Chapter 5: Five Men One Down
Natulala si Shynne sa papel. Hindi niya siguro naintindihan, maski ako. It's a code but I can't identify what kind of code it is.
"Hindi mo ba alam 'to, Vida? Baka naituro mo na 'to sa'min ni Khyziah kaso baka nalimutan ko lang." Ani Shynne pero napailing lang ako.
Iniisip ko talaga kung nakita ko na ba ang ganyang code. Wala rin kaming dalang cellphone dahil 'di kami nagdadala nito kapag lunch time at iniiwan lang namin sa room. And then I remembered, "Binary Code. I've read this code in Project Loki's book. Tara sa library."
Wala na kaming pinalampas na oras at tumakbo agad patungong library dahil iyon ang pinakamalapit kung nasaan kami. Konti lang ang tao marahil nasa cafeteria pa at nagla-lunch. Dali-dali naming ni-research sa google ang Binary code alphabet. Nang lumabas ang resulta ay hinanap namin ang magkaparehang numero sa papel at sa nabasa. Matapos isulat ang hinahanap naming character ay naguluhan ako sa lumabas.
01000110 - F
01001001 - I
01010110 - V
01000101 - E
01001101 - M
01000101 - E
01001110 - N
01001111 - O
01001110 - N
01000101 - E
01000100 - D
01001111 - O
01010111 - W
01001110 - N"Five men, one down?" Basa ni Shynne sa papel.
Tila napaisip rin ako sa nakasulat. Ano ang ibig sabihin nito, inalala ko ang mukha ng babae at 'di malabong siya ang gumawa non pero kailangan ng matibay na ebidensya. At kung siya man, bakit niya pinatay si Jam?
"Siguro si Jam ang taong tinutukoy niya sa 'one down'. Pero kung ganoon man bakit niya ginawa yon?" Naguguluhang tanong ni Shynne
"Hindi ko alam Shynne, kung ano man ang motibo sa pagpatay niya kay Jam ay dapat nating imbestigahan at kung limang tao ang pakay niya at napatumba na ang isa, sino-sino naman ang apat na iyon."
"Magsumbong tayo sa pulis sa nakita natin Vida, pwede nila itong gawing ebidensya kung sakali mang si Jam nga ang tinutukoy nito."
"Ako na ang bahala, ibibigay ko 'to kay Detective Tori." Tumango nalang si Shynne at itinago ko sa bag ang laruan at papel.
Napagdesisyonan naming pumunta sa cafeteria para mag-lunch, pagkarating namin ay nandoon si Khyziah sa pwesto. Nginitian ko lang siya at pumunta na kaming tatlo sa counter. Pagkaupo ay akala ko magiging tahimik lang kami pero alam ko namang 'di mapipigilan ang mga bunganga ng mga ito na sumatsat.
"Hindi ako makapaniwala sa nangyari kay Jam." Pangunguna ni Khyziah
"Ako nga rin eh, kawawa si Shan kase siya yung napagbintangan. Alam naman nating lahat na matalik na magkakaibigan silang dalawa. Sa buong grupo nila, sila ang pinaka-close kaya't di niya magagawa 'yon." Sabat ni Shynne pero napatigil ako sa pagkain at nilingon siya. "Bakit Vida?"
"Ilan nga ulit sila sa grupo? Sina S-shan?" Nauutal kong tanong nang binanggit ang pangalan ni Shan.
"At bakit? Interesado ka kay Shan, 'no? Ayan na nga ang sinasabi ko eh, siya----aray" hindi niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil binatokan ko siya.
"Abnoy! Tungkol 'to sa nangyari, kung lima silang magkakaibigan," Putol ko sa sinasabi at nagpalinga-linga sa paligid kung may makakarinig pero busy ang ibang mga tao sa kanilang ginagawa kaya't itinuloy ko. "baka sila 'yong tinutukoy doon sa papel" Nag-iingat kong inilabas ang papel at baka madaplisan ko ang laruan.
Tila natauhan si Shynne. "Ay kingina, oo nga, 'no?"
Naguguluhang palipat-lipat ng tingin sa'min si Khyziah at naintindihan naman iyon ni Shynne kaya't kinwento niya ang nangyari kanina.
"Kingina talaga. Sino naman yung babae?" Puno ng kyuryusidad na tanong ni Khyz
"Iyon ang hindi namin alam, actually 'di ko siya nakita. Si Vida lang ang nakakita,"

BINABASA MO ANG
Detective Spades
Novela JuvenilAn ordinary girl with an ordinary dream, but upon reading the famous "Sherlock Holmes" book series of Sir Arthur Conan Doyle changes her dream into a detective. Started: November 2019