TSBM~~9

541 17 0
                                    

(first and last POV)

Kurt's POV


Napatingin ako sa bench sa kabila kung saan nandoon sila...Naipaliwanag na sa akin nung kasama niya ang lahat.Kung ano sila at ang topic na pag-uusapan nila.....

******

NAKAUPO lang ako sa bench.Hinihintay kong mag-out si Shine.Gusto kong ipaliwanang sa kanya ang side ko sinabi niya.Inaamin ko na nabigla ako.Kasi akala ko ay kagaya din ang mangyayari kay Rene.Akala ko ay maiiwan din ako kaya tinago ko na ang nararamdaman ko sa kanya.Pero may mga oras na gusto kong ipakita na sa kanya.Nagseselos ako  sa mga lalaking kinakasama niya.

Inaamin ko na nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Rene na nakay Damon na.Pero Ok na kami.Tanggap ko na.Matagal na.....


Nabigla ako ng may umupo sa tabi ko.Yung kasama ni Shine sa bahay niya.

Sinabi niya sa akin ang lahat tungkol sa kanila...Pati na ang pag-alis niya at pagyaya rin na makasama si Shine.Napatingin  ako sa kanya...

Gusto na ni Shine na mawala na ako sa buhay niya.....Kahit na hindi man niya sabihin ay ganun nga.....Ang pag-iwas niya sa akin.....masakit yun sa part ko kaya nagresign na ako....pero ang sinabi ng lalaking ito na isasama niya si Shine ay napaisip ako.Nasasaktan ko si Shine sa tuing nakikita niya ako....mas mabuti na yata na ganito nalang....

"Aalagaan mo siya doon...." yun yung sinabi ko sa kanya bago ako umalis na.

*****

Pero hindi ako umalis.Sinundan ko sila saan man sila pumunta.Nandito sila sa park at kumakain ng ice cream.Complicated ang buhay ko kaya ayoko nang idamay si Shine pero ang makita siya na ganitong kasaya ay gusto ko ako ang dahilan.


Gusto kong sabihin sa kanya na 'oo....Shine gusto rin kita...' pero hindi.....

Hindi ako kayaman ng iba...Hindi ko maipakita yun kay Shine.Ayoko siyang mahirapan sa akin....Baka isipin niya lang na rebound ko siya....Mas maganda ito.....na manatiling kaibigan lang......

Napatingin ako sa mga pictures na nasa gallery ko.Mga stolen to ni Shine na laging nagbibigay tuwa sa akin.Laging nagsesend sa akin ng pictures ang mga katrabaho ko ng mga stolen niya.Minsan natatawa nalang ako.....May mga pictures si Rene dito sa cp ko pero mas marami ang kay Shine.



Nakilala ko si Shine nung nag-apply ako dito sa restaurant na ito.Natatandan ko pa ng magpipicture siya ay sumingit ako.Natatawa kasi ako sa kanya ng palihim pero mas tinutukan ko talaga ang panliligaw ko kay Rene na alam kong wala talaga akong pag-asa...pero pinilit ko...


Pero may mga time na napupunta ang atensyon ko kay Shine...Lagi siyang nagpapatawa sa akin...


Sa tuwing binibigay niya sa akin ang mga hugasin ay nagpapatawa siya.Masaya siyang kasama pero ako....tahimik akong tao....hindi kami bagay....

Nung kinasal si Rene ay masakit sa akin.Dahil hindi na siya mapapasakin pa.Pero natanggap ko na...Tinutok ko ang buhay ko sa trabaho....pagkatapos ko siyang makausap ng kasal niya ay napanatag na ang kalooban ko.Natanggap ko na.....


Laging nasa tabi ko si Shine.Nung oras na malungkot ako ay nasa tabi niya ako.....kaya pinangako ko na sa sarili ko na kapag siya naman ang nasa ganitong kalagayan ay dadamayan ko siya......

Pero nang nalaman ko ang lahat.Na gusto niya ako.....na mahal niya ako....wala akong masabi....gusto kong saktan ang sarili ko nang idaan ko pa sa biro...

Mas lalo ko siyang nasaktan....nasasaktan ko siya.....


Ngayon na may kasama siyang iba na kumakain pa nang ice cream ay nasasaktan din ako...Dapat ako ang kasama niya doon..Pero hindi ko man masabi..

Dapat kasama niya ako pero hindi ko masabi.....walang salita ang lumalabas sa bibig ko.....

Nung makita ko ang post niya na may kasama siyang iba na nakahashtag date ay naalarma ako.....hinanap ko agad agad ang putang lalaking yun pero nalaman kong si Julia yun...kaya medyo nakampante ako...nilike ko at comment.....

Pero nagdadalawang isip din ako na baka naging lalaki na siya at seryoso yun....Kita ko ang saya doon ni Shine na kailan man ay hindi ko naibigay sa kanya.....


Alam ko na nasasaktan siya sa mga salitang nabibitiwan ko kapag kay Rene....alam ko na ngayon....


Gusto ko siyang yakapin at sabihin na mahal ko na din siya....Tama ang nakita ko....Minahal ko siya sa pagiging ganun niya....Nasa tabi ko siya lagi.......mabilis ako nakamove on dahil sa kanya....

Malaki ang pasasalamat ko sa kanya...pero huli na ako....napagod din siya sa akin....ayaw niya na....at baka nga ngayon ay umoo na siya dahil nakangiti parin siya kausap ang lalaking nararapat sa kanya..

Mataang ako sa kalagayan ko ngayon na pinagmamasdan ko nalang siya....


Pero alam kong mas masakit eto.Ang makita ko na nasa iba na siya.....

De ja vu lang......


Nangyari naman ulit....pero hindi ko inexpect na mas masakit pa ito....mas masakit pa noong una..


Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko.Hinayaan ko nalang tumulo yun doon....Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa kanya...

Salamat Shine.......sa lahat....

Tumalikod na ako sa kanila.Nagsimula na akong maglakad....Di ko alam kung paano pero nasa tapat na ako ng bahay ko....

Napahiga agad ako sa kama ko.Agad din akong napatayo ng may tumatawag..Tinignan ko yun at si Rene pala yun....

"Hello--"

(ANO NA NAMAN TONG NARINIG KO KURT!!...AALIS YANG SI SHINE!!!  PIGILAN MO NA!!!..)

"hindi naman ganung kadali--"

(MADALI LANG YUN!!!)

Nakalimutan ko palang sabihin na sinabi ko na kay Rene ang totoong nararamdaman ko simula nong may tumatawag sa kanya ng tao na umoorder na hindi ko pa alam na si Julia pala yun ay agad ko nang pinagtapat kay Rene....hindi niya sinabi sa akin na magkapatid pala sila.....




Doon niya sinabi na kaya pala ganun si Julia.Kasi pinaplano niya sa akin yun.Kainis nga kasi pinapatuloy pa nila yun.....

Pero ngayong wala na ay ano na magagawa ko...

"Wala na......ayaw ko na siyang masaktan pa...sapt nang makita siyang masaya"

(Magulo talaga kayo....pareho lang naman kayong--)

"Gusto ko nang sumaya na siyang tuluyan...."

(Pero--)

"Salamat nalang Rene sa lahat"

Hindi ko na siya hinayaang pang magsalita kasi binabaan ko na....Tumingin nalang ako sa kisame hanggang sa ipikit ko na ang mga mata ko.....

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon