Chapter 10: She's Back

49 1 0
                                    

     Mahigit limang buwan na rin buhat ng sila'y ikasal , kung kailan nagiging maganda ang patitinginan nina bianca at rafael saka naman bumalik si shaira, ang ex girlfriend ni rafael.

" hi raffy... Kumusta ka na?" Bati ni shaira nang dumalaw siya sa opisina ni raffy.

" fine... Kailan ka pa dumating? "

" just the other day lang, i wanna surprise you nga pero ako nasurprise nag- asawa ka na pala. "

" yeah... Pinagpalit mo ako sa career mo eh"

" but now i'm back."

" too late shaira, i'm happy with my wife. "

" talaga lang... Good for you... "

" makakahanap ka rin ng magmamahal sayo."

" ok tanggap ko naman kasalanan ko... Maybe you could treat me for dinner for old times sake. "

" ok sure.."

               Nakatulog naman si bianca sa paghihintay kay rafael... Kaya nang makita siya nito binuhat siya para ihiga sa kama nila sa kwarto, nagising ito.

" nandito ka na pala, nakatulog ako.. Kumain ka na ba?"

" kumain na ko, sorry di na kita natawagan... Nagkita kami ni shaira at niyaya niya akong kumain sa labas."

" ah... Si shaira iyong ex girlfriend mo ? Kaya pala di mo ako naalala... Kailan siya dumating? "

" noong isang araw lang, dinalaw niya ako sa opisina. "

" ganon ba? Di masaya ka na uli... Bumalik siya. "

" nagseselos ka ba ?"

" ano naman karapatan ko? "

" asawa kita"

" Asawa nga sa papel pero di sa puso mo. "

" sino naman may sabi sayo? "

" wala... Ramdam ko lang... Sige na magbihis ka na at matulog... I'm sure maganda panaginip mo. "

" kumain ka na ba ?"

" wag mong intindihin... Ok lang ako, itutulog ko na lang ito. "

" parang di ko gusto tono mo , mukhang galit at nagtatampo ka na naman. "

              Hindi na sumagot si bianca, agad itong tumalikod at sinubsob ang ulo sa unan para ikubli ang luhang biglang pumatak.

          Niyakap ni raffy ang asawa at pinilit itong iharap sa kanya. Nagkunwari si bianca tulog sa braso ng asawa habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng asawa.

" sorry uli wifey... Ayokong nakikitang nagtatampo ka... "

              Nagising si bianca na nakahanda na ang almusal at nasa tabi niya ang asawa.

" good morning wifey...  breakfast in bed. "

" bakit ang aga mo yatang nagising?"

" baka kasi iwanan mo na naman ako at di batiin... Saka di ka nagdinner kagabi kakahintay sakin "

" lagi tayong ganito, paulit- ulit lang."

" alam ko kulang sorry para mapatawad mo... Ano bang dapat kong gawin para di ka na magalit?"

" ewan ko... Di ko rin alam.."

                 Agad tumayo si bianca at nagtungo sa banyo, pagkatapos nagbihis para pumasok sa opisina.

" papasok ka na, di mo man lang ginalaw almusal mo? Di ka rin kumain kagabi?"

" sa opisina na lang, naalala ko may meeting pala ako ngayon. "

            Walang nagawa si raffy sa pag- alis ng asawa, alam niya galit ito sa kanya.

              Halos walang sigla si bianca sa pagtatrabaho pero pinilit niyang maging busy para di maisip si raffy.

               Maagang umuwi si raffy para bumawi sa asawa subalit wala pa ito sa bahay noong umuwi siya.

Tinatawagan niya sa cellphone si bianca pero hindi ito sumasagot maging sa mga text niya.

                  Samantala , si bianca naman ay namasyal sa mall at nanood ng sine mag- isa. Ayaw niyang umuwi at makipag- usap sa asawa. Pasado alas onse ng gabi nang dumating siya ng bahay , at naghihintay sa kanya si rafael.

" ano ito bianca, gumaganti ka ba? Kanina pa ako nag- aalala, di mo sinasagot mga text at tawag ko... Kung galit ka sabihin mo."

" oo galit ako, masaya ka na, ayokong umuwi ng maaga kasi ayokong maghintay na naman sa wala, magutom at magmukhang tanga, tapos malalaman ko na nakipagdate ka sa ex girlfriend mo... Ang saya di ba? "

" sorry na, alam ko naman kasalanan ko, promise di na mauulit. "

                Hindi sumagot si bianca, dali- daling nagtungo sa kwarto at nagbihis.

Love Never End    by   jeannie manaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon