Wala na ang mga gamit ni bianca nang dumating si raffy sa bahay. Kinabukasan pumunta siya sa opisina nito at nalaman niya kay isabel na nagfile ng leave si bianca.
" hindi niya ba sinabi sa iyo? Nagpunta siya ng doktor kahapon kasi lately madalas siyang magsuka at mahilo... Para ngang buntis siya".
" kaya pala siya nagpunta sa opisina kahapon, iyon siguro gusto niyang sabihin.. Salamat isabel. "
Nagpunta si raffy sa bahay nina bianca, kinausap niya ang mga biyenan at nagpaliwanag sa mga nangyari.
" nandon siya sa kanyang kwarto at di lumalabas. Lagi lang nakahiga at madalas umiiyak.. Nag- aalala nga kami sa kalagayan baka makaapekto sa bata.. Wala siyang gustong kausapin kahit sino sa amin ng mama niya."
" pwede ko po ba siyang puntahan?"
" sige iho, baka sakali kausapin ka na niya . "
Umakyat si rafael sa kwarto ni bianca. Nakita niya ang asawa na nakahiga at yakap ang unan.
" bianca can we talk? I love you so much, sana bigyan mo ako na pagkakataon na patunayan iyon, di ko intensyon na saktan ka , inaamin ko naman na mali ako. Magkakababy na tayo, pwede bang magsimula uli tayo"
" paano si shaira? Ayokong mapilitan kang piliin ako dahil lang magkakababy tayo, o dahil lang sa kasal tayo.. Ayokong maging hadlang sa kaligayahan mo. "
" iyon naman pala, eh ikaw ang kaligayahan ko kaya pwede bang wag mo nang hadlangan. "
" baka napipilitan ka lang?"
" ang kulit mo, alam mo ba yon?, mahal nga kita, patunay na nga iyang baby na iyan na nabuo... Dati nahihiya akong aminin sayo pero ngayon, paulit- ulit kong sinasabi na mahal kita at ayokong mawala ka. "
Niyakap ni raffy ang asawa at hinalikan sa labi...
" siguro naman iyang halik na yan sapat na patunay na mahal kita "
