Constant 7

160 15 7
                                    

Natahimik ang paligid. Umihip ang mainit-init na hangin at napaiwas siya ng tingin kay Jude.

"Don't bother. Sanay na ako."

Nilampasan niya ito pero hinawakan nito nang mariin ang braso niya. Napairap siya. Bakit ba gustong-gusto ng mga itong pigilan siya? Marahas niyang binawi ang braso mula rito.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Sa washroom siguro?"

Nilampasan na naman niya ito at napabuga siya nang hangin nang hindi siya nito pinigilan. Ang kaso, sumunod ito sa kaniya sa stone pathways. Napaismid siya.

"Don't follow me."

Pero wala itong imik. Naalala niya bigla si Brent. Lumingon siya sa likod at nakita niya ang lalaking nakatungong nakasunod sa kanila. Huminto siya kaya napahinto rin si Jude, pati na si Brent. Nag-angat ng tingin ang huli.

"Malarie," anito.

Hindi na lang siya umimik at nagpatuloy sa paglalakad. Sa labas pa lang ng gymnasium ay rinig na rinig na niya ang in-dribble ng bola at tunog ng sapatos. Paspasan nga pala ang practice ng varsity dahil sa paparating na interschool competation. Lumiko na lang siya sa shortcut na para lang sa mga players. Pero dahil pareho silang mga presidente at kitang-kita nito ang putikan niyang buhok ay pinayagan sila ng gwardiyang dumaan. Tumaas ang sulok ng labi niya. The privilege of being a president in Tyrant.

Huminto siya sa harap ng girl's washroom at nilingon ang dalawang lalaki. "Hintayin niyo si Zion dito at ako nang papasok sa loob. Isuyo niyo na lang sa estudyanteng papasok sa loob ang uniporme."

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga ito. Agad siyang pumasok sa washroom at sinalubong ng amoy ng lavender. Apat ang cubicle sa loob at lahat ay bakante. Dumiretso siya sa cubicle sa dulo, isinara ang pinto, at dahan-dahang hinubad ang unipormeng may bahid ng putik. Napangiwi siya. Binuksan niya ang shower at nagsabon.

Ilang minuto siyang naghintay nang may kumatok sa pinto ng cubicle. Nagtapis siya ng tuwalya at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Brent.

"Heto," sabi nitong nakabaling sa gilid. Inabot nito ang naka-seal pa sa isang paper bag na spare uniform.

Dali-dali niyang kinuha iyon at pabagsak na sinara ang pinto. Mabilis siyang nagbihis at sinilid sa paper bag ang narumihang uniporme. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang pinto. Pagbukas niya, nakita niya ang tatlong lalaki kasama ang vice president ng SSG.

Sabay ang mga itong lumingon sa gawi niya.

"Ms. President!" ngiting bati ni Rita. Pawisan pa ang mukha nito habang nakasuot ng sleeveless shirt at napakaikling shorts. "Sorry, ilang araw akong hindi nakadalaw sa opisina. Naging hectic ang sched ng practice, e." Nagpunas ito ng tuwalya sa mukha.

Tumango siya at bumaling kay Brent na kanina pa nakatitig sa kaniya. "Didn't I tell you not to enter?"

Nag-iwas ito ng tingin. "Walang pumapasok kaya ako nang nag-abot."

Hindi na siya umimik at naunang maglakad papalayo sa washroom. Patakbong humabol si Rita sa kaniya at naglakad sa tabi niya.

"Kumusta ang opisina, Pres?" tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "As usual."

Lumiko sila sa passageway na magdadala sa kanila sa loob ng basketball court. Mas lumakas ang tunog ng in-dribble na bola at tunog ng sapatos. Ilang minuto pa'y natanaw na niya ang mga basketball players na naglalaro sa court.

Constant (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon