Constant 10

143 11 0
                                    

"We are the chosen people of God. He chose you. He chose the one beside you. He chose this school to become a tent of lost souls burden by this world."

The preacher became silent for awhile. Napabuntong-hinga si Sidine at tiningnan ang programa. Praise Jam ang susunod. Pagkatapos, may magsasalita ulit bago ang Worship. Isa na namang testimony bago ang Praise and Worship na may kasamang sayawan.

"He never abandoned you. He leads you this far, tapos ia-abandona ka lang? Hindi, kapatid. God is here. Right here in this moment. He's listening to that little mourning in your heart and He wants you to surrender it to Him."

Nabigla siya nang may bigla na lang kumuha sa papel na hawak niya. Paglingon niya, nakita niya si Zion. Bumuntong-hinga ito at nilagay ang program sa mesa na nasa harap nila.

"Put this down, Sidine. Hear the Word of God and you shall find peace."

"I'm busy, Zion. Alam mo namang ako ang nag-o-organisa ng lahat."

Napatingala siya sa lalaki nang inilagay nito ang kamay sa balikat niya. "The enemy don't want you to listen. Gusto niyang i-divert ang atensiyon mo sa ibang bagay. Remember, don't let the enemy win. Hear the Word of God now, Sidine."

Ilang segundo siyang napatitig kay Zion na ngumiti lang sa kaniya. Napabuga siya ng hangin at nagdesisyong lumakad papalapit sa mga estudyanteng naka-indian sit sa malawak na bermuda field. Nakasunod si Zion sa kaniya at nang uupo na sana siya sa likod ng mga estudyante ay hinawakan ni Zion ang palapulsuhan niya at naupo sila sa harap, malapit sa speaker.

"You need to hear what the Word has to say clearly," bulong ni Zion bago tumuwid nang upo.

Napalunok siya at tinaas ang tingin sa preacher na nakatayo sa maliit na platform.

"Whatever burden you're facing right now, God has never leave your side. He knows what you're feeling right now. The sadness, the guilt, the doubt, the rejection... all of these! But remember that God never abandon you! He has called you by name! He chose you! That feeling will pass by but God will never pass by because He stays!"

May narinig siyang mahinang palakpakan sa likuran niya. Pati si Zion ay napangiti at sumigaw ng "Amen!"

"Kaya kapatid, bakit hindi natin i-acknowledge si God sa buhay natin? Tanggapin natin siya at papasukin sa mga puso natin. Hindi mahirap mabuhay kapag nandito si God sa mga puso natin. Magiging magaan ang pakiramdam dahil ang Diyos ang nagbibigay ng kagalakan at kasiglahan sa mga puso't isip. And that joy will forever in our hearts, amen?"

"Amen!"

"Please stand and let us feel the holy presence of our God. You may close your eyes or bow down."

Tumayo siya at napansin niya ang katahimikan. Pasimple siyang lumingon sa likod at nakitang nakayuko ang ilan. Binalik niya ang tingin sa harap at niyuko ang ulo.

"Father, we gathered here today to feel Your love towards us. This day will mark in our hearts and will open new doors for us in Your kingdom. We thank You for everything, little or big, we praise You. And we pray that we will become worthy to worship You. In the name of Jesus, our Lord and Savior, Amen."

Binalik ng preacher ang mic sa emcee at inihanda ng naka-assign sa south wing ang musika para sa praise jam.

"We are walking by faith and not by sight, amen?"

"Amen!"

"Now, let's lift a sound of praise!"

Nabigla siya nang sumigaw si Zion kasama ng iilang estudyante. Hindi na siya nakapagsalita nang umalingawngaw ang isang tugtog na pamilyar sa kaniya.

Tiningnan lang niya si Zion na tumalon-talon habang nakangiting kumakanta na may kasamang sigaw. May ilan din siyang nakitang ginagawa ang pagtalon at pagsigaw pero mas marami ang nanatiling nakatayo at walang kaimik-imik.

May nakita siyang nakangisi habang bini-videohan si Zion na tumalon-talon. May ilan namang humagikgik habang nakatingin sa mga estudyanteng masayang kumakanta.

"Tingnan mo si Sidine, nakatayo lang."

"Oo nga. Hindi siguro alam kung anong gagawin."

"Ngayon ko lang siya nakita rito, a."

"Ako rin."

Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa harap. Galing sa likod ang mga boses at kahit malakas ang tugtog, narinig pa rin niya. Siguro iyong mga estudyanteng nakatayo sa likod niya ang nagbulong-bulungan.

"Sumayaw na tayo, baka pagalitan tayo ng principal."

"Sige."

Nagitla siya nang biglang sumigaw at nakikanta ang mga estudyante sa likuran niya.

"Nothing is impossible!" sigaw nila.

Napansin niyang tumigil sa pagsayaw at pagtalon-talon si Zion. Bumaling siya rito at nakita niya kung paano ito pumikit at umusal ng panalangin.

"Patawarin niyo sila, Father in the name of Jesus." Nang magmulat ito ay tumingin ito sa gawi niya at bahagyang ngumiti.

Umikhim siya at nagsalita. "Bakit?"

Umiling lang ito at nag-iwas ng tingin. Inabangan niya ang muli nitong pagtalon at pagkanta pero nanatili itong nakatayo habang kumakanta't tumatalon ang ibang estudyante.

Hindi siya nakatiis. "Zion," tawag niya. Bumaling ito sa kaniya na nakangiti. "Ayaw mo nang sumayaw?" dagdag niya.

Nagbaba ito ng tingin at bahagyang tinapik ang balikat niya. "This place is full of prententious souls."

Nangunot na naman ang noo niya. Sa ilang araw niyang kasa-kasama ni Zion ay napansin na niyang mahilig ito sa malalalim na salita saka may mga salita itong hindi niya maintindihan.

"At ayaw mo nang sumayaw?" panigurado niya.

Napansin niya ang pagtagis ng bagang nito. "I'm sorry... I'm sorry..."

Paulit-ulit itong humingi ng tawad na hindi niya maintindihan kung para kanino. Hindi ito nakatingin sa kaniya at nakapikit habang nakaharap sa platform. Mukhang hindi na nga ito sasayaw at kakanta.

Natapos ang Praise Jam na may bigat sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit nalungkot siyang tumigil sa pagkanta at pagsayaw si Zion. Nakita niya rin ang guilt sa mga mata nito at gusto niya iyong maibsan, kahit kaunti man lang. Ito ang tumulong sa kaniya sa problema niya at gusto naman niyang tumulong dito.

Nagpalakpakan ang mga estudyante kaya nabaling ang tingin niya sa harap. Naningkit ang mga mata niya sa pamilyar na babaeng nakatayo sa platform. Nang tingnan niya ulit si Zion, nakayuko ito habang nakaupo sa damuhan.

"May tanong ako ngayon sa inyo mga kapatid. Bakit ayaw niyong kumanta at sumayaw para kay Jesus?"

Constant (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon