Shine's POV
"Nasaan yung gamit ko...."
Napatingin ako kay Daniel na busy parin sa hinahanap.Nandito siya sa bahay ko kasi daw wala naman daw siya mapuntahan kaya bahay ko ang napagdiskitahan niya....
"Kung saan mo kasi nilalapag.Maliit lang ang bahay ko kaya mahahanap mo yun..."
"Ehhh..paano kung hindi ko makita.."
"Ano ba yun?"
"Wallet ko.."
"Oww..wag mo nang hanapin..."
"Tama...para kung umalis na ako ay ikaw maghahanap doon..tskk"
"Hahahah....ang bilis mo namang nalaman..."
"Huh!..ugali mo kaya yun."
"Oo nga pala...may suitor ka pala...wala ka man lang sinasabi sa akin.."
"Huh?"
"Nakita ko sa post mo.Yung kadate mo doon"
"Talaga lang hahahaha....ano naman kung sa post mo na yun...."
"Wala...bestfriend mo ako tapos...."
"Ok ok....hindi ko siya manliligaw ok..friendly date ang tawag doon,"
"So may pag-asa pala ako..."
Napakunot ang noo ko sa narinig ko.Napatingin din siya sa akin at huminga ng malalim.Parang humuhugot siya ng lakas ng loob.
"Matagal na Shine....matagal na akong may gusto sayo...sa totoo lang ay matagal ko nang gusto yun sabihin.Sasabihin ko dapat sayo yun bago ako umalis dati pero naduwag ako.Kaya nabuhay nalang ako sa pagsstalk sa fb.Sa lahat ng social media.Pero nabuhayan ako ng makita ko ang post na yun kahapon.Hindi ko lubos isipin na meron na pala kaya agad akong pumunta dito.Shine crush kita simula pa noong unang pasok ko sa highschool.Simula nang makita kita na pumasok sa gate at nabangga ako ay nakuha muna ang atensyon ko.Nakipagkaibigan ako sayo dahil doon.Gusto pa kitang makilala ng lubos kaya lagi ako nasa tabi mo doon.Hanggang ngayon ay walang nagbago sa nararamdaman ko.Ganun parin at lalo pag nadagdagan....Shine hindi lang sa gusto kita.Mas higit pa Shine doon...mas higit pa.Shine mahal na kita.Mahal na mahal na mahal na kita....Hindi kita pinupwersang mahalin mo rin ako pabalik...Gusto ko lang sabihin sayo yun at tsansang may pag-asa pa ako.."
Napalunok ko nang wala sa oras.Hindi ko inexpect na aamin sa akin siya.Ang haba ng sinabi na sa tingin ko ay hindi yata siya huminga.Wala akong mahanap na sagot sa sinabi niya..
"Ano..amm..ano ulit?"
"Uulitin ko para sayo-"
"Hindi na!...alam ko na...Daniel alam mo namang wala ako masasagot sa gusto mong sabihin ko.Alam mo namang nabigla ako sa sinabi mo.Masaya ako kasi minahal mo ako...sorry kasi wala akong masagot sayo...."
"Hindi kita pipilitin...." sabi niya at tumayo na.May inilabas siya at pinakita niya yun.Yung wallet niya ay nakita niya na.May nilabas siya doon at isa pala yung litrato.Litrato ko nung highschool.Napangiti ako sa pinakita niya.Eto yung pic na pumapasok ako sa school.Binaliktad niya yun at may pinabasa sa akin.
'Someday...makikilala mo ako at mamahalin'
Napatigin ako sa kanya.Ngumiti nalang ako.
"Alam mo bang alam ko kung sino yang nasa puso mo.Parang natanggalan na ako ng tinik nung nasabi ko na.Kahit na ligawan kita ay alam ko kung sino na.Nagkwento yung lalaki na kasama mo sa post mo-"
"Kilala mo siya..."
"Nung makita ko ang post mo ay inalam ko na yung kasama mo.Naalam ko rin kung saan siya nakatira....Nalaman ko rin na planado lahat ng yun para sa isang tao.Nalaman ko na iba ang kasarian niya.Nalaman ko kung bakit niya yun ginawa.Kinuwento niya lahat.Alam kong hanggang kaibigan talaga tayo.Masaya na ako doon.Gaya ng nakasulat diyan sa litrato na makikilala kita at mamahalin mo ako.Nadama ko na yun pero sa ibang paraan.Bilang kaibigan lang.Masaya na ako doon."
Naramdaman kong nagsibaksakan ang mga luha ko.Eto na naman ako.Nagkakaganito ako dahil sa isang tao.
"Dan....pagod na ako.Pagod na pagod na sa nangyayari sa akin."
"Wala namang masama na magpahinga.."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Salamat dan..."
"Ok lang basta't ikaw..."
"Salamat dahil nandito ka....."
Napatingin ako sa bigla nalang nagbukas ng ito ko.Napatigin ako sa pinto na nakabukas at si Kurt yun..
Si kurt...
Si kurt yun!!!!
"K-Kurt...."
Nakayakap parin si Dan sa akin.Agad namang lumapit si Kurt at hinila ako palayo kay Dan na ngayo'y nakangisi...
"Kurt ano ba!!!..bakit mo ba yun ginawa at bakit ka nandito!"
Agad namang binitawan ni Kurt ang kamay ko at agad niya akong hinarap sa kanya.
"Kung hindi pa ako dumating dito ay may panibago na naman sayo.Bakit ba lahat ng manliligaw mo ay pinagsasabay mo."
"Alam mo Kurt ikaw dapat ang dinadadaan ko dito.Bakit ka nasa bahay ko.At sino ka ba Kurt para sabihin sa akin yan.We're just friends ok....masyado ka nang lumalagpas sa position mo sa akin.Alam mo Kurt may kasama akong tao dito kaya umayos ka nga!!"
Naramdaman kong wala na si Dan sa likod ko.Nakita ko nalang siya na nagwawave na o nagpapaalam.Kainis siya......nang-iiwan lang siya..
"Alam mo Kurt umalis ka na"
"Bakit may panibago na naman...."
"Eh ano naman sayo...."
"Ano bang nangyayari sayo..tanggap ka tanggap ng tao biang manliligaw mo--"
"Eh to nalang ang paraan ko para mawala ka naman sa sistema ko!!!"
Napatingin sa akin si Kurt na nalilito.
Huminga ako ng malalim.Eto na siguro ang oras ....Matatapos din etong paghihirap......"Matagal na akong may gusto sayo"sabi ko na nakayuko na.Parang kay dan lang kanina..
"Alam kong gusto mo si Madam...ramdam ko yun...Kurt mahal kita.May iba na siya......sana naman ay mabago naman..."
Nakita kong nagseryoso ang mukha niya.
"K-Kurt....hindi kita sasaktan...dapat ako nalang...Kurt mahal kita..desperada na kung desperada eh sa mahal kita!!"
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.
Tumingin ako sa kanya na taimtim.Huminga ako ng malalim...
"Mahal kita Kurt.Sasaluhin kita naman ehh....dapat ako nalang ang minahal mo.Dapat ako ang nasa puso mo......Dapat ako yung mga dahilan ng mga tawa mo...dapat ako nalang..That should be me!!!!.Hindi ka malulungkot sa akin.Mamahalin kita ng lubos pa sa akin......
...
...
Pero sa sobrang pagmamahal ko sayo ay nakalimutan ko nang mahalin ang sarili ko....Nawalan na ako sa sarili ko.Pagod na ako kaya kailangan ko na ring magpahinga....nakakapagod din palang magmahal sa isang taong walang kasiguraduhang mamahalin ka din.....tama na siguro Kurt noh......tama na para sa sarili ko....."
BINABASA MO ANG
That Should Be Me
General FictionMakita kang masaya sa iba ay sapat na... makita kang pinapasaya ng iba ay masaya na ako... ang makita kang nasasaktan ay mas masakit sa akin.. Nandito naman ako...Kaya kang saluhin na hindi ginawa ng mahal mo..Dapat ako ang kasama mo..Dapat ako ang...