TSBM~~1

1.1K 20 0
                                    

Shine's POV

"Shine!!!..yung order sa table 7!!  Kunin mo na..."

"Yes ma'am!!!--feeling boss pero kapag nandito na si ate Syrene akala nito"

"May binubulong ka diyan huh!!!"

"Wala po ma'am!!..buwiset"

Nandito parin kasi ako nagtratrabaho.Pareho kami na nagtratrabaho ni....sabihin ko pa ba...o siya....si Kurt....happy?...happy?!

Pagkatapos kong ibigay ang ang mga order ay kinuha ko ang mga pinagkainan ng table 6....Huminga muna ako malalim at agad na pumasok sa dishwashing area.Siya na kasi ang naatasan doon.
..

"May dagdag ulit....Buenavista!!"

Nakita kong napatingin sa akin ng seryoso si Kurt..

"Ang saya mo?"

"Yup...malamang marami ka ulit na huhugasin hahahaha"

Umiling lang si Kurt at nagpatuloy sa huhugasin...

"May napansin akong may nagfamily lunch diyan...isang buong angkan...."

"Family lunch?"

"Yup....kung may family dinner edi may family lunch at family breakfast..."

Napailing nalang ulit si Kurt.Pero nakita ko ang bahagyang pagngiti niya...

Achievement na yun!!!!

Ang makita lang na napasaya ko siya ay lubos na saya na yun sa akin....

Walang nakakaalam na kapatid ko si Ate Syrene na ngayon ay nagmamay-ari ng DC Restaurant.....

Laging dumadalaw si Ate Syrene dito tuwing nasa company ang asawa at lagi niyang dala ang bunso nilang anak na lalaki at ang panganay nilang babae ay nasa school.Ayokong ipaalam iyun dahil ayokong binibigyan ng special treatment...

Tinapik ko siya sa braso...

"Alam mo pare....tutal maraming huhugasin ay may silbe na yang mga pumuputok mong biceps hahahaha....gotta go!!!!"

Alam nyo bang naglakas-loob pa akong tapikin siya....my goodness...

"Sa table 10 merong customer...puntahan mo Shine.." sabi ng new manager...lumipat kasi ng tirahan sa probinsya ang dating manager....nakakainis nga itong bago akala mo kung sinong amo ehh tuwing pumunta si Ate Syrene ay akala mo pinatok na pusa...

"Oh tunganga diyan...aba kilos...sinasahuran kayo ng tama kaya gawin nyo trabaho niyo!"

Tumalikod nalang ako....Akala mo kung sino...sheshesheshe...

"Boss...anong order niyo po.."

Alam kong lalaki siya kasi kita ko ang buhok niya....Nahaharangan naman ang mukha niya kasi nakataas ang menu...kung makatingin naman kasi sa menu kailangan sobrang taas...

Napangiti ako ng pilit nang binaba niya na....

"Ano na po---"

Napahinto ako ng pamilyar yung mukha....As in sobra!!!

Mukha siyang Casanova sa pormahan niya.Tumingin rin siya sa akin....

Ngumiti siya na ubod ng tamis...ohh myyyy.....siya nga!!!!

"Hi...." sabi niya

"JULIAAAAA!!!!!!"

bigla niya akong hinila at pinaupo sa upuan...

"Kung makasigaw ka naman girl...manahimik ka..sayang tong get up ko..."

"Ohh myy God!!!Julia kong ganyan ka lagi at nauna na kitang nakilala ay ikaw ang jojowain ko.."

"Ewww girll....like ewwww!!"

"Arte nito....tskk tskk tssk...sayang yang itsura mo..."

"May missionisss ako"

"Mission!"

"Ahh sige isigaw pa"

"Ok...ok..." sabi ko na nakataas pa ang dalawang kamay na parang surrender..

"Meron akong missioniss na kailangan kong maccomplish..."

"Ano naman yang....missioniss mo huh?"

"Ang pagselosin si papa kurt"

Napatawa ako ng sobra.Na halos hindi na ako makahinga.Nakatingin na nga ang ibang kumakain....

"Hahaha...papatayin mo naman ako bakla sa sinabi mo...paano mo.siya papaselosin...bakit may past pa kayo hahaha...kung papaselosin mo siya dapat pang girl yang itsura mo hahaha"

"Iba naman yang nasa isip mo gurl!"

"Hahaha....iba ba?"

"Basta watch and learn!!!!...eto yung order ko" sabi niya sa lalaking boses..
Napatawa ako ng lihim...hindi ko alam kong anong trip nila....

Nakasalubong ko pa nga si Kurt na kinatigil nang hininga ko pero dapat hindi halata...Nakatambay siya sa counter...

Nang maibigay ko na yung order nang nagpapanggap na lalaki ay aalis na sana ako ng bigla niya akong hinila pabalik....

"I like you!"

May kalakasan na sabi niya na ikinalaki ng mata ko....bigla niya akong hinila at may ibinulong...

"Girl..eto na yung missioniss ko....ang pagselosin si papa Kurt at maging kayo hahahah" sabi niya...

Bago pa siya makalayo ay may mga kamay na humila sa akin sa braso palayo sa kanya....

"Sir...masyado po kayong nakakakuha ng atensyon sa mga kumakain...bawal pong makialaman ang mga employees dito sa restaurant......umupo nalang po kayo sa upuan niyo at kumain..." sabi ni Kurt at agad akong hinila palayo kay Julia na ngayo'y nakangisi na...

Baliw talaga ang baklang yun....

Agad akong binitawan ni Kurt nang makapasok na kami sa dishwashing area...

"Shine.....ano bang pumapasok sa isipian mo at doon ka pa nagpapaligaw...sa harap ng mga kumakain huh!!!"

"Hu...anoo....ewan"

"My goodness...may kumakain doon....kung magliligawan lang kayo ng customer na yun ay sa labas niyo gawin...hindi sa oras ng trabaho..."

Sabi niya na nakatingin sa akin ng masama.Napalunok ako ng wala sa oras....baliw talaga yung bakla na yun.Nasabon tuloy ako....

"Ano....hindi ko naman alam..."

"Hay....hindi mo alam ehhh nung may binulong siya sayo ay hindibka agad lumayo....ako pa naglayo sayo....pinagtitinginan na kayo doon..."

"Ok...ok...kasalanan ko na...parang yun lang....."

"Tssk....sa susunod wag sa oras ng trabaho...."

"Ok po"

Ngumiti nalang siya at pinat pa ang ulo ko....Nang nakaalis siya ay napahawak ko yung ulo ko....Napamula ako ng hinawakan braso at pinat ang ulo ko.....ohh my God...he touched me!!!!

Ok ang OA na...kahit na....hinawakan niya ako ng hindi ko ineexpect....

Dapat ba akong magpasalamat kay bakla...hindi...nasabon kaya ako ng sermon....

Saan naman niya nakuha ang ganuung ideya kainis siya....nahihiya na akong lumabas kasi ang daming customer doon at baka nandoon pa yung baklang Julia.....makausap nga yun mamaya.....kainis siya....tskkk...tsskkk....

Malapit na rin akong mag-out....Alangan namang nandito lang ako.Lumabas ako at nakita ko si Kurt na nakaupo at may tinitigan sa cellphone niya...Lihim akong lumapit pero parang maling desisyon lang yun....tinitignan niya yung selfie nila ni Ate Syrene noong nagtratrabaho pa siya dito.....Nakita kong bahagya siyang ngumiti at napatawa....Hindi ko alam kung ano yung picture na yun kasi nakikita kong nililipat niya na....swipe siya ng swipe ng mga picture at patuloy parin ang pagtawa....siguro mga picture nila yun ni Ate Syrene.....ano kaya ang pakiramdam ng ako ang dahilan ng pagtawa niya na yun.....
...

...

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon