"GENTLEMEN, I present to you the new executive pastry chef, my son Federico Laurel."
Kasabay ng malakas na palakpakan sa loob ng boardroom nang ipakilala si Icko ay humikab siya. The last thing he wanted was to be trapped in a room full of old and fading men.
"Icko, why don't you stand up so the directors here can see you," wika ng nakatatandang kapatid niyang si Ivan. Mahinahon ang pagkakasabi nito niyon pero may talim sa likod ng boses nito.
Kahit naiirita ay tumayo siya at bahagyang yumukod. Malapad ang ngiting iginawad niya sa board of directors. "Since my old man has already told you I'm the new executive pastry chef, wala na kayong choice kundi alagaan ako sa ayaw n'yo at sa gusto. It's fun being the chairman, huh?" Sinamahan pa niya iyon ng nakalolokong tawa.
Nagkatinginan ang mga board of director, mukhang tinatantiya kung ano ang magiging reaksiyon sa sinabi niya.
Inilahad niya ang mga kamay. "C'mon, old people! Laugh! Nawalan na ba kayo ng humor sa katawan dahil iniisip n'yong malulugi ang kompanya dahil narito na ako?"
"Federico," mariing saway ni Ivan. Tiningnan din siya nang matalim ng ama nilang si Don Antonio Laurel—everyone in the office called him "Don."
"Geez! What's wrong with you, people?" Nang wala pa ring nag-react ay tumikhim siya nang malakas. Pagkatapos ay nagkamot siya sa ulo. "Thank you for the warm welcome, I guess?"
There was an awkward silence afterwards. Tumikhim ang kapatid niya. Mukhang pilit nitong ibinabalik ang magandang atmosphere na sinira niya.
"My brother has a lot to learn in the company. But I can assure you he'll be a good boss. So in the meantime, I ask for your mercy and guidance. Please teach him well," punong-puno ng karisma na sabi ng kapatid niya habang nagsasalita.
Nagpalakpakan ang lahat. Lihim na umismid siya. Good boss, my ass!
Nang matapos ang meeting ay agad siyang tumayo at tinangkang tumalilis na rin ng boardroom. Pero napangiwi siya nang marinig niya ang boses ng ama.
"Follow me, Federico," mariing sabi nito bago tumalikod.
Icko looked at his brother. Napapailing lang ito, pagkatapos ay sumunod na rin sa direksiyong tinahak ng papa nila. Mukhang panibagong batch na naman ng panenermon ang aabutin niya. Pero ano ba ang bago? Mula yata nang magtapos siya ng kolehiyo ay naging misyon na ng ama at kapatid niya na sermunan siya.
Nang makapasok siya sa pribadong opisina ng kanyang ama ay nanatili siyang nakatayo malapit sa pintuan para kung magkainitan man ay mabilis siyang makakatalilis.
"What else do you want to tell me, Papa?" tanong agad niya rito.
The old man looked at him sternly. "Hindi kita dinala sa kompanyang ito para ipahiya ako, Federico. I already gave you a warning."
Bale-walang nagkibit siya ng mga balikat. "Then I guess that leaves you with no choice, right? You take me in, you take all of me."
Tumiim ang mga bagang nito na tila pinipigilan ang tuluyang pagsiklab ng galit. Eksperto ito na manipulahin ang sarili nitong emosyon para sa advantage nito. Kung magkakalindol siguro nang mga oras na iyon at mamatay ang buong pamilya nito ay hindi man lang ito kukurap. Bagkus ay hahanap ito ng bagong batch ng pamilya paggising nito kinabukasan. Lihim siyang umismid.
Tumuwid ito ng tayo. "Someday, you will run this company together with your brother, Icko. This is your legacy. Kahit anong iwas at paglayo mo, dito pa rin ang magiging bagsak mo."
"Is that a dare, old man?" paghahamon niya rito.
"Icko! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo!" saway sa kanya ng kapatid niya na hustong kapapasok lang ng kuwarto. Ito naman ang klase ng taong hindi mangingiming maglabas ng emosyon kung kinakailangan.

BINABASA MO ANG
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)
RomancePara kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fa...