CHAPTER 18: restart

277 2 0
                                    

“She’s not for sale. At pag hindi mo pa sya binitawan, pupulutin ka sa kangkungan.”

Nagkatinginan pa yung dalwa, as in parang nagpapanuntukan na sila sa tingin. Nagsusukatan. Biglang tumayo yung mga kasama ng lalaki, natakot na ako, kasi andami nila at iisa lang si Cedric. Yung mga tao naman sa restaurant, mga nakatingin lang. Wala bang tutulong o aawat man lang?

”Hindi. Wag na mga pre, tara na.” tapos bumitaw yung lalaki sa kamay ko at umalis na sila ng restaurant at nakahinga din ako ng maluwag. 

”Haay, but---“ di ko na natapos ang pagsasalita ko ng higitin ako ni Cedric papuntang staff room. Seryoso pa rin yung mukha nya, mukha pa ring galit.

Nung pagpasok naming ng staff room eh naglabasan yung mga tao dun tapos sinara ni Cedric yung pinto at bigla eh isinandal nya ako sa may mga lockers at pumagitan yung mga kamay nya sa ulo ko tapos nakatungo sya.

”Uh… C-cedric?”

Hindi pa rin sya kumikibo ni umiimik. Nakayuko pa rin sya.

”Uy, Cedric?”

Bigla syang nagsalita, ”Bakit ba kasi ang lapit mo sa kapahamakan ha?”

Ano daw?

”H-ha?”

”Nakakainis ka naman eh, kung hindi ka madadapa, mahuhulog sa kung saan saan, masusugatan ng kung ano, eh pagsasamantalahan ka naman ng mga masasamang loob. Ano ba kasi’t nakakapit ka dyan sa kapahamakan?” tumingin sya sakin, kita ko na may paghihirap sa mata nya. It was the same old Cedric’s worried eyes. Before, he was worried because I’m his girlfriend but now… is he just worried because he is just a concerned citizen? 

Parang mali eh… bakit parang may bumabalik. Langya! Mali. Hindi, hindi pede. 

”Ayos lang yun, andyan naman si Brian. Hindi ako bibitawan nun.” yumuko ako, medyo nabigla sa mga sinabi ko. 

Tinanggal nya yung kamay nya sa pagitan ng ulo ko,”Sabagay. Binitiwan mo na ako diba?”

Nabigla ako dun.

”B-binitawan kita?” bakit parang may mali? Hindi dapat kami naguusapan ng ganto ni Cedric, “Ikaw ang bumitiw Cedric. Sumunod lang ako. Di ba tama naman ang ginawa ko? Pinakawalaan mo ako kaya dapat pakawalaan din kita. Para quits lang tayo.”

Matagal kaming di nag-imikan. Pero maya maya eh nagsalita sya, ”Tama nga. Tapos na tayo eh.”

….

”Tanga ko naman at sinusubukan ko pang ibalik. Nasaktan na kita at alam ko hindi na tama tong ginagawa ko.”

….

”Why don’t we forget the past and start over again, from the very beginning, like strangers from the start?”

Napatingin ako sa kanya nung magsuhestiyon sya nun...

.... nakangiti sya. From the very beginning…

May napagtanto ako at naisip kong siguro tama ngang ganto na lang, may mga bagay lang talagang dapat isansantabi na para sa ikabubuti ng lahat. Ngumiti din ako sa kanya at nagsimula ulit kami mula sa umpisa...

”Hi! Bago ka ata dito sa restaurant?”

Andami nyang sinabi kanina, mga di ko maintindihan. Pero may isa akong naintindihan…

”Oo eh, bago nga ako dito. Kanina lang ako nagsimula. Eh ikaw ba? Ano ginagawa mo dito?”

Let’s forget the past.

”Ahh… tambay lang ako dito, kaibigan ko kasi may-ari nitong restaurant. Ano nga pala pangalan mo?

Goodbye to yesterday.

”Sairyl de Mesa, Sai na lang for short. Ikaw?”

Let’s start anew.

”Cedric Fontanilla, Ced na lang for short. Hehe. Nice meeting you Sai.”

”Nice meeting you too, Ced.”

”Friends?”

Friends? Yes. This would be much better. 

”Friends.” nagkamay kaming dalwa at pagkatapos eh lumabas kami ng staff room na nagtatawanan, nagkekwentuhan ng kung anu-ano, at lumabas kaming magkaibigan. 

Time to restart everything. Good beginnings give good endings.

My Ex Boyfriend & I >,< - Repost :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon