Medyo kabado ang dalawa sa pagsisimula ng kanilang buhay mag- asawa. Pareho nilang kinakapa ang ugali ng isa't isa.
Sa condo ni rafael sila nagdecide tumira. Nagulat si bianca kung gaano ito kalinis at kaayos.
" feel comfortable here sa bago mong bahay bianca... I hope ok lang ang place na ito para sa iyo."*
" oo naman, maganda nga itong condo mo, medyo naninibago lang ako kasi first time kong malayo sa family ko. "
" masasanay ka rin."
" siguro marami ka nang dinalang babae rito?"
" wow, do i hear a jealous wife? Di ako babaero tulad ng inaakala mo sa isang lalaki. .. You can ask my parents.. Good boy ako."
" talaga lang ha ... Hindi halata "
" ikaw, nagkaroon ka na ba ng boyfriend?"
" marami akong manliligaw pero no boyfriend since birth... Kahit itanong mo rin sa parents ko... Good girl din yata ako. "
" hahaha... Magkakasundo pala tayo."
" para sa iyo, anong batayan mo sa pag- aasawa? "
" i think tiwala siguro, ikaw?"
" ako... Love siguro..."
" would you fall in love with a kind of guy like me?"
" maybe, mukhang di ka naman mahirap mahalin. "
" thanks, i'll take that as a compliment"
