Simple lang ang naging kasal nila rafael at bianca tulad ng hiling nila sa kanilang magulang. Pawang piling mga kaibigan at kamag- anak lang ang dumalo.
Bianca's POV...
Maraming nagulat at di inaasahan ang pagpapakasal namin. May ilang natuwa at sinasabing bagay raw kami. Marami rin naman natuwa at happy para sa akin lalo na ang bestfriend kong si isabel.
" best di ako kokontra, super gwapo ng papa mo saka mukhang mabait , happy ako para sa iyo... Wish ko forever na yan".
" thanks best, sana nga di ako nagkamali sa pagpayag sa kasalan ito. "
Medyo kabado ako sa pagbitiw ko ng mga kataga ko sa aking marriage vow... Naroon ang kaba kung ano ang maaaring kahinatnan ng aming pagsasama.
Habang tumititig ako sa mga mata ni rafael, parang kampante ang aking kalooban.... Sana nga di ako nagkamali sa aking pagpapakasal.
Pero in fairness , habang binabanggit niya marriage vow namin may nararamdaman akong konting kilig... Posible kaya akong mainlove sa mokong na ito?