Sobrang tahimik sa bahay ng mag- asawa. Pareho silang pumasok sa trabaho nang walang imikan.
Sa opisina, hindi maganda ang pakiramdam ni bianca, para siyang nahihilo at nagsusuka .
" best patingin ka kaya sa doktor, baka buntis ka. " sabi ni isabel
Maagang umalis ng opisina si bianca para pumunta sa doktor... Tama nga ang hinala ni isabel na buntis siya nang isang buwan.
Nagdadalawang isip si bianca kung pupuntahan si raffy upang sabihin na buntis siya... Baka hindi ito matuwa lalo na't nandyan na muli ang ex girlfriend nitong si shaira.
Samantala, muling nagpunta si shaira sa opisina ni raffy... Naikuwento ni raffy na nagselos si bianca.
" mahal mo ba siya? "
" sobra, kaya nga ako nahihirapan kapag nagtatampo siya."
" wag kang magsawang sumuyo, lalambot din ang puso non.."
" salamat..." Sabay yakap ni raffy kay shaira at siyang pagdating naman ni bianca.
" bianca... bakit bigla kang napadaan dito ? "
" may sasabihin lang sana ako , pero mukhang nakaabala lang ako sa inyo" sabay talikod ni bianca at umalis dahil ayaw niyang makita ni raffy ang pagpatak ng luha niya.
Hinabol siya ni raffy, agad hinawakan ang kamay, habang pinipilit niyang ipiglas ito.
" bitawan mo ako. "
" bianca , wag mong bigyan ng masamang kahulugan ang nakita mo"
" at anong gusto mo maging reaksyon ko, matuwa ako?"
" pakinggan mo sana paliwanag ko.."
" para ano? Humingi ng sorry tapos paulit-ulit mo rin gagawin... Alam mo kung ano ang masakit? Akala ko matutuhan mo rin akong mahalin.. Pero umasa lang pala ako... "
" Bianca, mahal kita, hindi naman ako magkakaganito kung di kita mahal... Alam ko nasaktan kita... Sana naman bigyan mo ako ng chance na ipadama sa iyo na mahal kita".
" gusto ko munang mag- isip, gusto ko munang lumayo at magbakasyon."
