II

479 24 11
                                    

Chapter 2: An Unexpected Happening

Nakauwi na ako sa bahay at ang nakabusangot na mukha ni kuya ang sumalubong sa'kin sa pintuan.

"Anong pagmumukha yan Kuya? Ang pangit mo." Hindi nya ako sinagot at inismiran lang. Ano kayang problema non? Di bale na nga. Nilingon ko sya ulit na tuluyan nang nakalabas ng bahay.

Pagkapasok ko ay nandoon si Khyziah at ate sa kusina. Nauna pa talaga sa'kin 'tong babaeng 'to, sabik talaga sa codes. Mukhang nakatuon sila sa kanilang ginagawa dahil hindi nila namalayan ang presensya ko. May mga papel na nakakalat at tila ba litong-lito sila sa kung ano mang nakasulat dito. Pagkalapit ko ay nakita ko ang Polybius code sa papel. Ngayon ko lang naalala na ginawa ko pala yan kagabi at inilock ang mga aparador ng mga pagkain at lalo na ang ref. Kaya pala ganon ang mukha ni Kuya, gutom ata at di nakakuha ng pagkain.

Tinapik ko si ate pero di siya tumingin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Tinapik ko rin si Khyziah at ganon lang din ang ginawa. Nang hindi parin sila lumilingon ay hinampas ko silang dalawa nang magkasabay.

"Ano?!" Sabay nilang sabi at tuluyan nang tumingin sa'kin. Napasimangot sila ng makita ako, at ibinalik ulit ang tingin sa papel.

"Paano ba kase 'tong code na 'to Vida?" tanong ni Khyziah

"Tinuro ko na kaya yan sa inyo ni Shynne." sagot ko naman

"Eh sa nalimutan ko eh. Paano ba ito? Gutom na kami eh. Kakaalis lang ng Kuya mo para bumili ng pizza. Napilitan pa nga, kung di lang daw sya gutom. Lagot ka talaga." Tila nagpapa-guilty nya pang saad.

"Teka, magbibihis muna ako at nang makakain na kayo haha." Umakyat na ako patungo sa kwarto ko at agaran ang ginawang pagbihis, baka kase uuwi sina mama at papa ngayon dahil weekend na bukas, kaya kailangan ko nang mabuksan ang mga aparador. Pagkatapos ko ay bumaba na ako at pumanhik sa kusina.

"Akin na nga yan. It's so easy." Sinulat ko sa papel ang sagot at ipinakita sa kanila.

"The key is in the vase beside the oven." Basa ni ate sa sagot. "Paano naging ganito, eh puro number naman yan?" napatanong pa tila ba litong-lito sa naging sagot at ipinakita sa'kin ang ginawa kong code.

44 23 15 25 15 54 24 43 24 33 44 23 15 51 11 43 15 12 15 43 24 14 15 44 23 15 34 51 15 33

"Polybius Square Cipher. Using this table, anyone can convert letters into numbers. This table can be randomized and given to the recipient to create a less secure degree of encryption. The letters i and j are frequently combined in order to fill the 25 spaces made in the table with all 26 letters of the alphabet. Katulad nito" sabi ko sabay pakita sa isinulat ko

   1   2    3   4   5
1 A  B   C   D   E
2 F  G   H  I/J  K
3 L  M  N  O   P
4 Q  R   S   T   U
5 V  W  X  Y   Z

"You must locate the letter that intersects the designated row and column in order to decipher it, naintindihan n'yo na ba?" Tanong ko saka tumingin sa kanila at nabigla ako dahil kumakain na pala sila. Binuksan nila ang ref nang di ko namamalayan dahil sa pag-e-explain ko. Nakatangong ngumisi sila sa'kin at napabusangot nalang ako. Kumain na rin ako ng kinakain nila na moist cake.

Nagku-kwentuhan kami nang dumating si Kuya kasama si Shynne.

"Ay ang dadaya ninyo, kumakain na kayo nang di pa ako dumadating." Nagtatampong saad ni Shynne

"Nagutom kase kami sa pag-decipher ng code na ito eh" sagot ni ate at ipinakita ang papel.

"Ay nakakatampo talaga, nagsimula na kayo na wala pa ako"

Detective SpadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon