Chapter 21

105 10 7
                                    


Dinaluhan siya ni Jude pagkalabas ng kuwartong iyon. Matapos niyang marinig ang sinabi nito ay walang lingon-lingon siyang lumabas. Overwhelming. Hindi niya alam kung iiyak siya o hindi. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o hindi. Parang nag-switch off ang emosyon niya.

"I'll drive you home," bulong ni Jude.

Hindi siya nagprotesta nang akayin siya nito. Pero dahil parang nawalan ng lakas ang binti niya ay halos mapasubsob siya sa sahig. Namalayan na lang niyang buhat-buhat na siya ni Jude sa braso.

"You almost weighted nothing. Kumakain ka pa ba, Sidine? Nangangayat ka."

"J-Just drive me home."

"As you wish."

Pinikit niya ang mga mata at hinayaang kainin siya ng antok. Nagising na lang siya sa ingay. Nilibot niya ang tingin at napagtantong naka-park na ang Strada sa harap ng bahay nila. Malakas ang ulan sa labas. Nang tumingin siya kay Jude, may kausap ito sa telepono. Magkasalubong ang kilay nito at parang hindi napansin na gising na siya.

"I said no, Sir. She's tired and maybe afraid. No, I can't drive her back in Sky Suite. She's here, sleeping."

Napahilot ito sa sentido. "I can't possibly do that, Sir. She knows nothing. She might gone to depression."

Pahina nang pahina ang boses ni Jude. "Yes, Sir. I noticed it, too. I can't tell when it has started but her eyes are dull. And I don't think her Mom knows this. She's capable of hiding her feelings and she never tell anyone that she's fasting. For days, I observed her behavior and I noticed that she's not eating during recess. She's playing her food and throws it afterward."

"I'll think about it, Sir. Thank you."

Binaba ni Jude ang telepono at binalik sa dashboard. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang mapatingin sa kaniya.

"Is that he?" bulong niya na halos hindi niya marinig.

"What do you mean?"

"Is that Trinidad?"

Ilang segundong nagdalawang-isip si Jude bago tumango. Pagak siyang natawa. "So, for all this time you knew."

Peke ang ngising pinakita niya rito.

Bumuntonghinga si Jude. "He asked me to drive you back to Sky Suite but you need rest. Go inside your house Sidine and take a deep sleep."

"How can I rest? Even nightmares are dreams."

"Do you only count your nightmares?"

Napatingin siya kay Jude. Naningkit ang mga mata niya rito. "Tell me what you know."

"I'm not in the position."

Pagak na naman siyang natawa. "Okay, if that's so."

Umibis siya sa sasakyan at walang lingon-lingong pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya alintana ang mga butil ng ulan na bumabasa sa suot niyang floral dress. Naratnan niya sa sala ang ina niya habang nanonood ng palabas. Saktong pababa ng hagdan si Dylan.

"Ate! Ayos nandito ka na. Magpapaturo sana ako sa assignment ko."

"Pagod ako, Dylan."

Tinuro ng mama niya ang bookshelf na nakasandal sa dingding ng sala. "May bagong biling libro ang papa mo, bakit hindi mo basahin Sidine?" Tumingin ito sa kaniya at nangunot ang noo. "Nagpaulan ka? Bakit hindi ka nagdala ng payong? Maligo ka."

Tumango siya.

Umakyat siya sa hagdan at in-lock ang pinto ng kuwarto. Nagbihis lang siya ng tuyong damit at dumipa sa kama. Maya-maya pa'y bumigat ang talukap ng mata niya at nahila na naman siya ng antok.

Constant (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon