Habang nagaaral si chanyeol sa ibang bansa, nagtatrabaho naman si baekhyun para sa sarili niyang pambayad ng tuition fee niya sa university na pinapasukan niya. Nakuha siyang isang service crew sa coffee shop ng pagmamayari ng pamilya ni jongin. Taga gawa ng kape, taga lampaso ng sahig, taga punas ng lamesa. Pinakiusapan pa nga niya si jongin na kung pwede ay huwag na huwag niyang sasabihin ang kalagayan niya kay chanyeol na kung saan ay sinagot lamang siya ni jongin ng ngiti.
baka umuwi pa siya ng maaga dito.
Sinusulatan niya si chanyeol ng madalas, na sinusulatan naman ni chanyeol agad pabalik. Magsisimula sa Dear baekhyun, na magtatapos naman sa pinakapaborito ni baekhyun na Love, Chanyeol.
Tila ba naging parte na ng buhay ni baekhyun at chanyeol ang pagsusulatan sa isa't isa. Ngunit, sa pagkakataong ito, hindi na kailangang magtago ni chanyeol sa pangalang pcy.
"Waiter please-- baekhyun?" ang taas ng isang kilay na tanong ni sulli habang nakatingin kay baekhyun na nakasuot ng waiter uniform.
"Sulli.."
"Nagtatrabaho ka dito?" ang tanong ni sulli. Tumango naman si baekhyun bago ngumiti ng maliit.
"para sa pag aaral ko.." ang sabi ni baekhyun. "Coffee?"
"oh, yeah. May flight pa ako mamaya papuntang states so..."
"states? Actually, andon din si chanyeol para mag aral. Baka magkita kayong dalawa don." ang sabi ni baekhyun. Napataas lang ang dalawang kilay ni sulli bago ngumisi.
"Great."
-
Hindi mabubuo ang araw nila nang hindi sila nagkakausap. Mapa telepono man o mapa skype. Walang araw na hindi sila nagkakamustahan. Tatapusin nila ang video call ng simpleng i miss you, ingat ka diyan. At ito ang hindi magpapatulog pareho sakanila sa gabi. Walang katapusang pagiisip ni baekhyun ng kamusta na kaya siya? Wala naman siguro siyang babae don diba? Ako lang, syempre. Sa pagiisip palang ng siya lang ang mahal ni yeol, ay agad na siyang napapangiti ng todo todo. Tangina.
Ilang buwan na ang lumipas, at kuntento na silang dalawa sa simple pagkakamustahan at pagkukulitan sa harap ng screen. Mapasulat man, andon parin ang humor. Sinabi ni baekhyun na hindi siya magsasawang kamustahin at makipag kulitan ng makipagkulitan kay chanyeol ng magdamag. Kahit habang buhay pa...
"Mukhang may kailangang umamin." ang sabi ni sehun na katrabaho niya. Kinunutan lamang siya ni baekhyun habang pinipilit na itago ang ngiti. Ano ang aaminin niya?
"Honey, yung si chanyeol? Hindi mo sinasabi sakin kung sino siya.."
"Siya ba? Future boyfriend ko bakit?" ang tawa ni baekhyun at tumabi kay sehun. Habang tumatagal ay nakakalimutan na niya kung ano ba talaga ang tunay nilang relasyon ni chanyeol sa isat isa. Bestfriends.
"Bakit kaya hindi mo aminin sa kany ang totoo baek? Papano kung makahanap siya ng mas maganda sayo sa states? Alam mo na? Lalaki parin siya."
"Hindi niya magagawa yon, babalik siya sakin at may sasabihin.."
"na ano? na ikakasal na siya?"
"tang ina mo talaga, honey! Hindi." ang sipa ni baekhyun kay sehun na tinawanan lamang siya.
-
namimiss na kita... Ang bulong ni baekhyun sa sarili habang pinapanood si chanyeol na nag bababye sakanya. Habang siya, ito, ayaw pang mag offline. Hanggang kailan kita makikitang nagbababye sakin? Yeol?
BINABASA MO ANG
Dear Baekhyun,
Hayran KurguEverything that falls gets broken, and one of them is chanyeol's heart.