Chapter 5

88 0 2
                                    


Meisha's POV
Saturday came like a whirlwind and shit kapag naiisip ko na makakasama ko ang mokong na yun e kinakabahan talaga ako. Jusko!

Inayos ko ang ang buhok kong naka bun, at nilagyan ng kaunting nakalaylay sa gilid. I wore a simple high highwaist short and a button down shirt. Paired with my sneakers. Pagkatapos kong tignan ang sarili ko sa salamin ay kinuha ko na lahat ng gamit ko at gumayak na papuntang mansyon. Pag dating ko doon ay nag sisisakayan na ang lahat ng team ng pamilya na kasama sa medical mission na to. Kaya dali2 akong pumunta sa van pra makahabol. Ng malapit na ko ay. Sinarado na nila lang pinto.

Kumatok ako sa pintuan ng sasakyan.
"Huy! Buksan nyo to. Sasakay ako"

Binuksan ng isang kasama namin yung bintana.
"Hala si Meisha! Wala nang space, panu yan?"

Napatingin naman ako kay maam Lucia ng bigla siyang magsalita.
"Uhhm Meisha? Sumabay kana lang ky Lexus, magdadala din naman yun ng sasakyan." Suhestyon ni maam.

"Hala maam nakakahiya naman po."

"Basta ky Lexus ka sumabay okay? Pababa na yun ngayon."

Bigla namang sumulpot sa likod ni maam Lucia si Lexus.

"Good morning Momma!" He greeted before kissing his mom's cheek. Awww sweet.

"Hijo! Good morning, sayo na sasabay si Meisha." Maam Lucia spilled it. Napayuko naman ako't napakagat labi.

"Of course ma, no problem." Napaangat ako ng tingin sa kanya ng marinig ko ang sagot niya.

"Drive safe hijo." Maam lucia said and kissed her son on his cheek before waving goodbye.

"Una na po kami maam."

"Ingat kayo hija."

We headed into his car. He opened the trunk and put all our things in there. And he opened the passenger's seat and let me in in there. Before he gets in in the drivers seat.

"Are you ready?" He asked and smiled.

I smiled back. "Mmm hmm"

"good" he said then he drove his car. After 2 hours of driving, nakarating narin kami sa Brgy. Camansi. It is already 8 am this place is a little bit of a bukid kasi malayo siya sa kabisera ng ibang barangay tapos ang daan paakyad dito ay pataas at medyo mabato.

Dumiretso kami sa papag kung saan kinokonsidera nilang brgy hall. May hinanda silang agahan para saamin kaya laking pasasalamat namin dahil naguguton na talaga kaming lahat. Laking tuwa namin ng makitang budol fight style pala itong kainan namin. Nanubig ang bagang ko sa mga nakahain sa lamese, merong tuyo, itlog na pula tapos maraming2 kamatis, inihaw na bangos, at iba pa.

"Wow ang sarappppp" wala sa sariling sabi ko. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa. Pag tingin ko nakakalokong ngiti ang sumalubong sakin galing ky Lexus

"Hala fiesta!"

"Wow! Sarappp"

Sabi ng ibang kasama namin,

"Oh, halina kayo kumain muna ng agahan para masimulan nyo na ang tungkulin nyo." Sabi ni Brgy. Chaiman Ricardo Conrado

"Kainan naaaa!"

Nagsimula na silang maghugas ng kamay sa naka handang tabong my tubig. Nag hugas ako dun.

"Will I wash my hand too?" Nabigla ako dahil nasa tabi ko na siya at nagtanong noon.

"Yes mahal na hari." I said sarcastically

"Don't you have plates and spoon and fork?" He asked out of no where. Napatingin naman sakanya ang lahat. At napanganga. Siniko ko siya kaya bigla sing napatingin sakin.

"They don't have that right here." I said. "You have to use your hands, come on I'll teach you." I added. I taught him the right way to eat using his bare hands and he enjoyed it. Natawa pako dahil mukhang sarap na sarap pa talaga siya sa mga ulam na to. Di ko inaasahan yun. Napahanga naman ang lahat ng walang kahirap hirap at pandidiring kinain niya ang mga nakahandang pagkain sa mesa. Hahahayyyy nako napaka gwapo mo na sa paningin ko mahal na hari.

Pagkatapos kumain ay sandali kaming nag pahinga.
"Burrrrppppp" napatingin kaming lahat kay Lexus dahil dun. Hahahaha. "Sarappp" dagdag pa niya. Napangiti nalang kaming lahat sa kanya. Isip bata. Napailing nalang ako.

May kunting programang inihanda ang mga Brgy. Officials

"Ngayon naman ating pakinggan ang mensahe ni Señorito Lexus Veyron De Herrera para sa isang linggong pagtulong saating brgy." Sabi ni Capitan. Nagpalakpakan ang lahat ng umakyat siya sa entablado.

"Good morning everyone, in behalf of my family, I would like to Express my heart felt gratitude for your warm welcome to us, thanks for that yummy breakfast, that's the most delicious breakfast I've eaten in whole entire life." Napatawa naman ang lahat, napangiti naman ako sa kanya. Hayyy naku wala na talaga hulog na hulog na yung panty ko sa kanya hahahaha.
"Thank you for the unending support for my family, i hope we can help you with our small help by attending and giving you your primary needs that most of you cant afford because of being indigent, i hope we can make you happy with our small help for you guysss, once again thank you and good morning." He said and smiled to everyone. Napapalakpak naman kaming lahat sakanya. Di lang gwapo, mabait pa.

Pagkatapos ng munting programa, sinimulan na ng medical team ang medical mission. My para sa mga bata at sa nga matatanda. Meron din silang dental mission. Inaassist namin lahat ng tao sa kanilang court dahil narin sa sobrang dami nila.

"Ate Meeiiishaaaaaa!" Matinis na sigaw ng isang batang babae. Napalingon naman ako sakanya at napatawa ng mahina sabay sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Kamusta kana Jing?" Tanong ko sa batang 3 taong gulang na nakalambitin sa leeg ko. Napatawa naman ako ng mahina.

"Oki lang ko ateeee." Medyo bulol na sagot niya.

"Magpapacheck up karin ba?" Taning ko sakanya.

Tumango siya. "Bakit my masakit ba sayo?" Tumango ulit siya. "Saan?" Tinuro niya yung dibdib niya. Nanubig bigla ang mata ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay punas ng luha kong nagsitakas sa mga mata ko.

"Halika magpapa check up tayo okay?" Tumango naman siya.

LEXUS' POV
"Ate Meishaaaaa" napatigil ako sa ginagawa ng marinig ko ang matinis na boses na yun. Nang tumingin ako sa banda ni Meisha ay umaliwas ang kanyang mukha ng salubungin niya ng yakap ang bata at inikot ikot iyon. I smiled. They're beautiful to look at.

"Yan si Jing-jing ang batang napalapit na sa puso ni Meisha, pag pupunta rito si Meisha si Jing-jing ang laging hanap." Kwento ni Chairman napatingin ako sa kanya sabay ngiti.
"Napaka masiyahing bata kahit na wala nang pamilya tapos may sakit pa sa puso, kaya ganyan kamahal ni Meisha yan. Gustong gusto niyang ampunin si Jing kaya lang sabi niya pagnaka tapos na ng pag-aaral ang kapatid niya at natulungan na niyang makaahon sahirap ang pamilya niya tsaka niya gagawin yun." Dagdag niya pa. Napabaling ang atensiyon ko kay Meisha ng bigla niyang yakapin si Jing at pinunasan ang luha sa mga mata niya. Kasabay noon ay lumakad sila sa Pediatrician habang karga ang bata.

Sinundan ko siya doon. Doon ko narealize na hindi lang sa pisikal na anyo ang nagustuhan ko sa kanya, pero ngayon aamin ko mas lalo ko siyang nagustuhan dahil kanyang busilak na kalooban.





Hacienda De Herrera Series #1: MAID FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon