Special chapter

791 19 1
                                    

Shine's POV

Saan ko ito ilalagay...Ang dami kasing kwarto...pangalawang bees palang ako nakapunta sa bahay ni Kurt pero ang sabi niya doon na ako tumira.....

Wala naman daw siyang kasama doon....Ilang buwan na simula ng mga nangyari doon....

I'm his girlfriend now.....achuchuchuchu.......

Sabi nga ni bakla...success ang missioniss!!

Gusto ni Kurt mag live-in na daw...well isa lang naman siya sa bahay niya....kung sakaling may mangyari ay maraming akong pagtatakbuhan doon..

O/////////////O


So yun na nga....SAN KO TO ILALAGAY!!!!!

ang daming cabinet...baka makalimutan ko kung saan ko ito ilalagay....mamaya daw....itutour ako ni Kurt sa buong bahay niya....


Ang dami naman kasi kwarto...
Hanggang second floor nga pero malawak....Totally millionaire tong si Kurt pero lagi niyang sinasabi na mahirap lang siya at hindi niya daw pera yun kasi hindiniya pinaghirapan....


Pero syempre sabi niya din ay pera niya na talaga sayang daw ehhh...asusssss....


Bahala na si batman sa mga gagawin ko...Agad ko nang inilagay ang mga gamit ko..Dibale agad ko nang bubuksan ang lahat kung sakaling hindi ko mahanap ang mga pinaglalagay ko.....

"Dito ka....dito ka....dito--ahhh ano to"

Nakakita ako ng isang envelope nung ilalagay ko pa ang ilang damit ko..Agad ko iyun kinuha at agad ding binuksan....Napakunot ang noo ko sa mga pinaggagawa ko....heheeheh pakialamare na kung ganun hahahahaha

Napatingin ako sa loob nun...perang mga litrato....Agad kong iniisa-isa lahat ng yun.....

Bale lima lahat ng yun....

At puro litrato ko....

Ang una ay yung kasal ni Ate na nasa simbahan na kami at isa ako sa naging abay niya....
Binaliktadko ang litrato at may nakasulat doon

'The first time I laid my eyes directly to you....alam kong may iba sa akin na parang gusto kitang protektahan'

Napangiti ako sa nabasa ko....nakakatouch huhuhu....

Kinuha ko yung isa at yun yung araw na kumukuha ako ng order ng ibang customer....

'Masipag ka at may malasakit kaya hindi ka mahirap mahalin....'

Yun yung nakalagay sa likod...Yung pangatlong litrato naman ay yung naghuhugas siya at ako naman ay dinadaldalan siya.....

'Sa tingin mo hindi kita pinapansin at hinayaan ka lang na nagsasalita na parang binabalewala lang kita....baliktad doon gusto ko na nandoon ka lang....gusto ko magtagal ka sa tabi ko pero alam kong magagalit ang manager natin kaya ganun ang trato ko sayo'

Nakakaiyak ang bawat mensahe sa bawat litrato.Ang pang-apat ay yung naglalakad kaming dalawa ni Dan papunta sa park na may dalang ice cream....

'Masakit kang makita sa iba pero ang mas masakit ay ang nasasaktan kita...mas maganda na siguro yan...ang nakikita kang ngumiti at tumawa kahit na may kasama kang iba'

Hindi ko na maipaliwanag ang nangyayari sa akin dito...ngumingiti ako tapos tatawa ngayon umiiyak....

Napatingin ako sa baba ng nahuog ang huling litrato pero nung kukunin ko na ay naunahan ako ng iba.Napatingin ako doon kaya alam kong si Kurt yun dahil dalawa lang kami dito.....

Napatingin siya sa akin at binigay yun.Tinignan ko yun ay yun yung wallpaper ko sa cellphone....yung sumingit siya sa pic na dapat lang ay akin.....ang cute nga para sa akin....Binaliktad ko yun pero walang mensahe...as in wala...malinis...

"Di ko alam pero sekreto akong kumuha ng copy doon sa nagpic sayo...di ko alam kung bakit pero yun nga kumuha ako ng copy....siguro yan yung raw na nagtrabaho ka doon at ang araw na nakilala kita....siguro doon na may nabuo sa akin na parang ewan...alam kong may something sayo na hindi ko maipaliwanag kaya yan.....yang picture na yan ay mahalaga sa kin...kaya ng paghahalaga ko sayo"


Ngumiti ako sa sinabi niya...Iba talaga ang pakiramdam kapag nakakakuha ka ng message na galing sa mismong bibig ng tao hindi sa sulat....mas nakakatouch!!

Agad akong lumapit sa kanya....Napatingin ako sa picture na ito at binigay sa kanya.Nilabas ko ang cellphone ko at ipinakita ang wallpaper ko....

"Pinahahalagahan ko rin ito gaya ng pagpapahalaga ko sayo...."sabi ko at lumapit sa kanya at agad niyakap siya....Niyakap niya nalang ako pabalik....


*******

"Hmmmm...so ito yung dining room...."

"Yup.....diyan tayo kakain....ng pagkain..." agad ko siyang siniko kaya tumawa lang siya....

Kaasar lang...Napatingin ako sa isang malaking picture frame ng magulang nila.....

"Siguradong masaya na sila.....nakikita na nilang masaya ka Kurt "


"Sa tingin ko...."

"Hindi mo kasalanan na nawala sila ng maaga....minsan ang iba ay ginagawa nilang challenge sa buhay ang mawalan ng magulang.....ikaw ay mukhang natagumpayan mo....masaya ako para sayo"

"Mas masaya ako kasi nandito ka sa tabi ko...."

"Ausssss....dami mong banat...."

"Naman.....ang isa pa toh" napalaki ang mata ko nang hinapit niya ako palapit sa kanya.At agad niyang hinawakan ang pisnge ko at inilapit ang labi niya sa labi ko.Napapikit nalang ako ng maglapat na ang mga labi namin.....agad din akong sumagot sa halik na handog niya....


Ilang segundo lang yun at agad din siyang bumitaw...

"May ipapakita pa ako sayo na mukhang magugustuhan mo"

"Hmmm....talaga "

"Yup....sana wag kang mabibigla...kasi baka tumanggi ka hahahahahah"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya...weird  pero nakitawa ako sa kanya....Naalarma ako ng may inilabas siyang parang panyo sa likod niya at pinaikot niya ako para ipiring niya sa akin....

"K-Kurt......."

"Wag kang mag-aalala...gagabayan kita kaya wag kang matakot"

"Ok.." Naramdaman kong hinawakan niya ako sa bewang at sinumulan niya ako palakarin..

"Ikaw Kurt ahhh.....minsan ay nakakabigla kang tao.....dami mong pasurprise hahahahah....siguro nakasadya na yung envelope na yun...."

"You think so....."

"Hahahaha....such a romantic guy hahahahah"

"Ok ok...just be quiet and follow my lead"

"Hahahahah..yes boss"

Nararamdaman kong parang nasa labas na kami....bigla nalang huminto si Kurt kaya napahinto na rin ako....

Naramdaman ung lumayo si Kurt sa akin kaya nagtaka ako...

"Kurt...kurt??"

Pero walang response kaya tinanggal ko na....Nasilaw pa ako sa sinag ng araw...nasa likod kami....nagtaka ako kaya humarap ako..

.




Nanlaki ang mga mata ko na ang daming tao...nandito ang lahat.....family ko....family ni papa....family ni Ate....mga kaibigan ko...at ang napakalaking mga salita na nakalagay sa bahay.....

'WILL YOU MARRY ME?'

Agad akong napatingin sa lalaking nakaluhod sa akin habang hawak ang diamond ring.....

"Shine....will you marry me?"

At sino naman ako para tumanggi sa kanya.....

"Kurt........OO NAMAN!!!! AKO PA BA!!!"


~~~~~~~

That Should Be MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon