Constant 8

172 17 5
                                    


Maaraw pero malamig-lamig ang hangin. Nanonood ng isang pelikula ang 4E maliban kina Sidine at Brent, sa malaking screen na nilalapatan ng ilaw ng projector. Ang mga guro at si Sidine ay abala sa last-minute preparation sa buong venue. Tumulong din ang mga miyembro ng iba't ibang school organizations, pati na si Jude at ang leader ng Prefect of Discipline.

Binaba niya ang binabasang program at napabuntonghinga. Nilibot niya ang tingin at tipid na napangiti nang mapagtantong nasa ayos na ang lahat. Ang mga estudyante ng Tyrant na lang ang kulang.

"Here."

Napabaling siya kay Zion na nakangiti sa kaniya. "Salamat," aniya at tinanggap ang inabot nitong panyo. Marahan niya iyong pinunas sa kaniyang pawisang noo.

"Mamayang hapon pa dadagsa ang mga estudyante. You should go eat your lunch. It's been past eleven."

Nag-unat-unat siya, pumikit at huminga nang malalim. Nakangiti na siya nang magmulat pero agad napalis nang magtama ang mga mata nila ni Jude. Papalapit ito sa kaniya. Nangunot ang noo niya.

"I like this place," ani Jude.

"Tinatanong ko ba?"

"Woah woah!" Natawa si Jude. "Easy there, Sidine."

Umikot ang mga mata niya. "Makapag-lunch na nga lang."

Hinigit niya si Zion na naiiling sa kanilang dalawa. Nilakad nila ang kahabaan ng stone pathways at nang marating ang school gate ay huminto siya at nilingon ang field.

Kitang-kita niya ang malalaking school tent na nagkalat sa malawak na bermuda grass field ng Tyrant. May mga malalaking speakers din at ilang monoblock chairs na para sa mga guro at principal. Ang plano nila ay picnic style. Maglalatag na lang sila ng picnic blanket sa bermuda grass at doon mag-i-indian sit ang mga estudyante.

"Sidine!"

Napalingon siya sa labas ng school gate. Nasa kabilang bahagi ng kalsada si Cara at ang kaibigan nitong si Sera. Kumaway si Cara sa kaniya.

"Sama ka sa amin?" pasigaw nitong tanong.

Tumango siya at hinigit si Zion. Sabay silang lumabas ng gate at tumawid ng kalsada. Nakangiti naman silang sinalubong ni Cara ng saglit na yakap. Natigilan siya pero ngumiti pagkuwan. Malaki kasi ang ngiti ni Cara at ayaw naman niyang mam-badtrip ng taong tumulong sa kaniya.

"Tara sa kainan ni Mang Jepoy!" aya nito. Nauna na itong maglakad kasama si Sera kaya wala siyang nagawa kung hindi sumunod. Nakangiti namang naglakad si Zion sa tabi niya. Bahagya niya itong sinundot na ikinalingon nito.

"Kaibigan mo sila?" tanong niya.

Natawa si Zion at tumango. "Classmates ko sa 4D."

Napatango siya. Sa isang malaking kainan sila dinala ni Cara. Halos lahat ng kumakain doon ay mga miyembro ng ibang school orgs. Naroon din ang leader ng Prefect pero wala si Jude.

"Sidine!"

Nilingon niya si Cara sa mesa sa dulo, malapit sa dingding. Pang-apatang upuan iyon kaya hindi na siya nagdalawang-isip na umupo roon. Nag-order si Cara at si Sera. Tinanong ng mga ito ang order niya at kay Zion.

"Yon lang?" tanong ni Cara. Isang piraso ng manok at isang cup ng kanin lang kasi ang order niya. Tumango siya.

Natawa si Sera. "Pagpasensyahan mo na. Palagi kasi 'yang lumalamon. Alam mo na, hindi makapaniwala na gano'n kaliit ang order mo."

Napalabi si Cara. Napangisi naman siya at napatango. Tinuro niya si Zion na kanina pa tahimik. "E, ito? Anong masasabi mo sa tatlong kanin at apat na manok?"

Nagtawanan silang tatlo habang pulang-pula naman si Zion.

"Nagutom ako bigla," nakangiti nitong saad. "Tayo-tayo lang kasi ang naghanda. Hindi naman tumulong ang 4E liban sa iyo at ni Brent."

Natahimik sila saglit. Napatango-tango siya. "Ano bang aasahan niyo sa 4E? They're the worst, right?" Pinaglaruan niya ang straw ng buko juice na in-order ni Cara kanina. Nagustuhan na rin niya ang lasa kahit pa hindi siya umiinom no'n.

"Oo nga," sang-ayon ni Sera.

Napatingin naman siya kina Cara at Zion na natahimik. "You two don't agree?"

"4E has a story that no one can tell. Maybe... that's their nature. We can't judge them," sabi ni Zion.

"Oo. Iniilagan sila ng ibang estudyante pero hindi nila kino-consider ang mararamdaman ng 4E. Alam mo, 'yong feeling na outcast ng school?" Bumuntonghinga si Cara. "Kaya siguro lumalayo na rin sila sa iba."

"Hey," naiilang siyang ngumiti. "I'm just asking. No need to be serious."

Napabuga ng hangin si Sera. "Oo nga, nabibigatan tuloy ako."

Ngumiti si Cara at sumipsip sa straw bago nag-angat ng tingin at ngumiti sa kanila. "Pero alam niyo ang nakakamangha kanina? 'Yong pagdating ng Prefect!"

Napatingin siya kay Sera nang matawa ito. "Napansin mo rin pala."

Nangunot ang noo niya. Anong napansin ng mga ito? Tumingin siya kay Zion at may munting ngiti sa mga labi nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa tatlo.

"Prefect?"

Nakangiting tumango si Cara sa kaniya. "Si Mr. Prefect kasi 'yong tipo na hindi sumusulpot sa event."

Tumaas ang kilay niya na siyang kinatawa ni Cara at Sera.

"Pareho kayong ilag sa iba. Tipong minsan lang makikita ng estudyante sa hallway. Pero si Mr. Prefect 'yong halos nabubuhay na sa opisina. Ikaw ba naman ang halos oras-oras may kailangang disiplinahin?" Natawa na naman si Cara.

Bago pa siya makapagsalita ay dumating na ang in-order niya. Nawala na sa isip ng dalawa ang tungkol sa leader ng Prefect pero nabagabag pa rin siya sa sinabi ni Cara. Minsan lang makikita sa hallway? Gano'n na ba siya ka-busy?

"Lalamig na 'yan, Sidine."

Bumalik siya sa realidad nang marinig ang boses ni Zion. Ngumiti siya at tinoon ang pansin sa plato niya. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang minsan lang nakikita sa hallway. Para bang sinasabing hindi na siya nari-recognize ng estudyante dahil sa missing in hallway siya.

"Ok ka lang, Sidine?"

Nag-angat siya ng tingin kay Cara. Napaisip siya bigla. "Isn't it bad... that I'm staying too much in my office?"

Nagkibit-balikat ito at tinuro si Zion. "Take it from him. Siya kasi 'yong tipo na makikita mo lagi sa hallway."

Napatingin siya kay Sera nang matawa ito. "Tambay sa bench si Zion."

"Habang nagbabasa ng Bibliya," ngiting sambit ni Cara.

Napatingin tuloy siya kay Zion na naiiling. Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya at tipid na napangiti. "I'm winning souls."

"Winning souls?" takang tanong niya.

"Yes. Winning souls for the Father." Ngumiti ito at tinuro ang itaas. "Above all. In Christ."




#010420.8.3P


Constant (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon