Nagising si bianca dahil sa pananakit ng kanyang tiyan, agad niyang ginising si rafael
" hubby ko, manganganak na yata ako. "
" ha, sandali , hahanda ko lang gamit natin. "
Dinala agad ni rafael ang asawa sa ospital.. . tinawagan niya agad ang kanyang mga magulang at magulang ni bianca upang sabihin ang magandang balita.
Excited si rafael nang lumabas ang doktor.
" dok , kumusta po asawa ko?"
" ok naman ang misis mo , nagpapahinga na siya... Congratulations it's a healthy baby boy "
" yes... Thank you dok. "
Tuwang- tuwa si rafael habang tinitingnan ang kanilang baby, ganon din ang kanyang asawang si bianca. Sobrang saya niya dahil buo na ang kanyang pamilya. Mabuti na lang at napapayag siya ng magulang na ipakasal kay bianca.
Excited ang mga magulang nila ng dumating para tingnan ang kanilang unang apo.
" hay, naku iho, dalas- dalasan nyo ang pagdalaw sa amin at madala nyo lagi ang aming apo. "
" hoy balae , pagkatapos sa amin naman ha... Di naman kalayuan bahay nyo sa bahay namin.
" ayan na, mukhang pinag- aagawan na baby natin... Hahaha"
Pagkaalis ng mga bisita, nag- usap ang mag- asawa .
" thank you wifey for giving me a baby boy, you just don't know how happy i am "
" talaga... Welcome hubby ko. "
" next project, dapat baby girl naman"
" paano kung baby boy uli?"
" di gawa tayo uli"
" ikaw na lang kaya manganak hubby ko. "
" hahaha... Alam mo wifey may surprise ako sayo paglabas natin dito"
" ano?"
" surprise nga noh "
Paglabas nila ng ospital, nagulat si bianca nang dalhin siya ni rafael sa bago nilang bahay.
" surprise... Mula ngayon eto na ang bagong bahay natin...medyo lumalaki na ang ating pamilya saka malapit ito sa mga magulang ko at magulang mo, madali nilang puntahan. "
" wow ... Wala akong masabi hubby ko, ang bait mo talaga. "
" siyempre love kita ... Wifey. "
