Constant 13

120 11 2
                                    


Tuluyan nang lumubog ang araw nang huminto ang Mazda ni Brent sa tapat ng bahay niya. Pasimple rin niyang tiningnan kung nariyan na ang Strada ni Jude pero wala ito sa garahe nito. Nakahinga siya nang maluwag at nagpaalam na sa kaibigan.

"Sandali," pigil ni Brent sa kaniya. Mariin nitong hinawakan ang braso niya. "Nariyan ba ang papa mo?"

"I don't know." Nangunot ang noo niya. "Kilala mo siya?"

Binitiwan ni Brent ang braso niya at sumilay ang isang hilaw na ngiti sa mga labi. "Tinatanong ko lang."

Naningkit ang mga mata niya. "You sure na hindi mo siya kilala? You know this place, e?"

Nagkamot ng batok si Brent at nag-iwas ng tingin. "Nakita ko sa school records mo."

"Sa opisina?"

"Oo."

Nagkibit-balikat siya at muling nagpaalam bago tuluyang umibis ng sasakyan. Bumusina ang Mazda kaya kumaway siya sa tinted glass window ng sasakyan. Tinanaw niya ito hanggang sa mawala sa paningin niya. Saktong pagdating ng Strada na kung bumusina'y parang may masasagasaang kalabaw.

Inirapan niya ang sasakyan at nagmartsa papasok sa bahay. Nandoon pala sa may pintuan ang papa niya at kanina pa siya pinagmamasdan.

"Sinong naghatid sa 'yo?"

"Kaklase ko, Pa." Kinuha niya ang kamay nito at nagmano.

"Sino?"

Napalabi siya. "Si Brent po."

"Brent?" Nangunot lalo ang noo ng ama niya. "Sinabi ni Dylan na hindi ka niya nasundo. Ikaw ba ang nag-aya o siya?"

"Siya po."

"Imbitahan mo siyang pumasok sa susunod."

Tumango na lang siya bago ito nilampasan. Magaan ang hakbang na tinungo niya ang hagdanan at umakyat. Hindi na rin siya nag-atubiling magmano sa mama niyang naririnig niya mula sa kusina. Dumiretso siya sa sariling kuwarto at humilata hanggang mawalan ng ulirat sa pagod.

Alas-nueve y medya nang magising siyang kumakalam ang sikmura. Umupo siya saglit bago napagpasyahang bumangon at lumabas ng kuwarto. Bumaba siya sa hagdan at nadatnan ang ina niyang tahimik na nanonood ng KDrama sa sala.

"Hi, Ma."

"May pagkain sa mesa. Hindi kita ginising. Alam kong bababa ka."

"Sige po."

Dumiretso na siya sa kusina at agad nilantakan ang pagkain doon. Dahil kagigising lang ay hindi pa masyadong magana ang kain niya. Maayos iyon sa kaniya. Masama ang mag-heavy meal sa gabi.

Napatingin siya sa papa niya nang bigla itong pumasok sa kusina at dumiretso sa ref. Kinuha nito ang pitsel at naglagay ng tubig sa baso.

"Pa? Ayos ka lang?" tanong niya. Napansin niyang pinagpawisan ito at hinihingal.

Tumango ang papa niya. "Binilisan mo riyan. 'Wag ka ring magpakabusog at 'wag munang matulog pagkatapos kumain."

'Yon lang at iniwan siya nito sa kusina matapos uminom ng tubig. Tumango-tango siya at niligpit na ang pinagkainan. Pagkatapos hugasan ang pinggan ay nagpunta siya sa sala. Doon, naratnan niya ang ina na naiiyak habang nakatutok sa TV.

Naiiling siyang naupo sa one-seater sofa. Saktong bumaba ng hagdan ang papa niya at tumabi sa mama niya.

"Akala ko matutulog ka na?" bulong ng mama niya na narinig niya.

"Magpapaantok ako," bulong naman ng papa niya.

Tinoon na lang niya ang tingin sa screen ng TV. Ilang saglit pa at naghikab siya. Nagpaalam siya sa mga magulang at pikit-pikit ang mga matang umakyat sa hagdan. Para ding lumutang ang pakiramdam niya dahil hindi niya mawari kung panaginip ba ang narinig niya o hindi.

"Napaginipan ko na naman."

"Hindi mo pa rin ako napapatawad, Cenon?"

"Dalawang bata, Gina. Basta-basta ko lang bang kakalimutan 'yon?"

Pikit ang mga matang pinihit niya ang seradura at dumiretso sa kama.



MAAGA naman siyang nagpunta sa Tyrant pero bakit nakikita niya si Jude sa labas ng classroom ng 4E? Umiling siya, pumikit, at huminga nang malalim. Pagdilat niya ay muntik na siyang mapasigaw nang makitang ilang dangkal lang ang layo ng mukha ni Jude sa mukha niya.

"Ano ka ba!" sita niya. "Ayan ka na naman," inis niyang dagdag.

Nilampasan niya ito at binuksan ang pinto ng 4E. Pumasok siya at alam niyang nakasunod pa rin si Jude sa kaniya.

"Pwede ba, mukha kang aso kakasunod," aniya.

Narinig niya ang mahinang tawa nito. "I just want to scare you off. You closed your eyes."

Umikot ang mga mata niya. "Just checking if I'm not hallucinating. Nakakagulat naman kasi't ang aga mo sa Tyrant. Late comer ka, 'di ba?"

Nakita niya sa gilid ng mata ang pabiro nitong hawak sa dibdib. "Sakit naman, Sidine."

Pansin niyang paiba-iba ang tawag nito sa kaniya. Umirap siya. "Lumabas ka na. You don't belong here."

"Double dead. Badass."

Huminga siya nang malalim at magkasalubong ang kilay na binalingan niya ito. Halakhak ang sinukli nito at pasimpleng inayos ang nagulong buhok sa pagtawa.

"Nakausap ko si Uriel. He's having doubt for your attendance for this coming Team building. So, he asked me if I'm willing to fetch you in your place. In case you'll forget."

Nangunot ang noo niya. "Uriel? Who's that?"

Sumilay na naman ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. "Rude. How come you won the election?"

"Umayos ka, Jimenez."

Natawa ito. "The Prefect."

Uriel pala ang pangalan ni Mr. Prefect? Napatango-tango si Sidine. "Okay. As if hindi ko alam na kakatokin mo ang bahay namin."

Napailing si Jude. "The thing is... the day after that will be our family's bondin' time."

Natahimik siya. Napaisip. Magiging abala pala siya sa Sabado't Linggo. Tapos papasok pa siya sa Lunes. Napabuntonghinga siya. Mukhang walang rest day sa linggong ito.

"Ilang araw tayo sa Team building?"

"One day only, Sidine. Supposedly, that should be two days but I already filed an excuse for us two."

"I see."

Natahimik ang paligid. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip sa mga posibilidad at ilang katanungan. Kung uuwi sila ni Jude nang hindi pa tapos ang team building, ano ang magiging reaksiyon ng kasamahan nila? Lahat ng leader ng school organization sa Main campus at iba pang satellite campus na gaya ng Marinas ay pupunta roon, at kapag wala ang presidente ng Federation, ano ang kahahantungan ng lahat? Di yata'y dapat naroon sila dahil hawak niya ang Marinas, at hawak naman ni Jude ang lahat ng student governments.

Sumulyap siya sa kababata at nagulantang nang napagtantong kanina pa siya tinititigan ni Jude.

"What?" kunot ang noong tanong niya.

Umiling ito. Walang ngiti. "Just thinking of... something."

Ah, that something is making her curious again, more than the last time.

#012210.11.1P

Constant (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon