Chapter 30

316 18 7
                                    

"Sidine, is it hard?"

Napaangat siya ng tingin kay Clara. Seryoso ang mukha nito at para bang gustong-gusto na nitong malaman ang sasabihin niya.

"What's hard, Clara?"

"Serving Him."

Napangiti siya. Nilagay niya ang bookmark sa pagitan ng mga pahina ng Bibliya at isinara ang aklat. Nilibot niya ang paningin sa mga kaklaseng matamang nakatitig sa kaniya.

Noong una ay hindi niya gustong mapabilang sa seksyon 4E. Lahat na lang yata ng masasamang salitang pwedeng ilarawan ay nasa kanila na. Hindi siya takot na pumasok sa loob ng 4E pero natatakot siyang baka hindi na siya makabalik sa 4A, ang original na seksiyon niya. Ngunit ngayon, iba na ang nakikita sa mga ito.

Ang nakikita na niya ngayon sa 4E ay mga naliligaw ng landas. Mga taong malulungkot, ganid, natatakot, kinakawawa ang sarili, at mga taong walang kamuwang-muwang kung ano ang salitang kaligayahan.

Naaawa siya. Gusto niyang iparamdam at ipakita si Kristo sa kanila. Gusto niyang makilala ng mga ito si Hesus, ang Panginoon. Gusto niyang sumaya ang buong 4E. Gusto niyang baguhin ang pamaraan ng pamumuhay ng mga 'to.

Pero alam niyang ang Panginoon lang ang may kakayahang magpabago sa mga tao. Kaya ipagdadasal niya sa Diyos na hawakan ang mga puso at bigyan ng liwanag ang buhay ng lahat ng kabilang sa 4E.

"Hindi naman mahirap na paglingkuran ang Diyos, Clara." Marahang ngumiti si Sidine. "Ang tunay na nagmamahal sa Diyos lang ang kayang pagsilbihan Siya. Mahal ko ang Diyos kaya hindi mahirap sa akin na paglingkuran Siya. Binibigay Niya ang lahat ng kailangan ko para paglingkuran Siya kaya hindi mahirap."

"We were forced to follow an order. Where's the free will there, Sidine?" tanong bigla ni Meaya.

Napatingin siya rito. Ngayon lang niya ito narinig na magsalita simula nang magbasa siya ng Bibliya sa harap para sa Christian Life subject nila sa araw na iyon.

Bumuntong-hinga si Sidine. "You still have the free will to live the life that you want, Meaya. If you are forced to follow an order, matagal na sana tayong tinapon ng Diyos sa impyerno dahil ilang ulit na tayong nagkakasala sa Kaniya. But He showed mercy that He gave His Son in order for us to be saved. And no, God did not force me to serve Him. Instead, it was my decision to serve Him with all my life because the moment the He saved me, it was the moment that I started to love Him more than my life. And it was the best decision, to serve the eternal God."

Natahimik si Meaya. Saktong tapos na ang oras ng asignaturang iyon kaya pinabalik na ng guro sii Sidine sa upuan niya. Masayang tumalima si Sidine. Nakita pa niya ang nakangiting si Brent. Nakatitig ito sa kaniya kaya sinuklian na lang ng ngiti ang lalaki.


DISMISSAL na pero nandoon pa rin sa loob ng 4E si Sidine. Umalis na ang lahat ng kaklase niya maliban kay Brent na tumutulong sa kaniya para isilid sa isang malaking bag ang lahat ng regalong natanggap niya last semester.

"May regalo si Meaya?" takang tanong ni Brent. Binigay nito sa kaniya ang isang maliit na box.

Tumingin muna siya kay Brent bago binuksan ang regalo. Natigilan siya nang makita ang isang kumikinang na snowball. Pinasadahan niya ng tingin ang loob niyon at namangha nang may isang maliit signboard doon at nakasulat ang Jesus.

"Ang ganda," puri niya.

Nilagay niya sa shoulder bag iyon at tinago. Akmang ilalagay niya sa trashbin ang pinagsidlan niyon pero nakita niya ang isang papel sa loob. Kinuha niya iyon at binuklat. May nakasulat.

Sidine,

I know I've been bad to you but don't be sad. I just felt overwhelmed by Tito Vino's request. But how can I reject him? He's my favorite Tito anyway.

Constant (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon