CHAPTER 22: Stop Running

279 2 0
                                    

I woke up, all was white.

Am I dead?

Am I in heaven?

Pero… di ko naibalik yung eraser ng classmate ko, tumatanggap ba ang heaven ng magnanakaw ng eraser? 

”Sairyl?”

Huh? Boses ni Cedric? Sumama sakin sa heaven? Woot. Natanggap pala ng manloloko ang heaven. Joke lang. XD

”Sairyl, panget, naririnig mo ba kami?”

Aba. Si Yue yun ah. Nasa heaven na din sya? Aba. Natanggap pala ng panget ang heaven.

Pero teka… pano naman sya na-deads? 

”Uy Sai. Aba, sumagot ka naman kung naririnig mo kami.”

Tapos nakita ko ang panget na pagmumukha ni Yue nung winagayway nya yung kamay nya sa may mukha ko.

”Ampanget mo Yue.” I managed to say.

”Tamo ‘to, kaw na nga niligtas, sasabihan pa akong panget.”

”Niligtas?”

”He found us Sairyl. Nung nasaksak ka dumating si Yue, binugbog nya yung anim. Then dinala ka namin dito sa hospital. I’m sorry Sai… di man lang kita naprotektahan… Wala akong kwenta.” yumuko si Cedric. Napansin ko may mga bandages sya sa katawan, siguro gawa yun ng mga pambubugbog sa kanya. Pero buti naman, walang nangyaring masama sa kanya.

”Ano ka ba, tignan mo nga yang nangyari sayo sa pagpoprotekta sakin, puro ka sugat.” sabi ko sa kanya at nginitian sya.

”Walang kwenta ‘tong mga sugat na ‘to, ako dapat ang nandyan Sairyl, ako dapat ang nasaksak, hindi ikaw. Nakakainis kasi, nasaktan ka at di ko nagawang iligtas ka sa kapahamakan.”

”Sus. Andrama mo Cedric. Andami kaya nun, anim kaya? Kahit ako di ko kakayaning lampasuhin lahat ng yun, baka sumakabilang buhay na ako pag nagkataon eh.”

”Yabang. Eh bakit natalo mo sila at naligtas mo kami?”

”Engot. Mga sugatan na kaya yung mga yun nung dumating ako, napuruhan mo kaya silang lahat kaya madali ko na lang silang nalampaso.”

”O kita mo na Cedric, you’ve been a hero. Thanks.” hinigit ko si Cedric palapit sakin na noo’y nakatayo sa tabi ng kama ko, hinigit ko sya sa pamamagitan ng paghigit ng kamay nya at nang makalapit ang mukha nya eh hinalikan ko sya sa cheeks. Oh, mga dirty minded, wala yun, that was a friendly kiss, as a token of gratitude lang.

Nagblush ba sya?… pero baka nabigla lang sya.

”Eh ako bez, sinave rin kita wala ba akong kiss dyan?” sabay nguso ni Yue at tinuturo pa yung nguso nya. Pang-asar talaga. 

”Syempre naman bez.”  and I kissed him on the cheeks too, of course. Ayoko sa lips noh, lips are meant for the guy you love lang. 

”Woot. Bakit di sa lips?” 

”Tumigil ka nga dyan, manyakis!” sabay bato ko sa kanya ng isang unan sa tabi ko. Umilag naman sya. Kinuha nya yung unan na hinagis ko at hinagis pabalik sakin pero di naman ako natamaan, duling. XD

”Uy nga pala bez, question lang..” bigla akong may naalala kaya naman sinubukan kong magtanong.

”Sorry bez, no IQ.”

”Sira. Matagal ko ng alam pero di naman kelangan ng IQ dito. Ano, tatanong ko, what’re you doing in front of the resto last night?”

Nagblush sya… 

”Hehe.. bez… nagpapalamig lang ako kagabi eh.. hehe. Lam you na… may iniisip lang ako…”

”Nag-iisip ka pala..  joke lang. Ano naman iniisip mo?” bigla syang napatingin kay Cedric tapos tumingin sakin and gave me a wry smile.

My Ex Boyfriend & I >,< - Repost :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon