Chapter 7: Black Envelope
Dumaan ang mga araw at wala pa rin kaming nakitang katotohanang motibo sa pagpatay kay Jam at sa mga araw na 'yon ay hindi pa rin nabawasan ang magkakaibigan, hindi sa hinihiling kong mangyayari pa iyon kundi nakakapagtaka lang. Kaya hindi ko na muna inintindi ang kaso at nagpokus sa pag-aaral.
Ngayon ay araw ng linggo at nandito sina mama at papa. Ngayong araw rin na ito ay birthday ko at imbes na bumaba at magsaya kasama sila ay heto ako, nakahiga pa rin at nagbabasa simula pagkagising ko.
Enjoy na enjoy ako sa pagbabasa at hindi na namalayan ang paglipas ng oras. Pero nakakapagtakang hindi pa rin ako inakyat dito at ginising. Nang matapos ko ang isang chapter ay napag-isipan ko nang bumaba dahil nakaramdam na ako ng gutom. Naghanap na muna ako ng masusuot at inilagay ito sa kama, tyaka naligo. Pagkatapos kong magbihis, bubuksan ko na sana ang pintuan kaso may itim na sobre sa sahig. Pinulot ko ito at nagtaka sa nakasulat.
"The most common place crime is often the most mysterious, because it presents no new or special features from which deductions may be drawn." -Sir Arthur Conan Doyle
(60, 'A Study in Scarlet)
Inintindi ko itong mabuti at nagulat ako. Dali-dali akong pumunta sa kama at kinuha ang aklat na Sherlock Holmes. Binuklat ko ang page 60 at may itim na sobre na namang nakakubli rito.
Kinakabahan ako habang binabasa ang nakasulat. Kaya pala hindi nila ako ginising kase nawawala sila at kung sino man ang gumawa nito ay kingina talaga. Birthday ko pa naman peste. Napatakbo agad ako sa garahe, at inaasahan kong nandito si Manong Nicholas upang ipagmaneho ako, pero baka kasama siya sa pagkawala. No choice kundi ako talaga ang magmamaneho, tutal eighteen na ako ngayong araw na 'to. Matagal na rin akong tinuturuan ni papa at kuya na magmaneho ng kotse. Agaran ang pagpunta ko sa lugar na nakasulat at habang nagmamaneho ay biglang nag-flashback ang mga masasayang alaala na kasama ko ang pamilya ko.
I shook the negatives thoughts away and as I've seen the black envelope, I really felt annoyed and bothered.
"If you're really a great detective, find your family and you'll get your prize or else they'll be gone FOREVER. See you!"
Kung babasahin lang natin, walang lugar ang nakasulat pero kung iintindihing mabuti, nakasulat sa malalaking letra ang salitang 'forever' at kapag bibilangin ang mga salita, dalawampu't isa ito kaya dumeretso ako sa malapit na mall at pumunta agad sa Forever 21.
Sobrang daming tao at kinakabahan na ako. Kung kailan nagmamadali ako saka naman dumadagsa ang mga tao. Ayokong mawala ang pamilya ko sa mismong birthday ko. Tumakbo ako upang pumasok pero pinigilan ako ng isang staff.
"Miss papasukin mo ako, kailangan ako ng pamilya ko." Pakikiusap ko sa humarang sa'kin. Umiling lang ito at inabutan ako ng sobreng itim. Kinginang sobre'ng 'to. Tinanggap ko ito at nagpasalamat.

BINABASA MO ANG
Detective Spades
Novela JuvenilAn ordinary girl with an ordinary dream, but upon reading the famous "Sherlock Holmes" book series of Sir Arthur Conan Doyle changes her dream into a detective. Started: November 2019