CHAPTER 15: REBOUND

323 2 0
                                    

Nagpunta kami sa isang clothe's department para ibili ng isusuot na damit si Kyla, basang basa kasi damit nya. Kinabahan ako, kala ko may narinig sya kaya nakasagi sya pero ang sabi ni Kyla eh natalapid daw sya nung batang malikot dun sa resto at sa reaksyon nya eh mukhang wala naman syang narinig. Pwew!

Habang nasa dressing room si Kyla eh nag-excuse na ako kay Cedric, sabi ko eh mauuna na kami ni Yue at ipagpaalam na lang kami kay Kyla.

Nakarating naman kami ni Yue sa park.

"Gusto mo ice cream?"

"Bas--"

"Basta ba libre!" naunahan ako ni Yue sa sasabihin ko sana. Kilalang kilala na talaga ako ni Yue.

"haha! Yeah, basta ba libre."

"Wala ka pa ring pinagbago Sai-pot." tapos bumili sya ng ice cream.

"O Sai-pot, ice cream mo."

Inabot ko naman yung ice cream at dinilan ito tapos naglakad-lakad kami, "Thanks, Yue-pot."

Nung may makita kaming bench eh umupo kami ni Yue.

Masyado akong concentrated sa paglantak ng ice cream ko kaya nabigla ako ng magsalita si Yue, "Ang bestfriend mong babae eh syang girlfriend ng ex mo, how complicated."

Napatigil ako sa paglantak ko sa ice cream ko, "Yeah, so complicated. And she doesn't even know that fact."

"You mean she doesn't know...?"

"Nope. I never mentioned Cedric to her, hindi ko naman kasi akalaing magtatagpo pa ang landas namin ni Cedric at sa gantong paraan pa."

"Ang liit nga naman ng mundo anoh? Sa dinami-dami ng tao, bestfriend mo pa at ang ex mo,"'

"Yeah, life is really unpredictable. Kung hindi ka sanay sa biglaan baka hindi ka maka-survive."

"Hmm. So how did you cope with it eh?"

"Actually, it was easy."

He looks at me with a confused expression.

"I wasn't alone in the journey, someone was with me and made things easier. There was a hero.."

"Hero? Sus, baka rebound. Panakip butas."

"Hindi noh! Hindi rebound si Brian!"

"So Brian pala pangalan nya..."

"oo... si Brian. Alam mo ba napaka-espesyal nya, pinsan sya ni kyla, nireto sya sakin ni Kyla. Nakakatuwa nga, ambait-bait nya. tapos tuwing malungkot at umiiyak ako eh lagi syang andyan sa tabi ko and \he never fails to make me smile. Sya ang nagtatayo sakin sa pagkakadapa ko."

"Rebound nga."

Pinameywangan ko si Yue, "Hindi nga aba! Ang kulit mo rin!"

Pinaglalaruan ni Yue yung icecream nya, ginagalaw galaw nya lang yung cone, "Alam mo Sai-pot, bali-baligtarin mo man ang mundo, rebound at rebound pa rin ang labas non. Panakip butas pa rin si Brian. Nagagawa mong kalimutan si Cedric dahil binabaling mo ang atensyon mo kay Brian. Isipin mo, pano kung walang dumating na Brian sa buhay mo, maka-move on ka kaya? Mali pala, pano kung dumating si Brian sa buhay mo nang wala pang Cedric na nanakit sayo? Sa tingin mo mapapansin mo si Brian?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko, "Oh ano? Di ka makaimik, tama ako noh?"

"H-hindi noh! Mapapansin ko pa rin si Brian. Kahit wala si Cedric!" sabay tayo ko at walk-out.

"sabi mo lang yan." narinig kong sabi ni Yue habang naglalakad ako palayo.

Hindi naman rebound si Brian ah. Hindi...

My Ex Boyfriend & I >,< - Repost :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon