Chapter 6: Jam's Case (Part II)
Pagkarating ko sa bahay, naabutan ko sa sala sina kuya at ate na mukhang sobrang busy sa kanilang mga cellphone. Nilapitan ko ito at nakitang naglalaro pala ng ML.
"Varun, kingina ka wag ako pagdiskitahan mo. Mamamatay na ako, gago ka!" Pero tumawa lang si kuya
"Woy laro 'to siszt, walang kapatid-kapatid. Magkalaban tayo hahaha." Yuck ang bading pakinggan ng siszt ah.
Napasimangot si ate dahil namatay ang hero niya. Babatukan niya sana si kuya kaso nagsalita na ako.
"Pag laro, laro lang walang seryosohan Valentin tsk tsk"
"Woy! Anong Valentin, ha? Ha? Ha?"
"Hakdog!" Sasagot pa sana siya kaso nabuhay na muli yung hero niya kaya nagseryoso ulit. Iniwanan ko na sila at nagpunta sa kusina at nakita ko si Manang Denden nagluluto na para dinner.
"Magandang hapon ho, Manang" bati ko sa kanya at napaigtad naman siya sa gulat. Dahil nakatalikod siya sa'kin ay 'di niya ako napansin at magugulatin talaga ito.
"Hesos maryosep! Wag ka namang manggulat inday." Sabi niya na napahawak pa sa dibdib niya at natawa naman ako.
"Magugulatin ka lang po talaga Manang haha. Ano ho'ng niluluto niyo?"
"Paborito mo inday, adobong manok."
Natuwa naman ako. "Ganadong-ganado akong kakain nito mamaya Manang. Aakyat ho muna ako para makapagbihis na."
"Sige inday."
Gusto ko talaga kapag tinatawag niya ako ng Inday. Galing Cebu si Manang pero may pamilya rin siya na taga rito rin at doon siya umuuwi kapag weekends. Matagal ng nanilbihan sa'min si Manang simula noong mga bata pa kami kung kaya't sobrang close kami. Pagkatapos kong mag-half bath at magbihis ay kinuha ko ang libro na babasahin at bumaba. Naroon parin sina ate at kuya na hindi pa tapos.
"Woy ang we-weak n'yoo naman. Hindi pa yan tapos?" Pang-aasar ko sa kanila at naupo sa pang-isahang sofa at ipinatong ang dalawang paa sa armrest nito na parang nakahiga at nagbasa na.
"Tumigil ka riyan Vida." Asik ni ate, nilingon ko ito at napasimangot na naman, talo na naman 'to, tss. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa pagbabasa.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpunta si Manang sa sala upang tawagin kami para kumain. It's still 6:00 pero kakain na kami. We were used to eat early, at kapag natagalan ay sumasakit yung tiyan ko. Hindi sanay kung matagal akong kumain.
Nagsimula na kaming kumain at 'di nagtagal ay natapos din. Umakyat na ako sa kwarto tyaka nagsipilyo. Nagsimula ulit akong magbasa at kalauna'y natulog na.
-----
Another day, another life. Bumangon agad ako matapos tumunog ang aking alarm clock. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na at nakahanda na ang pagkain sa mesa.
"Good morning, Manang" bati ko kay Manang na nakaupo sa mesa at nakapikit ang mata, nag-hu-hum pa. Napatayo naman agad ito.
"Patayin kita eh." Nagulat ako sa sinabi niya, maski siya ay nagulat at ngumiti nang nahihiya. "Ikaw pala Inday, maayo'ng buntag! Pasensya na, nagulat lang ako."
"Sorry ho, nagulat ko kayo." Nabigla talaga ako sa nasabi ni Manang. Baka dahil sa pagbati ko lang talaga iyon at alam kong magugulatin talaga siya. "Kain po tayo, Manang"
"Sige lang, Inday, sabay lang kami nina Rosa at Carmel matapos mong kumain." Ngumiti siya kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain pero nararamdaman kong nakatitig siya kaya nilingon ko ito. Pero umiwas siya ng tingin. "Maiwan na muna kita Inday ha at may aasikasuhin pa ako. Iwanan mo nalang iyan diyan kung tapos ka na. Mag-iingat ka sa pag-alis mo at aral ng mabuti." Ngumiti lang ako bilang tugon at tumango.
BINABASA MO ANG
Detective Spades
Teen FictionAn ordinary girl with an ordinary dream, but upon reading the famous "Sherlock Holmes" book series of Sir Arthur Conan Doyle changes her dream into a detective. Started: November 2019
