Chapter 4: Jam's Case
Matapos mangyari iyong insidente ay maraming pumapansin sakin sa school, dahil ang iba pa lang nakikiusisa no'ng pangyayaring iyon ay mga schoolmates ko. Marahil sila ang nagkalat kaya marami ang bumabati sa'kin.
Nang tuluyan na akong nakapasok sa room ay parang aso'ng nauulol na nakangisi si Shynne sa'kin.
"Woy, para kang tanga! Tigilan mo nga yang pagngisi mo riyan." diretso kong sabi sa kanya pagkaupo ko
"Narinig ko yung usap-usapan Vida."
"Malamang, chismosa ka eh paano ba namang hindi, duh" sagot ko sa kanya kaya napasimangot tuloy sya, pero bumalik agad ang pagkalaking ngisi.
"Ano? Paano mo ginawa 'yon? Paano mo na-solve yung kaso? Alam mo bang manghang-mangha ako matapos kung marinig 'yon sa mga kaklase natin. Nakita ka raw nila no'ng nasa mall ka at ginawa 'yon. At 'yong isa sinabi rin na hindi lang daw 'yon yung kauna-unahan mong ginawa kase mismong sa village n'yo ay na-solve mo rin ang kaso. Iyon ba yung time na nagpunta kami ni Khyziah? Ha? Vida? Ha?" Kita sa mukha nya ang pagkamangha nang sinasabi niya yan. Walang tigil ang bibig ng babaeng 'to. Kaya tumango nalang ako bilang tugon.
Natahimik sya parang nag-iisip pero kalauna'y tumingin na naman sakin at ngumisi, "paano mo nga nagawa, Vida?"
Hays. Eto na naman po sya. "Hindi ko alam, okay? Basta ko lang naiintindihan yung pangyayari at di ko rin alam na magiging tama pala ang mga deductions ko."
"Baka may powers ka Vida, di ka lang nagsasabi sa'kin ah." Napabuntong hininga nalang ako matapos nyang sabihin 'yon.
Dumating na ang propesor kaya't hindi na sya nangulit. Matapos ang diskusyon ay bumaba kami para mag-snack. Pagkarating namin sa cafeteria ay nandoon na si Khyziah sa usual spot namin. Nakangisi ng pagkalaki-laki, napailing nalang ako dahil alam kong tungkol na naman iyan sa narinig.
"Hi Vida my friend na sobrang sikat na dahil sa pagiging detective. Ano? How did you feel matapos the pangyayari? Matapos the case was solved? And then pinapansin ka ng mga people here? Ha?" Pagbati sa'kin ni Khyziah pagkalapit namin sa kanya. Tatawa-tawa naman si Shynne dahil alam niyang mangungulit rin eto. Sa aming magkakaibigan, ako lang rin yata ang matino, hays.
Hindi ko sya sinagot at nginitian nalang. Pumila ako sa counter para makabili ng pagkain. Agad namang sumunod ang dalawa.
"Kita mo 'tong babaeng 'to, naging sikat lang hindi na namamansin. Ano, ha? Ngiti-ngitian ka lang diyan. Batukan kita eh." Hindi talaga mapigil ang bibig ng babaeng 'to kaya hinarap ko sya.
"Itanong mo kay Shynne kung paano ko nagawa Khyz." Saktong matapos ang nauna sa'kin ay pumili na agad ako ng pagkain at pagkatapos bumalik na sa mesa.
Maingay na umupo ang dalawa at 'di pa rin tapos sa pag-uusisa tungkol sa nangyari. Nakakarindi pero 'di ko magawang magalit, ang saya nilang tingnan na nagbabangayan kaya napatawa ako. Tumingin silang dalawa sa'kin at parehong magkasalubong ang mga kilay.
"Anong tinatawa mo riyan Vida?" Tanong nilang pareho kaya napatawa ulit ako.
"Para kayong tanga. Kumain na nga kayo." Wala na silang nagawa at kumain na. Pagkatapos ay bumalik kami ni Shynne sa room namin at ganon na rin si Khyziah.
Natapos ang lahat ng klase sa araw na 'yon at umuwi na ako.
----Kinabukasan, habang naglalakad ako patungong room ay di sadyang nagkabanggaan kami no'ng kaklase ni Khyziah na si Shan Lopez. Walang nalaglag na gamit kase pareho kaming bag lang ang dala, tsk. Humingi sya ng paumanhin at nginitian ko lang tyaka tuluyang umalis.

BINABASA MO ANG
Detective Spades
Fiksi RemajaAn ordinary girl with an ordinary dream, but upon reading the famous "Sherlock Holmes" book series of Sir Arthur Conan Doyle changes her dream into a detective. Started: November 2019