III

365 23 23
                                    

Chapter 3: Second Case Closed

Maaga akong gumising at dali-daling naligo at nagbihis upang bumaba. At tulad ng inaasahan ko, nasa kusina sina mama at papa. Kapag umuuwi sila, sila ang naghahanda ng agahan namin at ang tatlong katulong namin ay pinag-day off nila dahil andyan naman daw sila. Palaging wala sila kapag weekdays dahil sa trabaho nila. They're both a med graduates and meron silang clinic at pharmacy na iba naman ang namamahala dahil mas gusto nilang sumasama sa mga medical missions. Ang saya nilang tingnan, di matanggal ang mga ngiti sa kanilang mga labi, kita mong mahal talaga nila ang isa't isa.

Tumikhim ako upang makuha ang pansin nila at kalauna'y tumingin sila sa'kin at ngumiti ng malawak. "Good morning, anak." Sabay nilang bati sa'kin.

Ngumiti ako tyaka lumapit sa kanila at yumakap. "I miss you, both,"  saad ko sa kanila. Una akong bumitaw sa pagyakap at tiningnan si mama. "Ano po ang niluluto n'yo ngayon, Ma?"

Ipinakita niya sa'kin ang bacon and ham, may toasted bread at nutella rin. "Iyan nalang muna anak kase konti nalang pala yung pagkain n'yo rito. Mamaya mag-sho-shopping tayong lahat, pagkatapos ng agahan." Sagot ni mama. Napangiti ako at tumango. Nang matapos sina mama sa ginagawa ay tinawag ko na sina ate at kuya upang kumain. Nang makababa sila ay bumati sila sa'min isa-isa at umupo na para kumain.

"Kumusta naman kayo dito mga anak? Wala naman kayong problema sa mga gagastusin? May mga allowance pa ba kayo?" Tanong ni papa at tiningnan kami isa-isa.

"I still have enough money for next week Pa, and maybe Valentin, too. Wala rin naman kase kaming gagastusin masyado ni Valentin kase hindi naman kami nag-aaral. Ewan ko lang kay Vida", tumingin siya sa'kin tila nagsasabing ako naman ang sumagot.

"Meron pa naman po akong pera Pa. Hindi rin kase ako masyadong gumagastos ng hindi importante eh." napangiti si papa sa sagot ko

"That's good to hear. Pero wag n'yo naman masyadong tinitipid sarili ninyo ha? Bibigyan naman namin kayo ng mama mo ng pera kung sakaling wala na kayong magamit. And Varun at Valentin, you still don't want to work? Baka gusto ninyong sumasama sa'min minsan?" tanong ni papa sa dalawa

"I still don't have plans yet Pa, maybe a month from now maghahanap na ako. And 'yong tungkol sa sinabi mong pagsama sa inyo ni mama, baka hindi po kase ayoko sa mga ganyan eh, mas gugustuhin ko lang pong magtrabaho sa hospital kesa mag-ta-travel pa." Sagot ni Kuya

"As for me naman Pa, mag-e-enjoy na muna ako bago sumabak sa pagka-stress haha. Baka pag maghahanap na ng trabaho si kuya ay maghahanap na rin ako. And gusto kong sumama sa inyo minsan kapag wala akong gagawin. I-text n'yo lang ako kapag saang lugar kayo banda para pupunta ako." sagot ni ate at nagpatuloy sa pagkain.

"Kung ano ang gusto ninyo ay susuportahan namin kayo, tutal nakatapos narin naman kayo ng may degree. Basta sabihan n'yo lang kami pag may kailangan kayo." Ani papa at ngumiti naman kaming tatlo. Both kuya and ate graduated medicine course, ako lang yata ang lilihis ng daan. Nagpatuloy kami sa pagkain at mayamaya'y nagsalita si papa. "O sya, magsiayos na kayo dahil magsho-shopping daw tayo sabi ng mama n'yo." Tumayo naman kaming tatlo at kanya-kanyang pumunta sa mga kwarto.

Tutal tapos na akong maligo kanina ay nag-toothbrush nalang ako. Pagkatapos ay naghanap ng maisusuot sa closet. Nang mahanap ko na ay nagbihis na ako. I chose to wear a boyfriend pants paired with a crop top hoodie. I blow dried my hair and tied the upper part at hinayaan ng nakabagsak ang bangs. Nagsuot na rin ako ng sneakers at pagkatapos ay bumaba na. Naabutan ko sa sala sina mama, papa at kuya. Hindi na ako magtataka kung bakit wala pa si ate, matagal yung magbihis at kailangan talagang sobrang ganda niya pag may lakad.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago bumaba si ate. Napakasimple ng damit pero ang ganda talaga. "Mommy, daddy, sorry if natagalan ako. I just want to make sure na maganda ako eh hihi", natatawang napailing nalang sina mama at napairap naman kami ni kuya. "Let's go?" Siya na nga yung hinintay, siya pa ang unang lumabas. Pagkalabas namin ay sumakay na agad kami sa van at umalis na patungo sa mall.

Detective SpadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon