Chapter 8: Making Effort

47 1 0
                                    

           Paggising ni rafael, wala na si bianca. Maaga itong pumasok bagamat pinaghanda siya nito ng almusal. Alam niya na nagtatampo pa rin ang asawa. Tinawagan niya ito pero ayaw nitong sagutin ang tawag niya so nagtxt na lang siya sa asawa.

Wifey,

      Sorry talaga kagabi , bawi na lang ako sa iyo ngayon, sunduin kita at kain na lang tayo sa labas.

                                                Raffy

          Napangiti si bianca nang mabasa ang txt ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero ayaw niyang sagutin. Hindi rin siya nagreply sa asawa.

           Hindi mapakali si rafael dahil di man lang sinasagot ni bianca ang mga tawag at txt niya. Masyado siyang nag- aalala dito, ngayon lang nangyari sa kanya ang mabagabag dahil sa isang babae... Pakiramdam niya habang tumatagal ay napapalapit sa puso niya si bianca.

           Maagang umalis ng opisina si rafael at nagtungo sa isang flower shop bago sumundo kay bianca.

           Halos lahat ng kaopisina ni bianca ay kinikilig. Unang pumasin kay rafael ang kanyang biyenan , ang ama ni bianca.

" o iho, napasyal ka."

" susunduin ko lang po sana ang asawa ko. "

" may bulaklak ka pa, mukhang nauna ang kasal niyo kaysa panliligaw. "

" mukhang ganon na nga po, nandyan po ba siya? "

" pasukin mo na sa loob. "

               Nagulat si bianca nang bumukas ang pinto at makita ang kanyang gwapong asawa na may hawak na bulaklak.

" hi.... Mukhang sobrang busy mo at hindi mo sinasagot mga tawag at txt ko. "  sabi ni rafael habang lumalapit kay bianca sabay bigay ng bulaklak at dampi ng halik sa labi ni bianca na kinabigla nito.

" akala ko mamaya ka pa darating"

" inagahan ko na , baka kasi iwanan mo ako at hindi hintayin , galit ka pa ba? "

" medyo... Nagtatampo lang, minsan lang kasi akong effort nasayang pa. "

" kaya nga babawi ako ngayon, saan mo gustong magdinner? Gusto mo bang manood ng sine? Sa iyo ako buong gabi... Promise. "

" take out na lang tayo ng dinner, sa bahay na lang wala akong ganang lumabas ngayon. "

" sure ka? Ayokong nagtatampo ka."

            Ngumiti lang si bianca at niyakap ito ni rafael. Pagdating sa bahay , si rafael na naghanda ng kanilang dinner . sobrang asikaso siya nito at di niya maiwasang kiligin.

" sweet ka pala kapag may atraso noh. "

" sweet naman talaga ako, ikaw naman matampuhin. "

" medyo, di kasi ako sanay na binabalewala... Medyo spoiled ako ng konti. "

" nahalata ko nga. "

           Lumapit sa kanya si raffy at hinalikan siya sa labi... Hindi niya ito mapigilan , at nagpadala siya sa bugso ng kanyang damdamin.

Love Never End    by   jeannie manaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon