thank you🖤

CHAPTER 2

Sarah Collorado’s POV

Iyak ng iyak ako kanina habang nasa byahe hindi alam kung saang lugar nila ako dadalhin.Nalilito parin ako sa mga pangyayari, kung ano ba talaga sila basta ang alam ko ngayon pagkain ako, iyon ang narinig ko habang nag bi-bidding sila sa amin.

Tiningnan ko ng maigi ang mukha ng lalaki, pag nakalabas ako sa sitwasyon ko ngayon humanda sila sa akin. Napatigil ako sa pag-iisip ng huminto ang sasakyan.Bumukas ang pinto ng van at inilabas ako ng dalawang lalaki.Ang lakas naman nila para kargahin ang kulungan kasama ako ng walang hirap.Paglabas sa akin sa van , hindi ko na nakita ang lalaking nakabili sa akin.Pero namangha ako sa laki ng bahay sa harap ko.Makaluma ang desinyo pero hindi yari sa kahoy lahat sementado parang ang bahay ay makikita mo sa isang magazine na pag-aari ng isang tao na galing sa napakalumang panahon, napakaganda nitong tingnan.May malaking swimming pool at magandang landscape.

Ngayon ko lang napansin na bukas na pala ang kulungan ko at hinila nila ako palabas.Pagkakataon ko nang makatakas pero bago ko magawa ang binabalak ko ay nasinghot ko na ang likido sa panyo na nasa mukha ko at unti-unti akong nakakapikit.

Paolo Acosta’s POV

“..Please follow me..”..utos ko sa isa sa tauhan habang karga ang biktima.Pinatolog nila ito syempre para mas madali sa kanila ang pagdala nito sa bago niyang kulungan.Sumunod lang ito sa akin ng walang sinasabi, they don’t need to talk they just need to follow orders.

Sa third floor na kami ng bahay ko at sinenyasan ko siya using my right hand pointing my index finger to a door na doon dapat ipasok ang babae.It’s my room.

Pagpasok niya sumunod ako.Kinakarga niya ito na parang nagkakarga ng bigas.Inside my room there’s still other room,extension sa kwarto ko para paglagyan sa pagkain.Binuksan ko ang pintuan sa isa pang kwarto..”Ipasok mo na siya at pwede ka nang umalis..”..utos ko sa kanya.Pumasok ito at lumabas naman kaagad pag kalagay niya sa babae sa kama.Nagpaalam sa akin at umalis na, rinig ko pa ang ingay ng papalayong van.I close the door and lock it,ako lang ang pwedeng makabukas sa kwarto niya from my room, there’s no way na mabubuksan ito ng biktima from their room.

Nag bihis ako nang pambahay.Alas onse na nang gabi.I decided to check all the papers I need for tomorrow’s meeting.I went to my working area inside the room with a office table and chair of course at umupo.I open my laptop and get some papers from my drawer and start working.Mayamaya pa tiningnan ko ang  orasan,kanina pa pala ako nakaupo at nag tatrabaho.Bakit kasi hindi kami natotolog at napapagud.I realized hindi ako nakakarinig ng ingay from the other room.Gising na dapat ang sino mang tao na nasa loob.tulog parin ba kaya ito o naghahanap ng paraan para makalabas sa kulungan niya.

Tumayo ako at binuksan ang drawer sa table, kinuha ang susi para sa kwarto niya.Let me check my fresh food.

Sarah Collorado’s POV

Nandito ako sa iba na namang kwarto, kagigising ko lang at naalala ang mga pangyayari , bakit ba ang hilig-hilig nilang magpatolog ng tao.May malaki itong higaan, black and gold color na bedsheet at unan.Tumayo ako papunta sa isang pintuan,umaasang makakalabas pero banyo pala ito.I close the door,may bintana,it’s just too disappointing na nasa pinakamataas ito nang bubong para siguro walang lusot ang sinumang nakatago dito pero napansin ko rin ang isa pang pintuan.Papalapit na ako nang marinig ko ang pagbubukas nito sa takot ko ay bumalik ako sa higaan and cover my whole body with a sheet na para bang hindi talaga ako makikita pero alam kung wala itong maitutulong.

Naramdaman ko ang pagpasok ng isang tao at papalapit na ngayon sa akin.tumigil ito sa paglakad at hinila nito ang kumot na tumatakip sa akin.Doon ko nakita ang lalaki na nakatayo sa harap ko, ito ang demonyo na bumili sa akin.Ang business suit na suot nito kanena ay napalitan nang v-neck white shirt at black jogging pants.Alam kung gwapo ito base sa obserbasyon ko kanena pero bakit mas naging gwapo siya sa paningin ko ngayon.Sandali lang nababaliw naba ako, bakit kagwapohan niya ang napansin ko samantalang mamatay na ako sa kamay pa niya.

Your Blood is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon