Chapter 9: Villain's Act
Naririnig ko ang bulungan ng mga tao, halatang nagugulat at nagtataka sa nangyayari. Kalauna'y unti-unting bumalik ang ilaw at lahat ay napatingin sa gitna at nagsitakbuhan papunta rito. Hindi ko na masyadong kita kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon kaya nilapitan ko ito.
Isang pamilyar na babae ang nakaupo sa sahig, tila wala sa sarili at bakas ang takot. Agad itong dinaluhan ni Detective Tori.
"Miss, anong nangyari?" Tanong ng detective
"Di--di ko po alam, bigla nalang pong may humatak sa'kin at.....at pagkapatay ng ilaw ay dinala ako rito, rito sa gitna." Nauutal na sagot ng waitress, halatang takot.
"Are you hurt? Sinaktan ka ba nila?" I asked. Hoping to see its face clearer pero nakayuko lang ito.
"Hindi po. Kinaladkad lang talaga nila ako patungo rito." Sagot nito
Weird and familiar.
Tumango nalang si Detective. Tinawag ko ang mga kasamahan nitong waiters para ilipat ito sa may gilid at pagpahingahin. Nagsalita si daddy sa gitna ukol sa nangyari at humingi ng tawad. Akala namin okay na ang lahat kaso pagbalik namin sa table nina Shynne ay ayon si Chesther at walang malay. Dinaluhan ko agad ito at chi-neck kung humihinga pa ba ito, kaso wala na.
Nilingon ko si Detective at napailing nalang. Tumawag sya ng ambulansya at pagkatapos ay sa mga kasamahan niya. Hinanap ng mga mata ko si Shan, wondering what could be his reaction. He's with his two other friends, they look mad, and at the same time, sad.
"The villain didn't wait for the party to be over and act according to what they intended to do. I forbid anyone to get out of this hall. Someone was murdered, and the culprit could possibly be one of us."
Agad na sinimulan namin ni Detective ang pag-iimbestiga habang hinihintay ang pagdating ng ambulansya at mga pulis. We found nothing on Chesther's body, no wound, or any blood stains, so I presume it's a poison case. Tsi-neck ko ang mga gamit, pagkain at inumin ni Chesther sa mesa, kinompara ko ito sa'min, at ang glass ang may pagkakaiba. May napansin din akong maliit na papel na inipit sa plato nito kaya kinuha ko ito at itinago muna.
"It seems like a cyanide poisoning Detective, check his glass, it has a smell of almond. Something that's different than ours." Sabi ko nang magkaharap kami ni detective. Mayamaya'y dumating na ang ambulansya at kinuha ang katawan ni Chesther, dumating na rin ang mga kasamahan ng detective at sinimulan din ang pag-iimbestiga. Binigay sa kanila ng detective ang baso'ng ginamit ng biktima.
"Please do an autopsy with the body." Pahabol nito
Minutes later, they confirmed that it's indeed a cyanide poison. May almond sa baso, probably it was mixed with the wine. But we still have to wait longer for the autopsy result. Pinatawag ni Detective Tori ang lahat ng waiters at food staffs dahil sila lang ang naghahanda nito. But we can't just ignore the guests because it could also be one of them, kase kay Chesther lang ang may poison. Nasa harapan na namin lahat ang waiters pero, hindi ko nakita ang babaeng nasa gitna kanina. Tiningnan ko yung gilid sa kung saan siya pinaupo, pero wala na siya do'n.
I checked the paper and read what's written on it.
"Five men, two down"
Kingina naman! Sabi na eh. Kaya pala ang weird. Set up lang 'yong ginawa kanina. Their real target is Chester and the woman dragged in the middle is probably the one who killed Jam. That's why she looked familiar.
Shet! Bakit hindi ko ba siya nakilala agad, at bakit ngayon talaga nila ginawa kung kailan magsasaya sana kami. Why now? And what does it have to do with me?

BINABASA MO ANG
Detective Spades
Ficção AdolescenteAn ordinary girl with an ordinary dream, but upon reading the famous "Sherlock Holmes" book series of Sir Arthur Conan Doyle changes her dream into a detective. Started: November 2019