Constant 14

136 12 10
                                    


Biyernes pero naroon siya sa opisina niya at kausap ang Directress sa telepono. Unang subject pa lang pero mukhang hindi siya makakaabot sa lingguhang pagsusulit. Nakagat niya ang labi at salubong ang kilay na tumitig sa copy ng resolution sa mesa habang matamang nakikinig sa may-ari ng Tyrant.

"Sidine, I also want to discipline my children but I can't see any possible cause for this resolution."

Pumikit siya at dumilat. Ngumiti na para bang kaharap niya ito. "It's okay, Mrs. Venerola. I will not wish to manipulate the students again."

"You know, Sidine, I can see a big future ahead of you. For all presidents, you're the only one who shows compassion for the poor. But you also know that Tyrant will never be Tyrant if not for those students, right? The dukes and tycoons will never allow their sons and daughters to take part to a feeding program for street children. And you haven't forgot that sixty percent of enrolled students there in Marinas are heirs and heiresses, right?"

"I... haven't, Mrs. Venerola."

Nagbaba siya ng tingin at pinaglaruan ang ballpen na hawak.

"Sidine?"

"Yes, Mrs. Venerola?" Nag-angat siya ng tingin nang maasiwa sa pakiramdam na may nakatitig. Nakita niya si Jude na nakahalukipkip sa tope ng pintuan ng opisina niya. Naningkit ang mga mata niya rito.

"Thank you for being patient and responsible leader of Marinas. Froilan told me some of your activities and I want to remind you not to stress yourself much, alright?"

"I'll remember that, Mrs. Vene -"

"And please address me a lil' bit close. Just Tita."

Nangunot ang noo niya. Pinasigla niya ang boses para hindi mahalata ng kausap ang pagtataka niya. "Yes, Tita."

"I'm looking forward to see you next week, Sidine."

Mas lalong nangunot ang noo niya. Anong mayroon sa susunod na linggo? Nonetheless, hindi niya pinahalata sa Directress.

"Yes, Tita," ang tanging naiusal niya bago binaba ang telepono.

Napahilot siya sa sentido at takang tiningnan si Jude na prenteng nakaupo sa visitor's area ng opisina.

"What is it, Jimenez?" pagod na sambit niya. Bagsak ang balikat na naupo siya sa swivel chair at pinagpatuloy ang paghilot sa sentido.

"Directress?"

"Yeah."

"Resolution?"

"Mmm... yes."

"Binasura?"

Napaangat siya ng tingin. Ngumiti ito nang nakakaloko na siyang kinaakyat ng dugo niya sa ulo. "Kung wala kang matinong sasabihin, lumayas ka sa opisina ko, Jimenez."

Umiling si Jude at tumayo. Tumaas ang kilay niya nang maglakad ito papalapit sa mesa kung nasaan siya. Akala niya ay tatayo ito sa harap pero lumampas ito sa mesa at tumayo sa likod niya. Magsasalita sana siya nang dumikit sa sentido niya ang daliri nito at pinaikot-ikot. Bumaba iyon sa balikat niya at lumapat ang mga kamay nito sa magkabila niyang balikat. Binigyan nito ng bahagyang pressure ang bahaging iyon. Napapikit siya.

"You should not stress yourself. Relax."

Sukat noon, biglang bumukas ang pinto. Dumilat siya at nakita niya si Rita na nakaawang ang bibig. Pinalis niya ang kamay ni Jude sa balikat niya at tumayo.

"May kailangan ka, Rita?" tanong niya.

May pag-aalinlangan itong humakbang papalapit sa mesa niya at inilagay roon ang isang folder. "Ipapasuyo ni Ms. Cervantes." Tumingin ito kay Jude bago muling bumaling sa kaniya. "Kayo na, Pres?"

Constant (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon