CHAPTER 25: Love is Sacrifice

287 2 2
                                    

Sairyl’s P.O.V.

In the end… I stayed at the hospital. Di pa rin pala ako makakalabas ng hospital, pero this time hindi ako ang nakaconfined… Well, nung naguusap kami ni Cedric, narinig pala lahat ni Kyla ang pinag-usapan namen and that must’ve cause her to faint.

Di pa rin sya nagigising hanggang ngayon eh… 

Si Cedric… ayun nakaupo sa isang sulok at nakayuko, yung kamay nya nakatakip sa mukha nya. Di mapakaling ewan.

Nilapitan ko sya, tumabi ako sa kanya sa upuan, kinuha ko yung kamay nya at nilagay ko kamay ko sa mukha nya, ”Ano ba, relax ka lang pede?”

”Pero… She knows it already… Ano na mangyayari? Kung kelan pa naman magkakasama na ulit tayo…”

”We’re gonna die together right?”

”Yes… but that soon?”

”Doesn’t matter. Ang mahalaga eh magkasama na ulit tayo.. We’ll explain it to Kyla.. siguro maiintindihan naman nya tayo and who knows, she might save us from death...”

”Well yeah, you’re right. I shouldn’t be worried at all.” I hugged him after. I’m happy… No, happy is not the right term… Let’s say, I’m contented. I finally have him back, all the pain I had before had vanished already. I don’t mind dying right now. Atleast, I’ll die contented and happy. 

*ring ring*

Biglang nag-ring yung phone ni Cedric and he answers it.

After the phone conversation he went to me, ”Babygirl…” He called me that again. How sweet. ”I need to go may dapat pa pala akong tapusin. Babalik ako mamaya, promise.”

”Sure. Take Care.”

”Kaw din. I Love you.” and he kisses me on the cheek.

”I Love you too.” and we had our exchange of I love you’s once again. :)

Isa na lang ang dapat gawin… I-explain lahat kay Kyla pag gising nya at pagkatapos nun, everything would be fine again…

Or would it?

Natatakot pa rin ako… what if hindi matanggap ni Kyla? She’s my bestfriend and I don’t want to lose her…

Pero.. Sana… Sana…

”Hmm..” napatayo ako at lumapit kay Kyla nung marinig ko sya. Nagigising na sya.

”Finally.. gising ka na din..” kinakabahan talaga ako. dug dug dug

”Hmm? Ano ginagawa ko dito? Di bale, buti na lang talaga at panaginip lang pala ang lahat.. It looked so real. Pwew. ”  

”Panaginip?”  

”Hehe. Ang weird kasi.. napanaginipan ko daw na may past daw kayo ni Cedric tapos nakipagbalikan daw sayo si Cedric na he was just forced to love me.. Mga ganun ganun daw… Grabe, ang haba nga ng panaginip na yun eh… Para pang totoo.. Buti talaga at nagising na rin ako… Ang weird ng panaginip ko noh?”

Naiyak na ako… Ansaya saya kasi ng pagkekwento ni Kyla… Yun bang ang akala nya talaga eh panaginip lang ang lahat… pano mo ba naman masasabi ang totoo sa isang taong masayang masaya? Pano mo ba naman magagawang sirain ang ngiti ng isang tao? Feel ko tuloy eh ang sama-sama ko at ang selfish selfish ko kasi nagawa kong lokohin ang sarili kong bestfriend…

”Oh bakit ka naiyak Sai?”  

Di ko namalayan pumatak na pala ang mga luha ko… Di dapat na patagalin ko pa… kung hindi ko sasabihin ‘to ngayon eh kelan pa? Atsaka malalama’t malalaman din naman nya mabuti na yung ngayon na, ”Kasi Kyla, di naman panaginip yun!”

My Ex Boyfriend & I >,< - Repost :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon