Paggising ni bianca, napansin niyang mainit si raffy. Nilalagnat ito.
Agad nitong tsineck ang temperature ng asawa, pagkatapos kumuha ng bimpo at binasa ng malamig na tubig upang ilagay sa noo ng asawa. Agad naghanda ng noodles at kumuha ng pineapple juice at gamot sa medicine cabinet.
" raffy, bangon ka at kumain muna para makainom ng gamot."
Sinubuan niya ng noodles ang asawa at pagkatapos pinainom ng gamot, at muling inihiga .
" pahinga ka muna para gumaling ka agad."
" huwag mo akong iwan wifey."
" oo, dito lang ako, babantayan kita."
" salamat. "
Maghapong binantayan ni bianca ang asawa, tumawag siya sa opisina nila para ipaalam na hindi siya makakapasok.
Hinilot niya ng vicks ang likod ng asawa. Pinagluto niya ito ng sopas para makakain.
" kumusta na pakiramdam mo?"
" medyo ok na, ang galing ng nurse ko... Thank you wifey..."
" wala iyon pagaling ka, buti na lang walang pasok bukas, makakapagpahinga ka pa. "
" ngayon, naintindihan ko na kung bakit ikaw ang pinili ng mga magulang ko para sa akin. "
" anong ibig mong sabihin?"
" alam nila na kailangan natin ang isa't isa. "
" maysakit ka na, nambobola ka pa"
" hindi ah... Di ko nga akalain na magiging ganito married life ko, akala ko kasi noon di tayo magkakasundo. "
" kaya magpakabait ka... Para di kita iwan. "
" mabait naman ako...hahaha"
Simula iyon ng maganda nilang pagsasama tulad ng totoong mag- asawa.
