Shine's POV
Napatingin sa akin si Ate pagkatapos ko yung sabihin.Binigay ko muna sa kanya ang anak niya at tumingin sa kanya...
"Salamat ate kasi kahit dito pa naman sa buhay pag-ibig ko ay tinutulungan mo ako....kaya ko namang maghintay sa kanya...makita ko lang siyang masaya ay ok na ako...alam mo te...."
"Teka...doon nalang tayo sa office..." sabi niya.Binigay niya ulit sa akin ang anak niya at kinuha ang mamahaling bag niya...
Agad kaming pununta doon....
Pagkapasok palang ay may nakita na akong crib doon..Agad kong binaba ang anak niya.Kinurot ko siya sa pisnge pero hindi naman madiin.Nakita kong ngumiti siya kaya napangiti nalang ako.....
"Ano ulit yung sasabihin mo....."
Tumayo na ako ng tuwid at humarap sa kanya....
"Alam mo te....naiinggit ako sa yo....lahat ng tao gusto ka...ang saya ng buhay mo..."
"S-Shine.....may gusto ka sa asawa ko"
Napalaki ang mata ko at bigla akong napatawa...
"Ate..mamamatay ako sayo ehhh hahahahha....hindi yan yung ibig kong sabihin.Kasi sa simpleng galaw mo lang ay apektado si Kurt.Napapasaya mo siya kahit wala kang ginagawa..sana ako nalang...yung napapasaya siya...Yung ako ang dahilan ng pagtawa niya.Ang sakit makitang napapasaya mo siya pero ako wala.....wala akong magawa.Hahahaha...oo nga pala...manliligaw mo pala siya dati."
"Shine...nararamdaman kong may gusto na rin si Kurt sayo"
"Ate...nararamdaman mo pero sa akin hindi...inggit na inggit ako sayo na kulang nalang gayahin na kita para magustuhan niya ako.Dapat ako ang mahal niya...Desperada na but that should be me!"
Hindi ko na napigilang mapaiyak.Ang pagtulo ng luha ko ay ebisensya ng pag-iyak ko..
"H-Hindi ko na rin kaya te...Gusto ko lang na mahalin niya ako..."
Agad na lumapit sa akin si ate para yakapin ako.Doon nalang ako umiyak sa bisig niya.
"Dadating ang panahon at makikita mo rin...magiging masaya ka Shine.Kasing liwanag ng sinag ng araw"
Napatawa nalang ako sa sinabi niya.Napagaan niya ang pakiramdam ko.Salamat nalang at may ate ako dito.
"At sigurado akong meron talaga....siguro nalilito siya...siguro ay natatakpan lang ng pag-ibig niya sa akin ang nararamdaman niya sayo.."
Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan siya.Alam kong may mga possible na tama siya....
"Kaibigan ko si Kurt at kapatid kita.Lagi mo nalang dati sinasabi na bigyan ko ng pagkakataon si Kurt dahil sabi mo mahal niya ako.Ayaw mo siyang nakikitang nasasaktan kaya ginagawa mo lahat mapasaya mo lang kaya kita tinutulungan hindi lang pati rin si Kurt.Gusto ko na sumaya kayong dalawa....."
Humiwalay ako sa kanya.Ngumiti ako sa sinabi niya....
"Salamat....."
"Basta gagawa ako ng paraan kaya ikaw....stay put kalang hahhah"
*******
"Anong pinag-usapan niyo kanina ni....R-Rene..."
Napatingin ako sa kanya.Kahit ang pangalan niya ay hindi niya na mabigkas ng maayus...
"Wala lang....kinamusta ako pati narin ikaw..."
"Yun lang...."
"Bakit may gusto ka pa bang malaman.....umalis ka agad kasi doon....parang may iniiwasan ka"
"Alam mo naman yun Shine..."
"Kurt.....wala ka pang sinasabi sa akin about sa kanya.Wala kang sinasabi sa akin kaya pano ko malalaman...."
Napatingin siya sa akin at lumapit sa akin.Napaatras ako sa ginawa niya.
"Gusto mo bang malaman...."
Ayaw ko...ayaw kong malaman kong paano mo siya minahal....kung gaano mo siya minahal...na sana ako nalang..
"Mahal ko siya Shine.....minahal ko siya....."
"Hahaha...ikaw ahhh....m-may gusto ka pala kay Madam...ahh...haha"
"Masakit sa akin na makita siya.Na napunta siya sa iba...noong kasal niya...kinausap ko siya at sinabi kong tanggap ko na....tanggap ko na na nasa iba na siya.Wala naman akong magagawa dahil manliligaw lang naman ako....manliligaw na maraming beses niya nang pinapatigil dahil matagal na rin niyang sinabi na wala na....wala akong karapatan sa kanya.Ang tagal ko na siyang hinihintay na sana sagutin niya na ako.Lagi ko siyang sinusundan sa bawat trabaho niya......alam mo ba Shine ang sakit nun huh....?"
Alam ko Kurt..ngayon ay nasasaktan na ako...
"Oo naman..."
"Ayaw ko nang maramdaman pa ang ganung sakit....pero nararamdaman ko na naman...." Tumingin siya sa akin ng seryoso na parang hinihigop ang kaluluwa ko...
"Nararamdaman ko na naman ulit.."
Binaling ko na ang tingin ko sa iba...Nararamdaman na naman niya yung sakit kasi nakita niya na naman si Ate...
"Alam mo ba Kurt....na nasasaktan din ako"
Wala namang masama kong magsalita na ako...dahil alam kong wala namang mangyayari....
"Nasasaktan ka nang makita si Rene...may gusto ka ba kay Damon...?"
Napatingin ako sa kanya ng deretso sa mata....
"Nasasaktan ako dahil ako nalang sana...Nasasaktan ako kasi hindi ako ehhhh....hindi ako...hahaha..kasi dapat ako....dapat ako nalang minahal....hindi siya masasaktan kapag ako ang minahal niya....sasalohin ko siya pero wala ehhh...may mahal siyang iba na hindi parin niya mabitaw-bitawan...Kurt yung tinatanong mong kung alam ko ba yung sakit.....oo naman....sobra..."
Umayos ako ng pagkatayo.
"Hahahha...grabe ang drama ko.Naririnig ko nang tinatawag ako ng manager natin....hahahah....sigurado akong marami kang huhugasin hahahah...sige...ano...sige pala"
Tumango tango pa ako bago ako umalis...Nasasaktan ako ngayon ng sobra...nagpatama na nga ako wala parin siyang alam...
Nasasaktan ako.....
Nasasaktan ako.....
Nasasaktan ako ng sobra....
Sa susunod na aaminin ko na ay titigilan ko na siya...Napatingin ako kay Kurt na nakatingin siya sa akin.Napakunot ang noo ko nang para siyang lutang....lutang na parang ewan....Kinuha ko yung bulalak na nakadikit sa pader at tinapon sa kanya.Natamaan siya sa mukha at parang nagising sa kawalan at agad na napapikit-pikit.....
"Hahahaha....good morning Kurt....hahahah.....yang bulaklak bigay ko sayo haahaha"
Siguro ay makuntento nalang ako.Na tignan siya at pagdasal na mapunta siya sa akin...pero gaya nga ng sabi ng iba ay hindi ka makakaalis sa multo ng nakaraan kung ikaw mismo ay hindi mo mabitaw-bitawan...
Dibale kapag nakalaya na siya doon.Ako mismo ay sasalubong sa kanya kung ako ang piliin niya....
Maghihintay nalang ako pero hindi kailanman....dahil kong sasabihin niyang lalayo na ako...susundin ko siya kung doon siya sasaya.....
BINABASA MO ANG
That Should Be Me
General FictionMakita kang masaya sa iba ay sapat na... makita kang pinapasaya ng iba ay masaya na ako... ang makita kang nasasaktan ay mas masakit sa akin.. Nandito naman ako...Kaya kang saluhin na hindi ginawa ng mahal mo..Dapat ako ang kasama mo..Dapat ako ang...