Chapter 8: Debut Party
Madaling araw akong nagising ngayon dahil sa ingay ni ate. Padabog niyang kinakatok ang pinto ko at nagsisigaw mula sa labas ng aking kwarto. Sinamaan ko siya ng tingin nang pagbuksan ko ito pero imbes na manita ay ngumisi lang ito ng pagkalaki-laki.
"Anong kailangan mo at alas kwatro y medya pa nambubulabog ka na? Inaantok pa ako eh." Reklamo ko
"Aalis ako sis, sasama ako kina mama at papa sa medical mission nila sa Ormoc. And I'll be gone for five days, kaya ginising kita para makita mo ang maganda kong face dahil 'di mo ito makikita ng ilang araw. Hug mo na si ate, dali!"
Di na ako umangal nang hatakin niya ako at yakapin.
"Mag-ingat kayo" huling sabi ko sa kanya matapos niyang kalasin ang yakap.
"Of course naman siszt. Tyaka pagpaplanuhan pa natin yang debut mo pagbalik namin, okay? Wag ka nang umangal." Nginitian ako nito at tuluyan nang lumabas.
Bumalik ako sa paghiga at sinubukang matulog ulit.
"Holy shit!"
Napabangon agad ako dahil sa tubig na naramdaman ko sa mukha. Narinig ko ang tawa ni Kuya kaya tiningnan ko ito ng masama.
"Anong problema? Ba't mo ako sinabuyan ng tubig?!" Inis kong tanong sa kanya
"Eh kase po, alas otso na pero 'di ka parin bumabangon. Ano? Walang pasok? Ha?"
Napatingin agad ako sa orasan at alas otso na nga. Bwisit!
"Lumabas ka na, mag-aayos na ako."
"Ay wow, thank you ng marami, madam!" Sarkastikong sagot nya kaya tumawa lang ako.
Pagkatapos kong mag-ayos ay dali-dali akong umalis, di na ako nag-abalang kumain pa dahil late na talaga ako.
Hinihingal akong dumating sa tapat ng room. Napahawak pa ako sa mga tuhod ko dahil sa sobrang pagod. At sigurado akong haggard na ako ngayon kaya inayos ko muna ang sarili bago kumatok.
"Good morning, Miss." I smiled as I greet our Philosophy teacher.
"Come in. First warning" she then continue discussing as I took my sit.
"Bakit ka late?" Tanong ni Shynne habang naglalakad kami patungong cafeteria matapos ang unang subject. Gutom na gutom na ako kaya breakfast set ang in-order ko pagkarating namin.
"Hindi ka kumain sa inyo?"
"Teka, pakainin mo muna ako. Gutom na talaga ako eh."
Napasimangot naman siya at kumain na rin ng binili niya.
"Thanks God." I said as I burped after eating my meal.
"O, bakit ka nga late?"
"Matagal akong nagising."
"Bago sa'kin yan ah haha. Bakit, anong pinagpuyatan mo?" Ngumisi pa siya nang nakakaloka
"Jowa." I sarcastically smiled and left her to proceed to the classroom.
"Hoy anong jowa? Sinong jowa? Wala ka ngang crush eh."
Umupo sya sa tabi ko at kinalabit dahil sa kuryusidad.
"A code you need to decipher."
Natapos ang araw na 'di ako tinantanan ni Shynne. Nasa parking lot kami habang naghihintay sa mga sundo nang dumating si Khyziah.
"Hoy Vida! Sinong jowa mo?" Nakangising tanong niya pagkalapit sa'min.
"Wala. Alam niyo ang dali n'yong mauto. Wala nga maski crush, jowa pa kaya. Diyan na nga kayo." Tinawanan ko lang sila at sumakay agad sa kotse pagkahinto nito sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Detective Spades
Teen FictionAn ordinary girl with an ordinary dream, but upon reading the famous "Sherlock Holmes" book series of Sir Arthur Conan Doyle changes her dream into a detective. Started: November 2019