Chapter 28

117 13 5
                                    


Akala niya ay pupunta talaga sila sa F.J. building pero lumampas sila rito at huminto si Jude sa tabi ng Strada na naka-park sa lot ng Tyrant. Nangunot ang noo niya pero ngumiti lang si Jude.

"Hop in."

Una itong sumakay sa sasakyan. Napabuga siya ng hangin at binuksan ang passenger seat.

"Jude -"

"Just hop in, Sidine."

Bumuntonghinga siya at sinunod ito. Nang makabit na niya ang seatbelt ay doon lang pinatakbo ni Jude ang kotse. Lumampas sila sa gwardiya na sinaluduhan lang sila.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

Ngiti ang sinukli nito.

"Jude -"

"I know what happened."

Doon siya natahimik. Nag-iwas siya ng tingin at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

"Last night, I was with Aya. But I know what had happened."

"Alam mo na ba sa simula pa lang?"

"To be honest, no."

Niliko nito ang kotse.

"But I can see resemblance between my father and Dylan. I also noticed physical attributes of Lina that are similar to your father."

"Kailan mo napansin?"

"Nang mga bata pa tayo."

Napabaling ulit siya ng tingin kay Jude. Seryoso ang mukha nito at panaka-nakang tumitingin sa kaniya.

"That early? Bakit hindi mo man lang pinaalam sa akin?"

"Should I?"

Natahimik siya. At naisip niyang may punto ito. Kung sinabi nito nang maaga, baka magulo ang kabataan niya.

"Besides, I'm not assured and haven't thought of these possibilities. That they've switched partners and sinned against their bodies and God."

"Yan din ang sinabi ko kay Tita Rose."

Napansin niya ang malalagong punong nakahilera sa daan. Ngayon lang niya napagtantong hindi lamilyar ang daang tinatahak ng kotse at sa malayo, nakikita niya ang isang bundok na wala naman sa Ubando.

"Saan tayo?"

"Heaven."

"Seryoso!"

Ngumiti si Jude. "I'll bring you back to where you came from."

"Huh?"

Hindi na siya nakapagsalita nang bumagal ang takbo ng kotse at bumangad sa kanila ang isang pamayanan. Nasa paanan iyon ng bundok at maraming taong naglalakad sa daan.

Binaba ni Jude ang bintana at kinawayan ang mga tao. May isang lalaking lumapit sa bintan ng sasakyan at sinabayan ang mabagal na takbo ng kotse.

"FJ! Buti nakapunta ka?"

"Para sa Diyos, pupunta ako sa tulong Niya."

"Amen, kapatid! Aba, sino 'yang kasama mo?"

Sumilip pala ang lalaki sa passenger seat. Saglit na tumingin si Jude sa kaniya. "Kaibigan ko, kapatid."

"Hindi 'yan si Em-A?"

Natawa si Jude. "Hindi. Nagdala ako ng lost sheep."

Napangiti ang lalaki. "Natutuwa ang Diyos sa ginagawa mo, kapatid."

Ngumiti si Jude bago niliko sa isang garahe ang kotse. Umibis siya at sumunod kay Jude papunta sa kung saan.

"FJ? MA? Hindi ba F.J. at M.A. 'yon? Mga pangalan ng buildings sa campus?"

Constant (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon