Chapter 1: Psychology Class
"Vida Spades closed the case, for real?!"
"She's still eighteen but she did it? Omg! Ang astig naman."
"Grabe, di talaga ako makapaniwala pare! Pag ako naging jowa non, dapat loyal talaga ako kundi lagot ako kase malalaman at malalaman nya rin kung magloloko ako."
Hearing those words habang kumakain ako sa cafeteria ay nakapagpangisi sa'kin. Hindi ba nila alam na naririnig ko sila? Pero sabagay, minsan lang 'to. Being the topic and somehow praised because of what I did make me blush. I admit I don't like popularity, but in this case, it's a good feeling.
Even I, didn't expect that it would turn out right.
"Binibini!"
Isang sigaw na nakapagbalik sa'kin sa reyalidad. Nilingon ko ito at nalamang si Art pala, ang pinaka-hambog kong kaklase.
"Been calling you for three times already, daydreaming huh?" He said with a playful smile.
Di na ako nag-atubiling magsalita pa bagama't nginitian ko lang sya ng peke at nagpatuloy sa paglalakad at iniwan ito. Hindi ako snob, sadyang hindi ko lang talaga gustong kinakausap niya ako. Ayoko sa kahambogan niya.
"Good morning Vida", bati sa'kin ng Librarian na si Miss Thorne pagkapasok ko sa Library. Naging tambayan ko na kase dito pag may free time ako kung kaya'y alam na niya ang pangalan ko. Nginitian ko lang siya at dumeretso na sa paborito kong pwesto na kung saan ay nasa pinakadulo malapit sa bintana. Ilang metro din ang layo sa CR. Hindi naman mabaho kase may air condition naman at mabango rin yung mga CR namin dito. Gusto ko dito kase nakikita ko ang kabuoan ng field, kung saan doon din maglalaro ng soccer. Gusto ko rin kase ang soccer kaso di na ako sumali pa dahil sa isang rason.
Binuklat ko na ang dala kong libro at nagsimula ng magbasa. Ewan ko ba pero naaadik ako sa mga nobela ni Sir Arthur Conan Doyle. Pinag-aralan ko talaga ang paggawa ng mga codes. Minsan nga sa bahay ginagawan ko sina Kuya Varun at ate Valentin ng mga codes. May isang araw na nagalit ng sobra sa'kin si Kuya kase ini-lock ko sya sa kwarto dahil may date sya kasama si Asley. Di ko gusto ang babaeng 'yon dahil palagi ko siyang nakikita dito sa campus na may iba't ibang lalaki na kasama. Masyado syang flirt kaya ayoko sa kanya para kay kuya.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong nag-vibrate. Isang text mula sa kaibigan.
From: Shynne

BINABASA MO ANG
Detective Spades
Fiksi RemajaAn ordinary girl with an ordinary dream, but upon reading the famous "Sherlock Holmes" book series of Sir Arthur Conan Doyle changes her dream into a detective. Started: November 2019